Part 44

1.6K 58 0
                                    


OK. INGAT sa pagda-drive.
Nilagyan ni Johna ng heart emoji ang reply sa text message ni Prince. On the way na raw ang asawa para sunduin siya sa school. Perfect timing na iyon para sabihing nag-resign na siya sa trabaho. Bahala na kung saan niya ito yayayain mamaya. Sa susunod na linggo ay babalik na rin ito sa trabaho. Mag-uuwian na si Prince dahil mas malapit na ang bahay nila sa opisina nito.

After fifteen minutes, natapos na rin ang huling klase ni Johna. Sumaglit siya sa comfort room para ayusin ang sarili. Kalabisan mang sabihin pero nagagandahan siya sa repleksiyong nakikita sa salamin. Oh, she knew she was a beauty. Pero iba ngayon, eh. Her eyes were sparkling. She was blooming.

Kasi nga in love! tukso ng isip ni Johna. Totoo naman. Iba rin talaga ang nagagawa ng pagmamahal.

Mayamaya ay tumunog ang cell phone niya. Sa pagtibok pa lang ng kanyang puso, alam na niyang ang asawa ang tumatawag. Ewan pero malakas ang radar ni Johna kung si Prince ang tumatawag o nagte-text.

Inilabas niya ang cell phone mula sa bag, at hindi nga siya nagkamali ng akala.

"Mrs. Patterson, nandito na ako sa labas," sabi ng kanyang asawa sa suwabeng boses.

Napahagikgik si Johna. "Okay, Mr. Patterson, lalabas na ako," sagot niya bago isinukbit ang bag sa balikat at naglakad na palabas. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kanyang mga labi. She was so in love with her husband. Mas nilakihan niya ang mga hakbang. Ilang oras lang silang hindi nagkita pero gustong-gusto na niya itong makita, mayakap, at mahalikan.

"Pakibilisan po, 'cause I miss you so much. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang makita ka, mayakap, at siyempre, mahalikan."

Jeez! At pareho sila ng iniisip?!

Of course, pareho kasi kayo ng tibok ng puso, sabi ng kanyang isip.

"How about you? Did you miss me?" tanong pa ni Prince sa malambing na boses.

Nai-imagine ni Johna na kumikislap sa saya ang mga mata ng asawa.

"Not really," pagkakaila niya. But she was almost running now. Hindi niya sasabihing miss na miss na rin niya ito, ipararamdam na lang niya sa halik.

Natawa siya nang umungol si Prince. Nai-imagine kasi niya ang pagsimangot nito. "Hey, love. I have something to tell you. I think matutuwa ka. Effective tonight, wala na akong part-time job. Nasesante ako," biro niya. Hindi na rin siya nakapaghintay na sabihin dito nang personal ang balita.

"Really?" sabi ni Prince na halata sa tono na tuwang-tuwa. "Yeah, I'm happy about that. Ayoko lang na pangunahan ka sa pagdedesisyon pero mas maganda nga kung 'yong oras na inilalaan mo sa trabaho ay ibinibigay mo na lang kay Lia. She's growing, you know. Marami kang nami-miss. Minsan lang magiging bata ang panganay natin."

Panganay natin. Those two words seemed to caress her heart and soul. Alam ni Johna na bukal iyon sa puso ni Prince. Ah, how lucky could she get?

Malapit na siya sa gate. Dahil marami ring estudyanteng lumalabas ay hindi agad niya makita ang sasakyan ng asawa sa labas.

"Kaya nga po ako nag-resign na para magkaroon ako ng oras kay Lia. At sa 'yo, siyempre." Weird din na mayaman ang kanyang asawa pero nagpa-part-time job siya. Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala ni Prince?

"I love it. Siguradong matutuwa rin si Lia at—" Hindi itinuloy ni Prince ang sinasabi.

Nagtaka si Johna nang tumahimik sa kabilang linya. Nakalabas na siya ng gate. Agad niyang nakita ang asawa na nakasandal sa kotse. Hawak nito ang cell phone, pero sa ibang direksiyon nakatingin at hindi sa gate tulad ng dati.

"He's here," narinig niyang sabi ni Prince mula sa kabilang linya.

Sinundan ni Johna ang tinitingnan ni Prince. She saw Vaughn. At mukhang palapit ito sa kanyang asawa.

Tumakbo siya palapit. Hindi mukhang threatened si Prince sa presensiya ni Vaughn. Hindi ang tipo ng kanyang asawa ang nai-intimidate sa kapwa nito lalaki. It was the other way around. He looked very calm. Pero alam ni Johna na delikado ang kakalmahang iyon.

"Love," tawag niya.

Sinalubong siya ni Prince. He snaked his arm around her waist and moved his head forward to kiss her. When his lips met hers, she forgot that Vaughn was around. Tumugon siya sa halik ng asawa na mainit at puno ng pag-angkin.

"Tayo na," yaya niya nang matapos ang halik.

"'Kay," sagot ni Prince at binuksan ang pinto sa passenger side.

"Excuse me..." Boses iyon ni Vaughn.

Napatingin muna si Johna sa asawa, pagkatapos ay sabay nilang hinarap si Vaughn.

"Can we talk?" sabi ng ex-boyfriend na sa kanya nakatingin. "Tungkol kay Alia."

"Your lawyer can meet our lawyer," sabi ni Prince sa mahina pero mapanganib na boses.

"Please?" pakiusap ni Vaughn. "Kahapon pa kita gustong makausap, Johna. Hindi lang ako makakuha ng lakas ng loob dahil sa mga ginawa ko. Nandito na rin lang ang asawa mo, tayong tatlo na ang mag-usap."

Sinulyapan ni Johna ang asawa, asking for his opinion.

"Not now," matatag na sabi ni Prince.

"Okay," sabi ni Vaughn. "I'm willing to wait kung kailan puwede."

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now