Part 27

3.7K 83 2
                                    


"MAMA!" Magkahalong pagkagulat at katuwaan ang rumehistro sa mukha ni Lia nang makita si Johna.

Johna bit her lip. Napupuno na naman ng emosyon ang kanyang dibdib at gusto na namang humagulhol ng iyak. Ibinuka niya ang mga braso at niyakap ang anak. Mahigpit ang yakap niya bagaman sinisigurong hindi ito masasaktan.

"Wala ka po work, Mama?"

Tiningnan ni Johna ang nanay niya. Bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. Napakasuwerte niya dahil binigyan siya ng Diyos ng mga magulang na katulad ng tatay at nanay niya. Hindi siya itinakwil ng mga ito. Oo, naroon ang disappointment at sakit. Hindi naman siguro mawawala iyon. Pero nangibabaw ang pagmamahal ng mga magulang sa kanya na buong puso siyang tinanggap at kinalinga. Tinulungan at inalalayan siyang bumangon. Nagkamali raw siya pero hindi ibig sabihing habang-buhay na siyang talunan. Kaya nga matindi rin ang motivation niyang makabangon dahil sa mga magulang.

"Meron. Pero hindi muna pumasok si Mama kasi miss na miss na kita," sagot ni Johna at kinarga ang kanyang anak. Her eyes became watery. Kinagat niya nang mariin ang labi para huwag matuloy ang pagpatak ng kanyang luha. Oh, dear God. Huwag n'yo pong ipahintulot na makuha ni Vaughn ang anak ko. Hindi ko kakayanin...

Pagkatapos ay lumapit si Johna sa nanay niya at nagmano. Kinuha naman nito ang kanyang bag, pati na ang bitbit niyang plastic bag ng takeout food.

"Miss na miss din po kita, Mama," she said and kissed her mother's cheek.

"Oh? Tito Prince! Nandito rin po kayo?" gulat na sabi ni Lia, matatas at tuwid itong magsalita sa edad na lima.

Nai-imagine ni Johna ang pamimilog ng mga mata ng anak. Akala niya ay umalis na si Prince, sumunod din pala sa kanya sa loob ng bahay. Laking pasasalamat niya na nakausap at dinamayan siya ng binata. Kahit paano ay gumaan ang kanyang loob dahil nailabas niya ang lahat ng hinanakit sa dibdib.

"Na-miss n'yo rin po agad ako?" tanong ni Lia kay Prince.

Humarap si Johna sa binata na kay Lia nakatingin. Right, he was avoiding her eyes. Hindi na nga pala siya nito tinitingnan sa mga mata. Nalungkot siya dahil doon. Hindi niya naisip na kaya nasa tabi niya si Prince sa mga sandaling ito ay dahil tinawagan ito ng may-ari ng restaurant. And him comforting her? Baka wala na iyong ibig sabihin.

"Yes, little girl. Na-miss ko rin ang kakulitan mo." Lumapit ang binata sa nanay niya at nagmano.

Nanghaba ang nguso ni Lia. "Hindi naman po ako makulit, ah. Behave po ako. Kahit itanong mo pa po kay Lola. 'Di po ba, Lola?"

Prince chuckled. "Okay, I believe you. Come, ikuwento mo kay Tito ang ginawa ninyo sa school. And then, tatawagan natin si Ninang Cess. Magpapabili tayo ng maraming chocolates." Kinuha nito si Lia sa mga bisig ni Johna. Agad namang sumama ang bata. Nang makuha si Lia, sinenyasan siya ni Prince na makipag-usap na sa nanay niya at ito muna ang bahala sa bata.

"Salamat," she mouthed at him.

Tumango lang ito. Ni hindi ngumiti.

"PA'NO nga ba, Prince, kapag humantong ito sa korte?" tanong ng nanay ni Johna, bakas ang takot at pag-aalala sa mukha.

Madaling nakatulog si Lia. Then her mother asked Prince to join them.

"Ayon ho sa batas, dapat nasa poder ng ina ang batang pitong taong gulang pababa. Karapatan po 'yon ng ina. Kapag pitong taong gulang na ang bata, saka ito tatanungin ng korte kung kanino gustong sumama," paliwanag ni Prince. "Maliban na lang po kung palabasin ng kampo ni Vaughn na walang sapat na kakayahan si Johna na maging isang mabuting ina. Isinasaalang-alang po ng korte ang kaligtasan ng bata, welfare, at ang environment na ginagalawan niya. Ganoon din po kung kanino magiging maayos ang kinabukasan ng bata. Kapag napalabas ng kampo ni Vaughn na unfit maging ina si Johna at hindi mapapabuti ang bata sa poder niya, siguradong papaboran siya ng korte."

"M-mabuting ina si Johna," sabi ng nanay niya sa emosyonal na boses.

It stung Johna's eyes and caused unstoppable tears. Napakasarap niyon sa pandinig. Sabi ng matatanda, makakabayad ka lang ng utang mo sa mga magulang mo kapag naging ina ka na rin. Malalaman at maisasapuso mo na raw kasi ang mga paghihirap na pinagdaanan ng mga magulang mo para sa iyo.

"W-walang sinumang makapagsasabi na hindi naging mabuti ina ang anak ko," basag ang boses na patuloy ng nanay ni Johna. Hindi na rin nagpaawat ang mga luha nito. "H-hindi nga ba't binuhay niya ang bata kahit inutusan siya ni Vaughn na ipalaglag ito? Hindi nga ba't kaya siya nag-aaral at nagsusumikap ay dahil iniisip niya ang kinabukasan ng anak niya? K-kahit sino sa barangay na ito ay puwedeng tumestigo na mabuting ina ang anak ko. P-pinanindigan niya si Lia. N-natuto siyang akuin ang responsibilidad niya kahit napakabata pa niya at natatakot."

Hindi makapagsalita si Johna. Parang may malaking bara sa kanyang lalamunan na nagpapahirap sa kanya na huminga. She could only cry silently. Bumabalik ang unang beses na nakita at nakarga niya si Lia. Umiyak siya noon dahil sa saya. Nang mga oras na iyon, alam ni Johna na hindi siya nagkamali ng desisyon na buhayin ang bata. Sobrang nahirapan siya sa pagle-labor. Pero tiniis niya ang lahat ng sakit at pinilit na magpakatatag. Bumabalik din ang mga araw na naiiyak siya sa takot tuwing may sakit si Lia. Natataranta siya at hindi alam ang gagawin. Kahit lagnat lang, iniiyakan niya dahil natatakot siya na paano kung magkaroon ng komplikasyon? Paano kung malagay sa panganib ang buhay ng kanyang anak?

Pero isang ngiti lang ni Lia, isang yakap at isang halik ay nawawala ang lahat ng alalahanin ni Johna. Ah, those were the things na hinding-hindi maiintindihan ni Vaughn.

"B-bakit ba ito ginagawa ni Vaughn?" umiiyak na patuloy ng nanay niya. "Bakit kailangang gipitin niya kami? Hindi namin maibibigay ang materyal na bagay kay Lia pero busog siya sa pagmamahal namin."

Johna bit her lower lip. Bakit nga ba ginagawa iyon ni Vaughn? Why all of the sudden he wanted to take her child? Parang wala itong kasalanan kung makaasta.

"Hayaan n'yo po at aalamin ko kung bakit ito ginagawa ni Vaughn. Kung bakit bigla-bigla siyang magpapakita at guguluhin kayo," pangako ni Prince.

"K-kaya kong sagutin ang lahat ng argumentong gagamitin ni Vaughn sa korte," sabi ni Johna. She wiped away her tears. "K-kaya lang... i-iniisip ko, paano kung... kung sa simula't simula pa lang ay nasa side na pala ng mga Asuncion ang judge na hahawak ng kaso? Hindi 'yon imposible. Mayaman sila, maimpluwensiya, at higit sa lahat ay may koneksiyon sa Supreme Court. Isang tawag lang ng lolo ni Vaughn, siguradong papabor na sa kanila ang desisyon ng korte," nanghihina ang loob na sabi niya.

Ano nga ba naman kasi ang magiging laban nila sa mga Asuncion?

Heto na naman, ramdam na ramdam na naman ni Johna ang Rocky Road flavor ng buhay niya. Sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan niya, ito ang pinakamatindi. The road was really rocky now. Naniniwala siyang bawat problema ay may katapat na solusyon. Kaya sana... sana may solusyon din ang problemang hatid ni Vaughn.

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now