Part 41

1.5K 64 0
                                    

NAPABALIKWAS si Johna. Ang una niyang ginawa ay tingnan ang orasan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang pasado alas-otso na ng umaga. Wait—

Napasinghap siya nang matuklasang nandoon na siya sa kuwarto nilang mag-asawa. Ang huling natatandaan niya ay yumakap siya sa asawa at— Napatakip siya sa bibig. Nakatulog na siya habang yakap nila ang isa't isa? At dinala na lang siya ni Prince sa kuwarto nila? Jesus!

Mabilis na nakababa ng kama si Johna at pinuntahan ang library. Wala roon ang kanyang asawa. Makalat pa rin pero agad niyang napansin ang isang medyo makapal na folder na katabi ng laptop. Naka-print sa ibabaw ng folder ang title ng research paper niya, pati na ang kanyang pangalan. Napapalunok na dinampot niya iyon. She scanned it. The research was finished and it was beautifully written. May mga nabasa pa siyang impormasyon na alam niyang hindi galing sa kanya.

"Oh, my God..." Nag-init ang mga mata ni Johna. Wala talagang intensiyon si Prince na gisingin siya kapag nakatapos na ito ng isang topic. She knew him. Alam niyang mas gusto nito na makapagpahinga siya. How lucky could she get for having a husband like him?

Sa mga oras na ito ay siguradong naihatid na ni Prince si Lia sa school. Kasama ang nanay niya dahil umuuwi ito sa bahay nila kapag araw. Baka pabalik na rin ang kanyang asawa. Bumalik siya sa kuwarto nila at nag-shower. 



"OOPPSS!" usal ni Prince nang buksan ang pinto ng kuwarto at makita si Johna na nakatapi lang ng tuwalya habang nagsusuklay ng buhok. Nanlaki pa ang mga mata ng lalaki.

"Good morning," bati ni Johna bago matamis na nginitian ang asawa. Hindi nakaligtas sa kanya ang palihim na paglunok nito. Desire lurked in his eyes. Para bang gusto nitong hapitin siya at halikan nang mariin. But as usual, he was controlling himself.

"Good morning," ganting bati ni Prince. Obvious na gusto nitong tumalikod at umiwas sa tuksong nasa harapan.

But no, she wouldn't let him. Pumasok si Prince na hindi na makatingin sa kanya. Imbes na ma-offend, gustong matawa ni Johna. Napag-isip-isip na niya kanina kung bakit ganoon ang inaakto ng asawa. More or less, alam na niya ang dahilan kung bakit hindi ito nangangahas na angkinin siya.

"Naihanda ko na ang bihisan mo, pati pampaligo mo."

Tumikhim si Prince. "Y-yeah. Thank you." Tinungo nito ang banyo.

"Prince..." tawag niya.

"Yes?" Tumigil ito sa paghakbang pero hindi tumitingin sa kanya.

"Where's my morning kiss?"

Narinig ni Johna ang mahinang pag-ungol ni Prince. Humarap ito at nilapitan siya. Obvious na pilit nitong kinokontrol ang pagnanasang nararamdaman nang mga sandaling iyon. But he couldn't hide it. His eyes were betraying him. Tingnan lang niya kung hanggang saan ang self-control ng asawa.

"Good morning, love," he murmured and kissed her on the lips.

She hungrily accepted and returned the kisses. Tumaas ang kanyang mga kamay at sumabunot sa buhok ni Prince. He was groaning. Parang hindi na nito alam ang gagawin. His hands on her waist were slightly trembling. Inalis niya sa buhok nito ang mga kamay at ipinasok ang mga iyon sa damit ng asawa.

Lalong na-tense si Prince. His body became hotter. He broke the coupling of their mouth. "Johna... love... I... c-can... wait," usal nito sa pagitan ng matutunog na paghalik sa kanyang mga labi. "... When you're ready."

Of Love... And Miracles (Completed)Where stories live. Discover now