Chapter One

1.5K 38 0
                                    

"Oh ayan meme okay na," narinig kong sabi ni Macey.

Umiwas ako ng tingin sa hawak kong iphone at umangat ang mga mata ko sa salamin na nasa harapan ko. Pinagilid ko ang ulo ko nang magkabilaan at napangiti ng makuntento sa itsura ko. Ayan. Ang ganda ganda ko na naman today. Erase. Erase. Ang ganda ko talaga everyday. Panigurado marami na namang mahuhumaling sa kagandahan ko. Swerte na naman ang madlang people dahil masisilayan nila ang aking taglay na kagandahan. I unlock my phone and click the camera. Itinapat ko ang phone sa harap ko. Nagselfie ako at pinost ko ito sa ig story ko. #HugisBigas.

Napatingin ako sa repleksyon ng pintuan ng bigla itong bumukas. Iniluwa nito si Carl at nagtagpo ang mga mata namin sa salamin.

"Vice, 15 minutes to start." Yun lamang ang sinabi niya at tuluyan nang lumabas. Ni hindi man lang hinintay ang magiging sagot ko. Kaloka! Pero hinayaan ko na. Hindi pwedeng ma-stress ang beauty ko dahil marami pa akong hahawaan nito. Napahagikhik ako sa naisip ko.

Tumayo na ako. I gave one last glance at the mirror and practice my smile. Ayan. Okay na. Keribels na. Tiningnan ko ang mga kasama ko sa dressing room. Mga staff ko lang ang nandoon at busy silang lahat sa phone nila. Tumaas ang kilay ko nang mapansin na wala ni isang hashtag ang nakatambay. Everyday kasi papasok na lang sila bigla bigla sa Dressing Room ko at manggugulo. Mag-iingay tapos mag-aasaran. Ganun ba ako ka-focus sa sarili kong mundo at hindi ko man lang napansin na wala sila sa dressing room ko? Well, most of the time I tend to shut everything and everyone out around me lalo na kapag busy ako sa iniisip ko.

Tiningnan ko si Macey.

"Asan si Kid o si Ronnie? Tsaka si Zeus? Absent ba sila?" Sila naman madalas ang nanggugulo sa akin eh.

"Si Zeus absent meme." Napanguso ako sa sagot niya. Hindi man lang nagtext yung lalaking yun na hindi siya papasok. Eh di sana nag-absent na rin ako at sinamahan siya. Charot. Pero pwede ring hindi. Bawiin ko nga yung binigay kong phone sakanya dahil di niya naman nagagamit pantext man lang sakin. Another charot. Kotse nga pala ang binigay ko sakanya. Nagjojoke lang talaga ako. Ang corny ko so wag na nga lang.

"Si Ronnie absent din kasi nasa Batangas may mall show."

Napatango ako. Ah oo pala. Nabanggit ni Ronnie sa akin yun kagabi nang mag-bar kami. Buti pa yung isang yun nagpapaalam.

"Si Kid pumasok meme pero hindi sila pinayagan ni direk na umalis. Bumalik na kasi si Tom kaya pinaghahandaan nilang hashtags yung prod nila with him."

I froze at what she said. Napatigil ako ng marinig ang pangalan ni Tom. Agad na kumonekta ito sa pangalan ni Franco. Isa si Tom sa mga huling nakasama ni Franco bago siya mawala. Parang isang dam na nabuksan ang mga ala-alang umagos sa isip ko. Kumirot ang puso ko ng maalala ang masalimuot na nangyari sa kaibigan ko. Naramdaman ko ang pag iinit sa gilid ng mga mata ko.

"Get out. I want to be alone." I ordered everyone inside the room.

Walang salita silang tumayo at dali daling nilisan ang kwarto. Kapag ganito na ang boses na ginamit ko, alam na nilang seryoso ako. Na gusto kong mapag-isa. Madalas ginagamit ko iyon kapag wala ako sa mood at katulad sa sitwasyon ngayon. As soon as I heard the door closed, nag unahang tumulo ang mga luha ko. Hinayaan kong ilabas ang mga hinanakit sa puso ko. Ayokong may nakakakita sa akin na umiiyak. As much as possible I want everyone to see me, Vice Ganda, as the person they always see in the tv. Yung laging nagpapatawa. Yung laging nakangiti. Yung laging okay.

It's only been a month since that incident happened, when we lose our friend. Kaya naman fresh pa ang sugat na naiwan simula nang mawala si Franco. Isa siya sa mga naging matalik kong kaibigan. He's one of the truest and kindest person I've known. Paulit-ulit kong sinaktan ang sarili ko nang marinig ko ang masamang balitang wala na si Franco. Nagbakasakali akong panaginip lang ang lahat. Na hindi iyon totoo. Ayokong maniwala. Pero nangyari talaga siya. Wala na siya.

Pumasok sa isip ko ang maaliwalas na ngiti ni Franco. Ang ngiting nagbibigay liwanag kapag wala ako sa mood. Lagi rin siyang tumatambay dati sa dressing room ko. Kapag bad mood ako hindi siya aalis hangga't hindi ako napapatawa. Malinaw sa isip kong narinig ang boses niya. Yung accent niya na lagi kong inaasar dati ngayon hindi ko na kailanman maririnig. Hindi ko na kailanman masisilayan ang mga ngiti niya.

Iniyakan ko siya noon ng isang linggo. Gabi gabi hindi ako makahinga dahil sa sobrang pag-iyak. Sa umaga aarte akong okay ang lahat pero sa gabi lalabas ang katotohanang wala na ang isa sa mga matalik kong kaibigan. Iniwasan kong isipin ang sakit ng pagkawala ni Franco. Kahit ayoko, I need to get going. Maraming umaasa sa akin kaya dapat maging matatag ako. Dapat kayanin ko.

Suminghot singhot ako. Panigurado para na akong bata sa itsura ko. Luhaan na may kasama pang sipon. Iniwasan kong tumingin sa salamin dahil baka mas maiyak ako kapag makita ko kung gaano kapangit ang itsura ko habang umiiyak.

Natigil ang pag-iyak ko nang may kumatok sa pinto. Pinigilan kong lumikha nang kahit na anong ingay na nagsasabing umiiyak ako.

"Vice, 2 minutes to start." Narinig kong sabi ni Carl sa labas ng pinto. I cleared my throat before answering.

"Susunod na lang ako. Nasi-cr kasi ako," pagdadahilan ko. Narinig ko ang buntong hininga ni Carl sa labas. Wala naman siyang magagawa eh.

"Oh sige. Bilisan mo. Dapat nandun ka na after the prod. You have some spills. "

Katulad ng kanina hindi na niya hinintay ang sagot ko at umalis na. Bumuntong hininga ako ng malalim. Tama na Vice. Hindi ito ang tamang panahon at tamang lugar para isipin ang nararamdaman mo. Maraming tao ang nag-aabang sayo. Maraming tao ang umaasa sayo. Inayos ko ang make up ko at tumingin sa sarili kong repleksiyon.

Ngumiti ako. Sinubukan kong hindi ito magmukhang pilit. Kunsabagay praktisado ko na ito. Ilang ulit na ba akong humarap sa marami at nagkunwaring okay lang? Expert na ako sa larangan na iyon. Hindi na bago sa akin ang ngumiti ng peke sa harap ng maraming tao. Kailangan nila ako. Kailangan nila ang isang Vice Ganda para mapasaya sila. Kaya kailangan okay ako. Nang masigurong kontrolado ko na ang emosyon ko, lumabas na ako sa dressing room.

"This is your show. This is your time. Magpasikat na. It's Showtime!"

Narinig ko ang opening song kaya tumakbo na ako para makaabot. Sinalubong ako ni Kenneth at inabutan ng mic.

"Vice dali. Pwesto ka na," sabi niya. Tumango ako.

Lumabas ako sa gilid at narinig ko naman ang hiyawan ng madlang people.

"Batiin naman natin ang bagong dating na si Vice Ganda!" Sabi ni Anne. I flash my practiced smile at them.

"What's up madlang people!!!" Sigaw ko.

Nagpatugtog si Dj MOD kaya tumalon talon ako. Sumabay ang madlang people. Nakita ko ang mga ngiti sa mga labi nila at gumaan naman ang pakiramdam ko.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now