Part 59

1.2K 70 4
                                    

"ANO'NG development ng kaso, Kuya Milo?" tiim ang bagang na tanong ni Prince kay Atty. Milo Montecillo. He was in his office. Mariing nakatikom ang kanyang mga labi at nakapamulsa habang nakatayo sa glass panel at tinatanaw ang ilang bahagi ng Makati.

Attorney Milo's office had spectacular view from up there. Pero hindi iyon ma-appreciate ni Prince. Hindi niya ma-appreciate ang anumang maganda sa paligid niya. Everything was gloomy. Laging nagbabanta ang kanyang mga luha. Na tipong kaunting provocation lang ay hindi iyon magpapaawat at tuloy-tuloy na tatakas sa mga mata niya.

Milo sighed. Lumapit ito kay Prince at iniabot sa kanya ang isang kopita ng alak. "Vaughn was denying it. Wala raw siyang kinalaman sa shooting incident."

Prince clenched his teeth. "Of course he will deny his involvement." Inisang lagok niya ang laman ng kopita. He was so mad at Vaughn. Nakakulong na ang lalaki at ang sniper. Sabi pa ng huli, napuruhan daw siya nito at fatal shot ang tama niya kaya paano raw siya nakaligtas?

Sinagot ito ni Prince sa kanyang isip. I made it through the power of love.

Ah, the power of love. And the power of faith. He knew prayers could move mountains. Maraming milagrong nangyayari dahil sa Kanya, especially when you trust Him and His will.

"And their family business is in the brink of bankruptcy. Pinagpipiyestahan na rin ng media ang scandal na kinasasangkutan ng lolo ni Vaughn. It will destroy his political ambition. The world is against them right now," dagdag pa ni Milo.

"He has been warned," malamig na sabi ni Prince. Umalis siya sa glass panel at naupo sa couch. Sumunod si Milo. "Alam niya ang kahahantungan niya sa sandaling kinalaban niya ako, pero sumige pa rin siya. Pagbabayaran niya ang ginawa niya."

Napansin niya ang pagbuntong-hininga ni Milo. "What is it, Kuya? Parang may gusto kang sabihin."

Ibinaba ni Milo ang alak nito sa center table. "I'm having doubts, Prince..."

"W-what? What do you mean? Doubt saan?"

"Alam mong magaling akong bumasa ng body language. I can tell whether a person is lying or not. Malaking tulong 'yan sa propesyon ko at madalas kong ginagamit sa loob ng korte. Ilang beses ko nang nakausap si Vaughn. I've been observing him during our meetings. Kinausap ko na rin si Lihar—ang sniper. And... I don't know... Kahit ipagdiinan niya si Vaughn, parang hindi pa rin ako makumbinsi na si Vaughn ang mastermind. Something's off. Although yes, may motive si Vaughn para pagtangkaan ka. At na-trace din ang bank transaction between Vaughn and the sniper. With all the evidences pointing at him, malaki ang posibilidad na masakdal siya."

Hindi makapagsalita si Prince. He adored Kuya Milo so much. He was his idol. Alam kasi niyang mabuti ang puso nito, and it transpired to his profession. Dahil hindi ito nagbibigay ng legal service kapag guilty ang kliyente sa kasalanan.

"Ano ang gagawin natin?"

"Investigate further. Dig deeper."

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now