Part 47

1.4K 61 1
                                    


"HEY..." sabi ng boses ni Prince mula sa likuran ni Johna. Hinawakan ng asawa ang kanyang mga kamay bago yumakap sa kanya. He kissed her neck before resting his head into her shoulder.

Sumandal naman si Johna sa katawan ng asawa. She was in the balcony of their room. Lumalalim na ang gabi. Tulog na si Lia at ang nanay niya.

Mayamaya, napapabuntong-hiningang humarap siya kay Prince. She took his hands and held them. "Ano sa palagay mo?"

Pagkagaling nila ng Batangas ay pinagbigyan na nila ang pakiusap ni Vaughn na makausap sila. Ngayon, nauunawaan na ni Johna kung bakit ganoon ang inakto ng dating boyfriend. Kung bakit bigla-bigla na lang itong magpapakita at sasabihing kukunin si Lia. Apparently, Vaughn said he couldn't father another child anymore. Umiiyak na ikinuwento nito na dahil sa isang aksidente ay nawalan daw ito ng kakayahang magkaanak pa. Okay lang daw rito noong una. Pero habang tumatagal, nararamdaman na ni Vaughn ang kakulangan. He said he realized that he wanted a child of his own. Kaya raw siya nito ipinahanap.

Johna couldn't help but think na iyon na siguro ang masamang karma ni Vaughn dahil sa mga pinaggagawa noon. Hindi nga lang niya masabi sa pagmumukha nito ang bagay na iyon dahil miserable ito. Umiiyak at parang basang sisiw. Naawa rin siya. Nakikiusap ang dating boyfriend na sana ay makilala nito si Lia. Wala na raw itong balak manggulo at ang gusto lang ay makilala si Lia.

"I don't know," sagot ni Prince. "Sa tingin mo, dapat nating tanungin si Lia kung gusto niyang makilala ang totoo niyang papa? Im afraid it'll confuse her." May bahid ng pagseselos ang boses nito.

"Makilala man niya si Vaughn, I think ikaw pa rin ang pipiliin ni Lia. She loves you."

Prince smiled a little. "What about her adoption paper? I want it to push through. Gusto kong dalhin ni Lia ang apelyido ko. Someday, magkakaroon siya ng mga kapatid at ayoko ng words na 'half sister' or 'half brother.' There'll be no such thing in our family. Panganay natin si Lia."

Iniyakap ni Johna ang mga braso sa baywang ng asawa. "We'll push it through of course." Kung nakuha na ni Vaughn ang bad karma nito, nakuha na rin ni Johna ang karma niya. Good karma. Si Prince iyon. "Hmm. Alam mo, may napansin ako," nangingiting sabi niya.

"Ano?" curious na tanong ng asawa.

"Well. Napansin ko lang na mula nang ikasal tayo, hindi mo na ako kinakantahan. Wala na 'yong mga pahaging mong kanta. Nami-miss ko 'yon."

Sa pagkagulat niya, bigla itong bumirit ng kanta. "Giliw, 'wag mo sanang isiping ikaw ay aking lilisanin. 'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling. At nais kong malaman mo kung gaano kita kamahal..."

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now