Chapter Twenty Two

768 20 3
                                    

Gusto ko si Jaki.

There I said it. Tama si Vhong. Damn!Kailan ba siya hindi naging tama? Kung nagkagusto ako sa babae noon hindi rin malayong mangyari ulit yun. Just like my feelings for Karylle before, I know that what I feel for Jaki right now will fade too. This will be gone too. Siguro kaya ako nagkagusto sakanya kasi nasasanay na ako na nandyan siya palagi. Tsaka siguro nadadala na ako sa ginagawa naming banter araw araw sa Ms. Q and A. I will just go with the flow right now and maybe one day I'll wake up realizing I don't like her anymore. Liking someone is supposed to be fun. Inaamin ko naman na nag-eenjoy ako at masaya ako kapag kasama ko si Jaki. I like being her friend. Pwede naman kaming maging magkaibigan habang may nararamdaman ako sakanya diba?

Katatapos lang akong make-up'an at pumunta muna akong cr. Ngayon ay mag-isa akong naglalakad pabalik sa dressing room ko. Laman pa rin ng isip ko ang naging usapan namin ni Vhong kagabi. Inaamin ko na gumaan ang loob ko dahil sa pag-uusap namin ni Vhong kagabi. Gumaan ang dinadamdam ko dahil siguro inamin ko na sa sarili ko na gusto ko nga si Jaki. Talaga palang nakaka-stress ang deny ng deny. Mabuti na lang meron si Vhong kagabi at tinulungan ako sa problema ko. Mabigyan nga ng isang pares ng shoes iyon.

"Ay palaka!" Sigaw ko sa gulat nang biglang may kumapit sa braso ko. Pagtingin ko sa biglang sumulpot ay nakita ko si Jaki. Hay nako. Ang babaeng may sala sa lahat ng kaguluhan sa feelings ko ngayon. Nakangiti siya habang nakatingala sa akin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang makita ang ngiti niya. With dimples pa kasi eh. Nakakainis na dimples 'yan!

"Goodmorning Vice! Ang aga mo ngayon ah." Sabi niya at sinabayan ako sa paglalakad. Umiwas ako ng tingin sakanya.

"Ang aga aga Jaki sinisira mo araw ko."

"Grabe naman. Ang sungit."

"Ano bang kailangan mo?"

"Wala naman. Gusto lang kitang makasabay maglakad. Alam mo ba dati kapag nakakasalubong kita sa hallway lagi mo akong dine-deadma." Nakalabi na kwento niya. Napakunot naman ang noo ko habang inaalala ang mga araw na sinasabi niya.

"Naiinggit nga ako kay Ate Mandy noon kasi close na close kayo tapos ako ni hindi mo man lang pinapansin." Pagpapatuloy niya.

Pero ngayon ikaw na lang ang napapansin ko.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sakanya. Tiningnan ko siya sa mata. Hindi lang atensyon ko nakuha mo Jaki. Pati puso ko nahablot mo na rin.

Actually hindi ko rin talaga maalala na may naging encounters kami ni Jaki before pa nung Ms. Q and A. Most of the time kasi dancers ang lumalapit sa amin at nakikipag-usap. Pero nakikita ko naman na dati si Jaki kasi lagi siyang kasama ni Mandy. Yun nga lang tahimik at mahiyain ang tingin ko sakanya.

"Pano ang pabebe mo nun. Lagi ka lang tahimik kapag nagkakasalubong tayo at kasama mo si Mandy." Puna ko sakanya.

"Syempre nahihiya ako sa'yo!" Depensa niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hiya hiya. Tapos ngayon makapal na mukha mo sa akin." Sabi ko sakanya. Gusto kong tumawa sa reaksyon niya.

"Hoy! Grabe naman yung makapal ang mukha! Sino ba lumandi sa akin?" Nanghahamon na sabi niya sa akin.

"Nagpalandi ka naman?" Balik ko sakanya. Namula siya.

"H-Hindi naman...Kwan.." Nauutal niyang sagot. I smirk.

"Kung hindi kita hinarot noon sa Ms. Q and A eh di sana wala kang friend na kasing ganda ko ngayon." Sabi ko sakanya. She rolled her eyes.

"Kapal. Kung tutuusin mas swerte ka na kaibigan mo ako noh."

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon