Part 54

1.2K 61 2
                                    


"MARAMING salamat po, Dean," sabi ni Johna. Personal siyang nagpaalam sa eskuwelahan na hindi na muna makakapasok sa school dahil sa kondisyon ng kanyang asawa. It had been a week pero wala pa ring pagbabago sa kondisyon nito.

Tears stung her eyes. But she managed to blink them away. It was so painful and so hard dahil sa simula pa lang ay sinabi na ng mga doktor na himalang na-revive pa si Prince. Himala raw na hanggang ngayon ay humihinga pa ito. Pero kakapit si Johna sa himala. Kahit katiting na pag-asa ay kakapitan niya. Naniniwala siyang lalaban ang kanyang asawa kahit na nga ba nagpaalam na ito sa kanya.

"Wala 'yon. I completely understand your situation. I've checked your files at nakita kong maganda ang records at grades mo. Isa pa, Christmas break na rin naman sa susunod na linggo."

Alam ni Johna na hindi gugustuhin ni Prince na malamang napabayaan niya ang pag-aaral. Ang kompanya ay pamamahalaan muna ni Princess kaya hindi niya iyon iniisip. Nagpaalam na siya pagkatapos na magpasalamat uli. Malapit na nga pala ang Pasko. Ang paggaling ng asawa ang tanging hinihiling niya. She kept on praying and wishing. Sa madalas na pagdarasal niya, sana ay may isa man lang doon na dinggin ng Diyos.

"Johna."

Napatda siya nang makita si Vaughn sa labas ng campus. Hindi niya agad ito napansin dahil sa malalim na iniisip. "Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Papunta sana ako sa bahay n'yo pero nasalubong ko na ang sinasakyan mong taxi kaya sumunod na lang ako. Halika na. Alam kong sa ospital ka na dederetso. Ihahatid na kita."

"Bakit ka pupunta sa bahay?" tanong niya.

"Dadalawin ko sana si Lia. Come, ihahatid na kita sa ospital." Binuksan nito ang pinto ng passenger seat ng sasakyan nito.

Umiling si Johna. "Hindi na. Salamat na lang."

"Johna, wala naman akong ibang intensiyon—"

"Mabuti naman pala kung gano'n," putol niya sa sinasabi nito. "Again, salamat sa offer pero kaya ko na." Iyon lang at nilampasan niya ito.

Pumara ng taxi si Johna at sumakay. Nang nasa loob na ay nilingon niya si Vaughn. Nakatayo pa rin ito, inihahatid ng tanaw ang taxi.

Wala siyang ebidensiya pero bakit malakas ang kutob niya na may kinalaman si Vaughn sa nangyari? Walang kaaway si Prince. He was always down-to-earth and considerate. Despite his money, he was living a simple life. Ni hindi nga niya alam na ganoon pala ito kayaman. Si Vaughn lang ang alam niyang puwedeng magtanim ng galit kay Prince. But then, paano niya ipaliliwanag na lima ang naging biktima? Was it a woman's instinct, o gusto lang niyang maghanap ng masisisi sa nangyari?

Ang alam naman ni Johna ay nagpapaimbestiga na rin sina Kuya Randall. Hindi magtatagal at malilinawan na rin ang lahat. At kapag napatunayan niyang may kinalaman si Vaughn sa nangyari... patawarin siya ng Diyos pero hindi niya alam kung ano ang magagawa rito.

"Diyos ko po, Diyos ko po!" puno ng takot na usal ng driver ng taksing sinasakyan ni Johna.

Mula sa pagtanaw sa pinanggalingan, itinuon ni Johna ang tingin sa harapan. There, her eyes grew big in fear. Bumuka rin ang kanyang bibig. But she was too shock to immediately respond. May malaking truck ng cement mixer na nasa kabilang lane ang biglang nag-counterflow at gumiwang... 

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now