Chapter Eighteen

725 20 2
                                    

After Showtime ay umuwi ako kaagad sa bahay. Habang nasa sasakyan ay iniisip ko ang mga nangyari kanina. Inaalala ko ang mga naramdaman ko kanina. Naguguluhan na ako. Alam kong hindi ko dapat maramdaman ito pero hindi ko mapigilan. This is not right. I'm way far from my game. Bakla ako. Lalaki ang gusto ko hindi babae.

Hindi mo siya gusto Vice. Hindi mo gusto si Jaki.

Paulit ulit na sabi ko sa sarili ko. I need my routine. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ronnie.

"Labas tayo maya. Call the others." I said referring to the other hashtags.

"Okay. Nag-aantay na lang din naman kami na mag-aya ka eh." He chuckle. Nag-usap pa kami saglit bago ko tapusin ang tawag.

Naisip ko matagal na rin nung last akong nagjowa. Ang huling relasyon ko ay nung si...

Fuck. Mas kailangan ko na tuloy ng alak. And a new boylet.

*****
Sumimsim ako sa hawak kong baso na may lamang alak habang iginagala ang mga mata sa mga tao sa first floor. Nasa bar na kami at nagsisimula nang magdatingan ang mga tao. Tiningnan ko ang relo ko. 11 pm na. In a few minutes mapupuno na ang lugar. Nagkukwentuhan ang mga kasama ko pero ako busy ang mata. Namiss ko 'to. Hinanap hanap ko rin ito nung nasa America ako pero bawal dahil nga may concert akong inaatupag noon. Pero ngayon I will party hard and get wasted.

Nasa Vip seats kami sa second floor and I'm on my third glass. Malakas ang pinili kong drinks dahil gusto kong malasing at mag party. The dancefloor is starting to heat up. Marami nang tao pero wala pa rin akong mahagilap na lalandiin. I bob my head slightly at the beat of the song that the DJ's playing.

"Ang tahimik naman nung isa dyan." Narinig kong komento ni Kid.

"Hayaan mo. Naghahanap ng lalaki niya." Sagot ni Ronnie. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila pero hindi ko sila pinansin.

Tiningnan ko sila. May sari sariling mundo sila. Si Zeus at Wilbert ay nag-uusap. Samantalang si Vitto ay may pinapakita kay Ryle sa phone niya. At si Ronnie at Kid nga ay pinagchichismisan ako.

"Vice ireto na lang kita dun sa isa kong kakilala. Basketball player yun. Gusto mo?" Sabi ni Ronnie sa akin. Inirapan ko siya.

"Sawa na ako sa basketball players."

"Luh. Kailan ka pa naging choosy?" Sabi niya. Pumulot ako ng chips na nasa mesa sa harapan ko at binato sakanya. Natawa lang naman siya sa ginawa ko. Tumayo ako.

"Tara na nga lang magsayaw." Sabi ko sakanila. At dahil ako ang boss nila, nagsitayo silang lahat at sumunod sa akin sa baba.

Dahil nakainom na ako ay medyo tipsy na ako. Hype na hype ako sumayaw. I dance like a teenager. Yung parang katatapos lang ng exam. Nakangiti ako habang nagsasayaw. Para kaming tanga ng mga kasama ko dahil nagbubudots pa sila Zeus kaya natatawa ako. Wala namang pakialamanan eh. Everybody can be wild and crazy here. It's all our escape.

Nang matapos ang tatlong kanta ay bumalik na kami sa taas. Natatawa pa rin ako sa kabaliwan namin sa dancefloor. Naiwan si Vitto at Wilbert sa baba dahil may sari-sarili na silang kasayawan na babae. Naisip ko na hindi na muna ako maghahanap ng haharutin. I will just enjoy this night with my friends. Kumuha ako ng isang bote ng beer sa mesa at uminom. Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang mga kasama ko ng stolen. Idinagdag ko ito sa mga nauna ko nang ipinost sa ig story ko. Pang lima na iyon simula nang makarating kami sa bar.

"Kita mo hanggang sa dancefloor side to side pa rin siya." Natatawang sabi ni Zeus habang nakatingin sa baba.

"Sino?" Tanong ni Kid. Tapos tumawa siya dahil siguro nakita na niya yung tinuturo ni Zeus.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon