Chapter Eleven

764 21 1
                                    

Humugot ako ng malalim na hininga at pinakawalan ito. Panibagong araw na naman na magpapanggap ako. Panibagong araw na naman na magpapatawa ako ng iba kahit wasak na wasak ang puso ko. Minsan humahanga na rin ako sa sarili ko. How can I manage to make others laugh while my insides are wrecked? Siguro talagang biniyayaan ako sa pagiging talented. Pero minsan nakakapagod na rin maging talented. Lalo na yung talent ko na magpanggap na okay ako.

"Ate Vice!" Nagtaas ako ng tingin ng marinig ang pangalan ko. I saw Mandy from afar. Ang lawak ng ngiti niya. Ang saya niya ata dahil patalon talon pa siya habang palapit sa akin. Sabagay wala namang araw na hindi siya masaya. Mabuti pa siya mukhang walang problema. Tumigil ako at inantay siyang makalapit sa akin.

"Kanina ka pa pinapatawag ni Direk. I was about to make sundo to you eh. Papunta ka na ba sa rehearsal?" Sunod sunod na sabi niya. Ang daldal talaga. Wala pa man din ako sa mood. Mas sumasakit ulo ko sakanya eh. Dapat pala hindi na lang ako pumasok ngayon.

"Hindi ka ba napapagod kakatalak?"

Imbes na ma-offend ay lumawak pa ang ngiti niya. Siguro akala niya normal nambabara self ko ito ngayon.

"Ihh. Namiss kita talaga. Picture naman tayo!" Nakapout na hiling niya. Kahit naman tumanggi ako hindi papatalo 'tong pandak na 'to. Kumapit siya sa braso ko at tinapat ang cellphone niya sa amin. Napangiwi ako ng maramdaman ang boobs niya sa braso ko. Omg! Kadirdir. Lumayo ako kaagad sakanya at nireklamo iyon. Tinawanan niya lang ako.

"Grabe. Bakla ka talaga no Ate Vice? Minsan hindi ako naniniwala na bakla ka kasi ang gwapo mo pero kapag ganito ka umasta, hindi na ako nagdududa."

I rolled my eyes at her. Hindi niya naman nakita dahil naka-shades ako. Wala na akong nasabi. Wala nga kasi ako sa mood. Y'all know what happened last night so alam kong alam niyo kung bakit wala ako sa mood. Tinawag niya ang staff na dumaan at humingi ng favor na picturan kami. Wala na akong nagawa ng ipulupot niya ang braso niya sa bewang ko.

"Thank you kuya!" Sabi niya kay koyang nagpicture. Kilig na kilig siya habang tinitingnan ang pictures namin sa phone niya.

"Ang gwapo. Bagay talaga tayo."

Napatingin siya sa likuran ko at mas lumawak ang ngiti niya. Hindi man lang ako nakapag-react ng maayos sa sinabi niya dahil sa sobrang daldal niya.

"Pero mas bagay kayo. Ayun na other half mo meme oh!"

Tiningnan ko ang likuran ko. I saw Karylle. Busy siya sa phone niya kaya hindi pa niya kami nakita.

"Ate K!" Pakadaldal talaga netong babaeng ito.

She looked up and smile upon seeing us. Sinalubong siya ni Mandy.

"Goodmorning po!"

"Goodmorning!" Bineso siya ni K. Tiningnan ako ni Karylle.

"Goodmorning Vice Pogi. Puyat ka ata? Well wala naman ng bago." Natatawa niyang sabi. She spread her arms nang malapit na siya sa akin. Niyakap ko siya at bineso.

"Goodmorning Kurba."

"Ayiee." Tiningnan ko si Mandy ng mag-react siya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ba dapat pumunta ka na sa rehearsal liit?" She pouted when she heard what I called her.

"Sabay na lang ako sainyo. Pwede pa-picture? #ViceRylle." Kinikilig na sabi niya.

"Nakakarami ka na sakin ah. Magpapabayad na ako."

"Hindi mo naman ako matitiis eh. Favorite mo kaya ako."

Again, I rolled my eyes at her. Nagpapicture siya ulit pagkatapos ay pumunta na kami sa stage. May prod kasi kami mamaya ni K dahil monthsary ng vicerylle today. Kaya may rehearsals kami. Hindi binibigo ng management ang ViceRylle babies basta monthsary ng loveteam namin.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon