Chapter Twenty One

774 20 3
                                    

Naghain na ako sa mesa habang inaantay na magising si Jaki. Tinakpan ko muna ang mga pagkain at naglakad lakad para tingnan ang kabuuan ng condo niya. Simple lang siya at maganda. Parang si Jaki. Bagay sakanya itong condo niya. Maliit lang ito at napansin ko na magulo ang mga gamit niya. Napailing ako. Ke ganda gandang babae pero burara.

I pick a picture frame on a table. Picture nila itong dalawa ni Tom. Nasa isang restaurant sila at magkatabi. Nakangiti sila pareho habang nakatingin sa camera. Nakaakbay si Tom sakanya. She looks really happy. Napangiti ako. Tiningnan ko si Tom.

"Ikaw gago ka ang swerte mo sakanya kaya huwag kang magloko." Pagkausap ko sa picture habang tinuturo turo pa si Tom.

Naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Tita Lucy kanina. Boto siya sa akin para kay Jaki. Napangisi ako. Pero agad rin itong nawala nang mapagtanto ko ang iniisip ko. Kung ano ano na naman pumapasok sa utak ko. Pinaalala ko sa sarili ko na kaibigan lang ang tingin ko kay Jaki.

Kahit pa boto si Tita sa akin hindi dapat ako kiligin.

Binaba ko ang picture frame at napatingin sa mga pinto. May dalawang pinto akong nakita. Tulog pa rin ba siya? Parang tulog mantika naman iyon.

I decided to just wake her up. Una kong binuksan ang nasa kaliwang pinto. Bingo. Kwarto niya nga ito. Halata naman sa pink na pader at sa mga sari saring pink na mga bagay na nakakalat sa buong kwarto niya. Madilim ang loob dahil nakapatay ang ilaw pero naaninag ko ang bulto ng katawan ni Jaki na nakahiga sa kama dahil sa ilaw na nanggagaling sa sala.

Lumapit ako sakanya. Lumuhod ako sa tabi ng kama. Niyugyog ko ng bahagya ang balikat niya.

"Jaki." Gising ko sakanya.

"Ugh." Ungol niya at mas hinila pa ang kumot pataas sa katawan niya.

"Hoy gumising ka na dyan. Lalamig yung pagkain." Patuloy ko siyang niyugyog. Hinila ko ang kumot paalis sa katawan niya at tumambad naman sa akin ang suot niya. Naka spaghetti strap siya sa pantaas at cotton shorts naman sa baba. Napako ang tingin ko sa legs niyang naka-expose. Mabilis kong itinalukbong pabalik ang kumot. Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa noo ko.

Lalabas na sana ako nang bigla siyang magmulat ng mata. Kumunot ang noo niya nang makita ako.

"Am I dreaming? Bakit nasa kwarto ko si Vice?" Bulong niya at sa tingin ko ay sarili niya ang kinakausap niya.

"Hoy kanina ka pa tulog dyan. Bangon ka na kasi lalamig na yung pagkain."

Nanlaki ang mga mata niya ng marinig akong magsalita. Napaupo siya kaagad.

"Vice?!" Gulat na sigaw niya.

"Bumangon ka na dyan." Sabi ko at iniwan siya.

Kasalukuyan akong naglalagay ng kutsara sa pinggan ng bumukas ang pinto ng kwarto niya. Tiningnan ko siya. Naka pajama na siya pero hindi niya pinalitan ang pang itaas niya. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang pansin sa ginagawa ko. Umupo ako nang matapos ako.

Tiningnan ko siya ulit nang makalapit siya sa mesa.

"Upo ka na. Gutom na ako." I said to her. Nakatingin lang siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong niya habang nakatayo pa rin. Kumibit balikat ako at sumandok na nang kanin. Bahala siya dyan gutom na ako.

"Hoy kinakausap kita." Narinig kong sabi niya. Kita niyo close na talaga kami kasi hino-hoy hoy niya na ako. Hindi ko itinuloy ang pagkuha ng ulam at sinagot na muna siya.

"Kasi nga sabi mo masakit puson mo. Kaya nagdala ako ng gamot tsaka mga kailangan mo." Bale-wala kong sabi sakanya. Naging tahimik siya kaya tiningnan ko siya. Nakatingin lang siya sa akin. I can't read her expression.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now