Part 10

3.4K 94 0
                                    

NGINITIAN AT binati ni Johna ang mga katrabaho pagpasok niya. Pagkatapos ay deretso na siyang pumasok sa locker room para magpalit ng uniporme.

"Nakita ko ang prinsipe sa labas, ah," ani ni Trixie. Sinundan siya nito sa locker room. Pareho silang crew. Full time nga lang ito.

"Naku, hindi yata kumpleto ang linggo ng damuhong iyon kung hindi makakapangulit," iiling-iling na sagot niya habang nagbibihis ng uniporme ng café.

"In fairness, ah, consistent siya sa pangungulit. Wala ba talagang pag-asa? Drop-dead- gorgeous at mayaman, ano pa ang hahanapin mo? Hmm, kunsabagay, kahit Mr. Perfect pa siya, kung hindi naman nasapol ni Kupido ang puso mo, waley din, 'di ba?"

"True," nakangiting sang-ayon niya. "At saka, alam ko at determinado na ako sa mga priorities ko. Magtatapos ako ng pag-aaral para mabigyan ng magandang buhay hindi na lamang ang nanay ko kundi pati na rin ang anak ko." Namaalam na rin kasi ang tatay niya noong nakaraang taon. Ang nanay niya ay maliit na sari-sari store ang pinatatakbo. Kaya nga kailangan din talaga niyang magtrabaho para masuportahan niya ang pag-aaral. Lalo't si Lia ay nag-aaral na rin. Nakakalungkot lang dahil iyong oras na sana ay ilalaan niya sa anak ay napupunta sa part time job niya. Alam niyang marami na siyang nami-miss.

Johna took a deep breath. Kaunting tiis at kaunting tiyaga na lang, Johna...

Nang makapag-ayos ng sarili nag-log in na siya para sa kanyang attendance. Pagkatapos ay dumeretso muna siya sa kitchen para batiin ang mga kasamahan doon. Then she headed to the work station.

"ENGINEER, INGATAN mo 'yan, ha," ani ni Xandria kay Prince. Eksaktong paglabas nila ay dumating ang binata. Lampas alas onse na niyon. Sarado na ang café.

"Siyempre naman," sagot ni Prince. "Love ko 'yan eh."

Siyempre pa, kinilig ang mga kasama niya. "Ako na lang ligawan mo, hindi kita pahihirapan, promise. Magkasingganda naman kami ni Johna," sabi ng isa, halatang nagbibiro lang.

"Ah, kung p'wede nga lang turuan ang puso," game naman na sabi ni Prince. Hinawakan pa nito ang dibdib. "Walang ibang makita ang puso ko kundi si Johna." Kumindat pa sa kanya ang hudyo. Lalo tuloy nangantiyaw ang mga katrabaho niya.

"Naks! Ikaw na talaga, Prince. Sige, mauuna na kami."

Siya lang ang South bound sa grupo kaya wala siyang nakakasabay sa pagsakay ng jeep. Puro North bound ang mga ito. Ang ibang empleyado ay kanina pa umuwi. Hindi naman siya natatakot na gabihin o umagahin dahil buhay na buhay pa ang Angles City. The café was located along MacArthur Hiway. Sa kataunayan ay napakarami pang bukas na shops, parlors, at kung ano-anong business establishments sa paligid.

Binalingan niya ang binata. "Prince—"

"Stop it," agad na putol sa kanya ng binata sa gagawin niyang panenermon dito. "Kabisado ko na ang linya mo na Kailan ka ba titigil, ha? Wala ka ngang mapapala sa akin. Blah, blah, blah..." Nagusot ang mukha ni Prince. "Nakakasakit ka na ha. Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako."

Hindi napigilan ni Johna na matawa. Nakasimangot si Prince. Akala mo ay nasasaktan at nagtatampo talaga. Pati boses nito ay tunog nagtatampo. Maging ang guwardiya ay natawa rin.

"Eh, kailan ka nga ba kasi titigil?" tanong niya.

Ngumisi ang binata. Nilapitan siya bago mahinang nagsalita. "Titigil lang ako kapag—"

"Kapag napunan na ang HD mo sa akin?" gusot ang mukha na sambot niya sa sasabihin nito. Ang sarap bangasan ng mukha nito, mabawasan man lang ang kaguwapuhan. Prince was always like that. Pilyo ito at palabiro. Minsan ay hindi na rin niya malaman kung ano ang totoo at kung ano ang biro lang sa mga sinasabi nito.

"Titigil lang ako kapag hinuhugot ko na ang huling hininga ko," anito sa s'wabeng boses. Kinindatan pa siya pagkatapos. "Ganoon kita kamahal. Ikaw, eh, ayaw mong maniwala..."

Lihim na natigilan ang dalaga sa narinig. Pilit niyang ipinagbabalewala ang tila paglukso ng puso niya na para bang gusto niyang kiligin. Okay, if truth be told, naaapektuhan na siya sa binata. Noong isang taon pa, pakiramdam niya ay nalalamatan na ni Prince ang pader na ipinalibot niya sa sarili. Alam niya na ano mang bagay na may lamat ay fragile na. Pakiramdam tuloy niya ay unti-unti nang nabubuwag ang pader. Why, Prince Wolfe was getting on her nerves. Nagiging aware siya dito. Nitong nakalipas na buwan pa ay natatagpuan niya ang sarili na hinahanap-hanap ang presensiya nito lalo na kapag may project ito sa malayong lugar. Kaya nga natigilan siya kanina noong sabihin ni Prince na lumiwanag daw ang mukha niya noong makita ang binata. Nag-panic siya. Ang totoo kasi ay may naramdaman nga siyang saya nang makita ito kanina. And for a moment she was lost to his smile. For a moment, she wanted to stare at him and sigh in admiration. But then, agad niyang sasawayin ang sarili for letting her guards down. Ipapaalala niya sa sarili ang nangyari noon, pati na ang dahilan kung bakit siya nagsusumikap na makatapos ng pag-aaral kahit 25 years old na. Ipapaalala niya sa sarili ang listahan niya ng prayoridad kung saan huli sa lista ang pagpasok sa isang relasyon. No, hindi naman niya isinumpa si Kupido dahil sa nangyari sa kanya. Bukas naman siya sa posibilidad na magmamahal uli siya. Pero! Pero... saka na kapag nakapagtapos na siya, saka na kapag may magandang trabaho na siya, saka na kapag medyo stable na sila, at saka na kapag handa na siya.

Of Love... And Miracles (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora