Part 51

1.2K 85 5
                                    

PABALIK-BALIK na naglalakad si Johna sa harap ng operating room habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha. Natataranta siya. Parang unti-unting pinapatay sa pag-aalala.

Ayon sa medical staff, ang sabi raw ng concern citizen na tumawag sa ospital ay may mga taong bumubulagta na lang dahil sa tama ng bala, at isa si Prince sa limang biktima. Hindi iyon maintindihan ni Johna. Hindi masagot ang tanong niya kung sino ang namaril at kung bakit ito namaril.

Prince was critical. Sa limang nabaril, si Prince lang ang may napakaliit na chance para makaligtas. The other four were dead on the spot. Kaya rin daw hinayaan ng medical staff ng ambulansiya na kausapin si Johna ng asawa ay dahil mababa na raw ang chance na makaligtas ito. Halos hysterical siya kanina nang marinig ang tila paghugot ng huling hininga ni Prince. Isang milagro daw na na-revive pa ito. Ngayon ay inooperahan si Prince para tanggalin ang bala sa katawan.

Johna cried. Parang nauupos na kandilang napaupo siya sa may tabi ng pinto. Kinakilabutan pa rin siya sa mga sinabi ng asawa kanina sa telepono.

"...I'm s-sorry i-if... i-if I will l-leave too... t-too soon."

"No, no, no..." impit na daing niya. Please, Lord, iligtas N'yo po si Prince. Iligtas N'yo po ang asawa ko. Nakikiusap po ako. Nagmamakaawa... Iligtas N'yo po si Prince. Please! Mabuting tao siya. Lord, mabuting tao po siya. Pakiusap, pakiusap huwag N'yo po muna siyang kunin sa amin.

Tinangka siyang aluin ni Vaughn. "Joh—"

"J-Johna!" tawag ng humahangos na mommy ni Prince. Kasunod ng ginang si Arthur Franz de Luna.

Tumayo siya.

"A-ano'ng nangyari? A-ang anak ko?"

Hindi makapagsalita si Johna. She could only cry. Hanggang sa umikot ang paligid niya.

"Johna," sambit ni Arthur Franz na napansin siguro ang pagsama ng pakiramdam niya. "Are you all right?"

Hindi siya makasagot dahil nagdidilim ang paningin niya. Unti-unti siyang tinatakasan ng lakas. Until everything else had shut down.



"S-SI PRINCE... Si Prince," natatarantang sambit ni Johna nang balikan siya ng malay.

Agad namuo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi magkandatutong bumangon siya mula sa kinahihigaang hospital bed. She had never felt so scared her whole life. Hindi niya kayang mawala ang asawa. Hindi niya kakayanin.

"Johna..." Mabilis na inalalayan siya ni Kuya Art.

"S-si Prince... K-Kuya, s-si Prince," paulit-ulit na sambit niya habang umiiyak. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Parang puputok ang ulo niya sa pag-aalala. Natatakot siya. Sobrang natatakot.

"Prince is still in the operating room."

"N-no, no..." umiiling na sambit ni Johna habang palabas ng kuwarto at tulirong bumalik sa operating room. "Prince! P-Prince!" nanginginig ang boses na pagtawag niya.

Lumakas ang hagulhol ng mommy ni Prince nang makita siya.

"P-Prince, love, huwag mo kaming iiwan, ha. L-lumaban ka. P-please, please," malakas na sabi ni Johna, umaasang maririnig siya ng asawa. "P-please, fight for us. F-for our love," humahagulhol na pakiusap niya. Para siyang masisiraan ng ulo sa pag-aalala.

Niyakap siya ng kanyang biyenan. "H-hindi tayo iiwan ni Prince. He'll fight for us. He'll make it. M-makakaligtas si P-Prince..."

Mariing kinagat ni Johna ang labi. Umaasang kapag nakaramdam siya ng sakit ay magigising siya at malalamang panaginip lang pala iyon. Isang masamang panaginip. Pero hindi lang sakit ang nararamdaman niya kundi grabeng takot. God! Parang hihimatayin na naman siya anumang sandali. She couldn't believe it.

Ganoon na lang ang pag-alon ng sikmura ni Johna nang bumukas ang pinto ng operating room at lumabas ang isang doktor. Humahangos na lumapit siya, pati ang iba pa.

"D-Doc... D-Doc... k-kumusta ang asawa ko? S-sabihin mong ligtas na siya. N-nakikiusap ako... S-sabihin mong ligtas na siya."

Tinanggal ng doktor ang suot na surgical mask. "I'm afraid your husband is already in a comatose stage. Natanggal na ang bala. But it was a fatal shot and it damaged some of the patient's internal organs."

Napasinghap nang malakas si Johna. Her body trembled. Mabilis siyang inalalayan ni Jared Montecillo na hindi niya napansin ang pagdating.

"But he was already out of danger?" paniniguro ni Randall. "Maayos na ang lagay ni Prince? Stable na ba ang vital signs niya at ang kailangan na lang naming gawin ay hintayin kung kailan siya magigising?"

Please, please tell me what I want to hear, lihim na pakiusap ni Johna habang nanlalabo ang mga mata sa luha.

"In all honesty, he's in critical condition. We have to put him in ICU and closely monitor him. His vital signs are fluctuating dangerously. Masyado ring mahina ang tibok ng puso niya. He had difficulty in breathing kaya nilagyan namin siya ng mga tubo na tutulong sa paghinga niya."

Hindi pa ligtas ang asawa niya. Johna's knees grew weak. Mabuti na lang at inaalalayan siya ni Jared, kung hindi ay parang lantang gulay na babagsak siya sa sahig. Sa sobrang takot at pangamba ay hindi na siya sigurado kung lumalabas pa ang boses sa kanyang lalamunan.

N-no, no, no! 



--------------------

Paki-VOTE po. And leave a COMMENT. Salamat!

Of Love... And Miracles (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum