Part 5

4.1K 102 0
                                    


CHAPTER 2

BAKA SA LANGIT talaga ako ihahatid ni Armia, Johna thought. Kasi parang sa ibabaw ng mga ulap tumatakbo ang jeep. The cold breeze was blowing on her, calming her nerves. Inililipad ng hangin ang buhok niya. Ipinatong ni Johna ang isang braso sa may bintana, kapagkuway inihilig doon ang ulo niya.

Baka sa oras na ito ay alam na ng nanay niya na wala na siya. Paano nito sasabihin kay Lia na wala na ang mama nito?

Baka sa oras na ito ay gumigising na si Prince.

Ah, si Prince ang nagpaalam sa kanya pero siya pala ang lilisan. Siya pala ang aalis at ito ang maiiwan.

"What's your story, Johna?" tanong ni Armia.

Napapikit siya. "It's a long story..."

"Gusto kong marinig, kung hindi mo mamasamain. Mahaba pa naman ang biyahe natin."

Iminulat ni Johna ang mga mata. Kapagkuwa'y bahagya siyang nagulat nang sa isang pagliko nila ay mapansin niya na may jeep sa banda roon. May sakay din iyon na kaluluwa at Tagasundo. Bumuka ang labi niya nang makilala ang sakay. Iyon ang driver ng taxing sinasakan niya. Kung ganoon, tulad niya ay binawian din ito ng buhay. Malulungkot sana siya pero napansin niya na nakangiti ang kaluluwa ng driver ng taxi. Serenity was all over him. Siguro ay tanggap na nito ang kamatayan.

She sighed. Tanggap na rin naman niya ang nangyari sa kanya. It's just that... something was holding her back— her love for Prince. Her love for her daughter. Her love for her mother.

"Johna..." untag sa kanya ni Armia.

Bahagyang ngumiti si Johna. "Dating Tao ka rin ba bago ka naging Tagasundo?"

Nakita niya ang gulat na rumihistro sa malaanghel na mukha ni Armia. "Bakit mo naitanong?"

"Ewan ko rin," aniya. "Well, siguro ay dahil gusto kong malaman kung naging Tao ka rin at... n-narasan mong m-magmahal."

Umilap ang mga mata ni Armia. "Hindi ko masasagot ang tanong mo. As far as I could remember, isa na akong Tagasundo."

"Hmm." Tumango-tango si Johna. "Sabi mo kanina ay oras na para humarap ako sa Kanya at sabihin kung paano ko ginugol ang buhay ko sa Lupa."

"Ganoon na nga."

"Paano kung hindi Niya magustuhan ang kuwento ko?"

Armia just gave her a mysterious smile. "So, tell me, Johna. Is your life a worthy one?"

Armia held her eyes. Napasinghap si Johna. Armia's eyes were so powerful. Para siya nitong hinihipnotismo. As if she was compelled to tell the truth. Pagkatapos ay biglang may lumitaw na isang libro sa isang pald nito, iniabot sa kanya.

"A-ano ito?" tanong niya kahit nababasa niya ang mga letrang JOHNA NAVALES PATTERSON sa pinaka-cover niyon.

"Your Book Of Life," anito bago binuklat ang unang pahina ng libro. "Masusulat diyan ang ano mang ikukuwento mo. Once done, ilalagay ang aklat mo 'library'." 

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now