Part 61

1.3K 78 8
                                    


"M-MAMA..." Basag ang boses ni Lia. Kumibot-kibot ang mga labi nito, palatandaan na iiyak. Her eyes instantly became watery. Her little nose flared as the tears unstoppably ran down her rosy cheeks.

Napapikit si Johna sa nakikitang hitsura ng anak. Gusto niyang yakapin ito nang mahigpit pero hindi niya magawa. Gusto niyang punasan ang mga luha ni Lia pero hindi rin niya magawa.

Nang gustuhin ni Vaughn na ipalaglag ang nasa sinapupunan ni Johna, ipinangako niyang poprotektahan ang anak sa lahat ng oras. Walang makakapanakit dito. She promised she would love Lia with all her heart. She would protect her. She would provide for her. Pero ngayon... kung mawawala siya, paano na si Lia? Oo nga't mamahalin ito ng nanay niya at ni Prince, pero iba pa rin ang kalinga at pagmamahal ng isang ina. Iba pa rin kung may nanay na gagabay kay Lia. Because a mother's love is unconditional.

Nang dumilat si Johna, nakita niyang nakakuyom ang maliliit na kamay ni Lia na ipinampupunas sa mga luha nito. Her lips were trembling. Pinipigilan ng bata na magkatunog ang iyak.

"M-Mama, b-bakit ang tagal-tagal mo pong matulog? Mama, mahal na mahal po kita. S-sobra-sobra..."

Oh, God, daing ni Johna. Parang nadudurog ang kanyang puso na makitang umiiyak at nasasaktan ang anak. Pinagbigyan N'yo po ako sa hiling ko na makaligtas si Prince, p-pero... kalabisan man, hihiling pa po ako ng isa pa. A-ang anak ko... huwag N'yo po siyang alisan ng ina. Ang bata-bata pa ni Lia...

Ilang beses nang sinubukan ni Johna na bumalik sa kanyang katawan at umaasang hindi na muling hihiwalay ang kaluluwa sa katawan pero lagi siyang bigo. She knew her body was deteriorating.

Payakap na ipinatong ni Lia ang isang braso nito sa kanyang katawan habang patuloy sa impit na paghikbi. "P-Papa Jesus, s-sabi nila natutulog lang si Mama. Pero alam ko pong may sakit si Mama, eh. S-she's not okay kaya nandito siya sa hospital. I know hospital is for sick persons. At saka alam N'yo po, lagi ring umiiyak si Lola at si Papa. Alam ko pong nagwo-worry din sila kay Mama. Please po, Papa Jesus, pagalingan N'yo po ang mama ko. M-mabait po ang mama ko. Good girl po siya, promise. S-sige na po... g-gisingin N'yo na po si Mama."

Please... Oh, God... Please... taimtim na usal ni Johna. Please heal me. For my child—Natigilan si Johna dahil sa panlalabo ng mga mata. Itinaas niya ang isang kamay at dinama ng daliri ang kanyang mata. She gasped as she saw her finger. May kung anong makintab na nagmantsa roon.

A tear, a shining tear.

For the first time, mula nang maging energy form si Johna ay may luhang pumatak mula sa kanyang mata. She gasped in amazement. Kahit nasasaktan at nahihirapan sa nakikitang paghihirap at pagdadalamhati ng asawa, nanay, at anak niya ay walang luhang lumabas mula sa kanyang mga mata. Ramdam lang niya ang bigat ng dibdib, lungkot, at sakit. Akala tuloy niya ay wala nang kakayahang lumuha ang mga kaluluwa. Pero kay Lia... Ah! Was it another wonder of being a mother?

"P-Papa Jesus, please po, give me back my Mama. D-dati po, okay lang sa akin na wala akong papa kasi may Papa Prince naman ako. Pero hindi po okay sa akin na wala akong mama. I love my mama very much po."

Lia! Lia, anak... daing ni Johna. Mahal na mahal ka rin ni Mama...

Muling natigilan si Johna. Something was pulling her. May kung anong puwersang humihigop sa kanya. Hindi niya iyon mapaglabanan. At dahil hindi niya magawang humawak sa anumang physical things, wala siyang nagawa nang unti-unting tangayin ng puwersa. And then she gasped as she realized that the force was coming from the body—her physical body that was lying on the bed. Iyon ang humihigop sa kanya.

Diyos ko po! Diyos ko po! Kung ganoon, kung ganoon siya ay... Everything had been so fast. And everything else shut down on her.


-----------------------

Drop a comment! :)

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now