Part 4

4.1K 121 0
                                    

PRINCE OPENED his eyes. Agad niyang napansin na iba na ang silid na kinaroroonan niya. Nakita niya ang kapatid na nasa couch. She was asleep. Sinuri niya ang sarili. Kumpara noong una, iilang wires na lang ang nakakabit sa katawan niya. Hindi katulad noong una na pakiramdam niya ay para siyang ini-experiment.

"C-Cess..." tawag niya sa kapatid. "Princess..."

Agad naman itong nagising at humangos papalapit sa kama niya. "Oh, thank God, you're finally awake." Niyakap siya nito. "K-kumusta ang pakiramdam mo, Kuya?"

"I-ilang oras pa akong nakatulog?" balik-tanong niya. Natatandaan niyang namigat uli ang talukap ng mga mata niya pagkaraan niyang sumailalim sa kung ano-anong test. Hanggang sa hindi na niya mapaglabanan ang antok.

Princess smiled poignantly. "Four more days."

He gasped. "Days?!"

Tumango si Cess. "The doctors told us na matutulog ka pa ng ilang araw. Pagkagising mo daw ay m-magiging normal na ang lahat. In fact, inilipat ka na namin kahapon dito sa recovery room. You've been doing great, Kuya. The doctors were amazed at your recovery. May—"

"Si Johna?" hindi nakatiis na putol niya sa sinasabi ng kapatid. "I bet she also cried when she heard the news. Pumunta ba agad siya rito? Where is she now?"

Namutla si Princess. "S-she's..."

"Call her. Please, Cess, tawagin mo ang asawa ko. Umuwi ba siya sa bahay? Pahiram na lang ng cell phone mo. Ako na tatawag sa kanya," excited na bulalas niya. Inilahad niya ang palad. "Give me your phone."

Lumunok si Princess. Then she bit her lower lip.

"Princess..." Kinakabahan na naman siya. Ayon na naman yung pakiramdam na may mali.

Nag-iwas ng paningin si Princess. Nanunubig na ang mga mata nito.

"Princess!" maigting at seryoso niyang sabi. "Where's my wife?!"

"K-Kuya I—"

Tumiim ang labi niya. "Tinatanong kita. Answer me. Damn it, Princess, answer me." Frustrated na sabi niya. Hindi niya gusto ang pakiramdam na may dapat siyang malaman pero hindi naman masabi-sabi sa kanya.

"K-kuya, h-huwag kang... huwag kang mabibigla, ha," alanganing sabi nito.

That line brings shiver down Prince's spine. Nanindig ang mga balahibo niya. Ang linyang iyon, hindi ba at ginagawa iyong introduction kapag... kapag may masamang balita?

Lumunok siya. "D-did... did something happen to her? Is she... all right?"

Nag-iwas ng mga mata si Princess. Tears run down her cheeks.

"Princess!" sikmat niya, tumitindi ang takot at pag-aalala sa dibdib.

"A... a w-week ago. Na... n-nasangkot sa isang c-car accident si J-Johna. I-isang... isang cement mixer ang dumag-an sa sinasakyan niyang taxi..."

Malakas na suminghap si Prince. Nanlaki ang ulo niya sa narinig. Palaki nang palaki na parang puputok. It felt as though his blood was drained from his body.

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now