Prologue

2K 48 0
                                    

Dati isa ka lang namang dancer na tagahatid ng mga tanong sa mga contestant.

Dati isa ka lang namang simpleng babaeng lagi kong nakikita sa studio.

Dati isa ka lang naman sa mga biktima ng mga pang-aasar ko.

Dati hindi naman ganito.

Pero bakit habang lumilipas ang araw na nakikita kita.

Na nakakaasaran kita.

Na nakakatawanan kita. Parang nag-iiba na ang epekto mo sa akin?

Dati pinandidirihan kita madikit lang ang kamay ko sayo pero bakit ngayon ayoko ng bitawan ang mga kamay mo?

Dati inaasar ko lang ang pabango mo pero bakit ngayon hinahanap hanap ko na ang amoy mo?

Dati inaasar kita para mapatawa ang madla pero bakit ngayon mas gusto kong marinig ang tawa mo?

Dati bakla ako.

Pero bakit ngayon parang hindi na?



A/N: THIS IS JUST A RESULT OF THE AUTHOR'S WILD IMAGINATION. THIS IS JUST A WORK OF FICTION.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now