Part 23

2.8K 81 0
                                    


APAT na araw ang nakalipas mula nang ipakita kay Johna ni Prince ang mga litrato. Mula noon, hindi pa nakikita ni Johna ang binata. Ni hindi na nito pinapa-ring ang kanyang cell phone. Wala rin kahit isang text, na parang dumidistansiya na talaga sa kanya. And it hurts. Totoo nga na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag lumayo na ito. Totoo ring "absence makes the heart grow fonder." Ah, nami-miss na niya si Prince...

Hindi pa nagpapakita sa kanya si Vaughn, pero napa-paranoid na si Johna. She'd been losing weight. Pakiramdam niya, patong-patong na ang nakaatang sa kanyang mga balikat—ang pag-aaral niya, ang trabaho, si Prince, si Vaughn... Hindi siya makakain at makatulog. Wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-isip. Kung sana ay nasa tabi niya si Prince. Siguradong mapapagaan nito ang loob niya. Siguradong hahatian siya sa kanyang mga alalahanin.

Pero itinaboy na niya si Prince, itinulak na palayo sa kanya...

Dahil naglalakbay ang isip, nagulat pa si Johna nang magkagulo ang kanyang mga kaklase. Lunch break na pala. Napabuga siya ng hangin, matamlay na iniligpit ang mga gamit, isinukbit sa balikat ang bag, at saka tumayo. Kakain siya kahit sandwich lang. Hindi makabubuti kung pababayaan niya ang kalusugan. Mas magiging malaking problema iyon.

Pero parang itinulos sa pagkakatayo si Johna nang paglabas niya ng classroom ay makita ang isang pamilyar na lalaki. Lalaking naging bahagi ng nakaraan niya.

Si Vaughn.

Nakatayo ang lalaki sa hallway ilang metro ang layo mula sa kanya. He was looking at her. Hindi maipaliwanag ni Johna ang takot na lumukob sa pagkatao niya. She tried to calm herself. Ito na ang bagay na hindi niya maiiwasan pa-ang paghaharap nila ni Vaughn.

"Johna..." bati nito.

"Long time no see, Vaughn," sagot niya sa kaswal na boses. She acted cool. Hindi niya hahayaang makita ni Vaughn na nagpa-panic siya nang mga sandaling iyon. Malaking tulong na rin sigurong nalaman niya na magkikita sila dahil nakokontrol niya ang sarili kahit ang totoo ay natataranta siya. Ngayong nakaharap na ang dating boyfriend, malinaw na sa kanyang wala na siyang anumang damdamin para dito.

"Can we talk?" tanong ni Vaughn. Guwapo pa rin ito. Nag-mature na ang mukha, kilos, at aura. Parang hindi na ito ang Vaughn na playboy, happy-go-lucky, at walang direksiyon ang buhay. Kunsabagay, he was a married man now.

"Tungkol saan?" tanong ni Johna, bahagyang ikiniling ang ulo. Obvious sa reaksiyon ni Vaughn na hindi nito inaasahan ang gagawin niyang pakikiharap dito. What did he expect? Magsisisigaw siya, iiwas, manunumbat, at magagalit?

"Tungkol sa anak natin."

Umalon ang kanyang sikmura at bahagyang nanginig ang mga tuhod. "Tungkol sa anak ko?" Binigyan niya ito ng naghahamong tingin. "Bakit? Ano ang dapat nating pag-usapan tungkol sa anak ko?"

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now