Part 58

1.3K 73 5
                                    

"EIGHT... seven..." sabay na pagbibilang nina Prince at Lia.

It was December 24, 11:52 PM. Sa loob ng ilang segundo ay Pasko na. At sa hospital suit ni Johna sila magse-celebrate. His condition was getting better and better. In fact, sa loob pa ng ilang araw ay puwede na siyang i-discharge. Samantalang ang kanyang asawa ay...

Ipinilig ni Prince ang ulo.

"Three... two... one! Merry Christmas!!!" sabay-sabay na sambit nina Prince, Lia, at ng biyenan.

"Merry Christmas po, Papa," bati ni Lia bago ibinuka ang maliliit na braso.

Prince picked her up. "Merry Christmas, anak." Hinalikan niya si Lia sa pisngi. Bumaba rin naman agad ang bata. Nagpalitan din sila ng pagbati ng biyenan.

"Merry Christmas po, Mama. I love you," sabi ni Lia sa nahihimbing na si Johna. Sumampa ang bata sa gilid ng kama at hinalikan ang pisngi ng ina.

Nag-iwas ng tingin si Prince. Tears stung his eyes. His emotion surged through him. Nanakit ang kanyang lalamunan. "L-lalabas po muna ako," paalam niya. Nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa namumuong luha. Mga luhang ayaw magpaawat at ayaw maubos.

Umuunawang tumango ang kanyang biyenan.

Lumabas si Prince at pumasok sa kabilang kuwarto. Iyon ang hospital suit niya. Ang magulang at kapatid niya ay sa bahay nagse-celebrate. Sinabihan na kasi niya ang mga ito na sa umaga na lang pumunta sa ospital.

Prince sat on the bed. Itinuon niya ang mga siko sa mga hita bago isinubsob ang mukha sa mga kamay. Tuluyan niyang pinakawalan ang emosyon at ang mga luha. It should be their first Christmas as husband and wife, as family. Dapat ay masaya sila. Dapat ay out-of-town sila, o kaya out-of-the-country. O baka nasa bahay lang sila-kumakanta, tumatawa, nagsasaya...

Prince sobbed. He still couldn't believe it. Siya ang nagpaalam, hindi ba? Siya dapat ang aalis pero bakit ganoon? Ano ang nangyari at si Johna na ang nasa bingit ng kamatayan?

Marahas siyang umiling-iling. Ayon sa mga doktor ay clinically dead na raw si Johna. Wala na ni katiting na reflex. Humihinga na lang ito sa tulong ng mga aparato. Worst, sa napakaraming bilang ng ganoong kaso, iilan lang daw ang naka-recover. They considered those case a miracle.

Katulad ng kaso ni Prince.

No, hindi niya kayang tanggapin ang bagay na iyon. Hindi Diyos ang mga doktor para magtakda ng buhay ng mga tao.

"P-Prince...?" tawag ng boses ng biyenan niya na sinundan ng katok sa pinto.

Dali-daling tinuyo ni Prince ang mukha. Pero hindi maitatago ng namumula at namumugtong mga mata na umiyak siya. Tumayo siya at binuksan ang pinto.

"I-ikaw na muna do'n kay Johna. Inaantok na si Lia. P-patutulugin ko na muna diyan," sabi ng kanyang biyenan. Her lips were trembling.

Muling namuo ang mga luha ni Prince dahil hindi rin maitago ng biyenan niya na galing din ito sa pag-iyak. Nakayukyok na si Lia sa balikat nito.

"S-sige po."




ILANG beses na huminga nang malalim si Prince bago pinihit ang doorknob. He was silently uttering a prayer as he pushed the door open. Tuloy-tuloy na lumapit siya sa kama ng asawa. Dumukwang siya at hinalikan ang noo nito bago naupo sa single settee na nasa tabi ng kama.

He held her hand and kissed the back of it. "M-merry C-Christmas, love..." Shit. His tears were falling again. Tumingala siya, sinusubukang ibalik sa loob ng mga mata ang maiinit na luha. But of course, it was no use.

"Y-you can hear me, right? A-alam kong naririnig mo ako kaya... kaya makinig ka. A-alam mo ba na... I fell in l-love with you when y-you were just seventeen..." garalgal ang boses na sabi niya. Humugot siya ng mahaba at malalim na hininga, pagkatapos ay malakas na ibinuga. Ilang beses niyang ginawa iyon para pagluwagin ang dibdib. His chest felt so heavy. Tinuyo niya ang mga luha gamit ang likod ng palad.

"N-nagulat ka ba? Right, I fell in love with you when you were just seventeen. Nakita ko kayo ng tita mo s-sa mall and I couldn't take my eyes off you then. I d-didn't know you were just seventeen then. Ang ganda-ganda mo. Ang ganda ng ngiti mo. Ang ganda ng bawat maliliit na bagay tungkol sa 'yo. B-bumalik ako sa US na ikaw ang iniisip ko. Lumipas ang mga araw at buwan na patuloy pa rin kitang nakikita sa isipan ko. So I decided to go home, permanently.

"Then I saw you holding baby Lia. I... w-was rattled because I thought I was too late. A-akala ko, pinalampas ko na ang pagkakataong maging akin ka. Then I learned what happened to you. A-alam mo ba na... na natuwa ako sa naging kabiguan mo? D-dahil sabi ko sa sarili ko, akin ka. Ikaw ang magiging asawa ko. We're meant for each other. H-habang lumilipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon... lalo kitang minamahal. P-palalim nang palalim ang nararamdaman ko sa 'yo. Patindi nang patindi ang pagmamahal ko para sa 'yo..." Tumigil si Prince sa pagsasalita at tahimik na umiyak.

Parang puputok ang dibdib niya sa sakit. Para siyang masisiraan ng ulo sa takot. "S-so t-tell me, p-paano ko tatanggapin kung... k-kung mawawala ka? J-just the thought of it was killing me, Johna, so please! Please d-don't leave me. Plea—se..." He cried. Nananakit ang kanyang lalamunan. Naghahalo na rin yata ang luha at sipon niya. But who the hell cared?

"N-naniniwala akong magkakaroon ng milagro. N-naniniwala ako na isang araw, bubuti rin ang kondisyon mo at gigising ka. J-Johna, you can't leave. 'Di ba magtatapos ka pa ng pag-aaral? Marami pa tayong gagawin. Mahaba-habang daan pa ang lalakbayin natin. I... I d-don't care if the road was rocky... as long as you're with me. P-please hold on..."

Natigilan si Prince nang may mapansin sa asawa. Mabilis siyang nagpunas ng mga luha. Natakpan niya ang bibig nang masigurong hindi siya namamalikmata lang. May luhang tumulo sa gilid ng nakapikit na mga mata ni Johna. Naglandas iyon sa gilid ng mukha ng asawa, papunta sa may tainga.

He sobbed. "N-naririnig mo ako, hindi ba? Oh, love!" His chest would explode any minute. Ganoon din siguro ang nararamdaman ni Johna noong siya ang nasa kondisyon nito. The pain was blinding. It was almost unbearable. Para siyang tino-torture ng higit sa kanyang limitasyon. "H-hindi kita kayang pakawalan... H-hindi ko alam kung kakayanin ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung... kung makakaya ko pang mabuhay...

Oh, God... If I'm gonna live for fifty more years, please let me share my life span with my wife. Hatiin N'yo po ang buhay ko at ibigay N'yo sa asawa ko ang kalahati. Let us live together for twenty-five years... I beg You. Please give her back to me...

Of Love... And Miracles (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora