Chapter Twenty Eight

605 21 0
                                    

"Ate girl pasok!"

She walks gracefully towards me. Ramdam ko naman ang automic na paglabas ng ngiti ko. I felt my heart beating fast and it felt like everything fades around us. Parang nag slow motion ang paligid habang papalapit si Jaki sa akin. She looks pretty in her floral dress. Ang fresh niya tingnan. Idagdag pa ang ngiti niya. Umikot siya sa harapan ko at inabot ang fishbowl sa contestant.

"Jaki." I uttered before she can even go. Nagtilian naman kaagad ang madlang people. She turned at me and smile.

"Ikot ka ng ikot mamaya magkamali ka tapos mahulog ka." Sabi ko sakanya. Minsan talaga kinakabahan ako kapag umiikot ikot siya eh. Madulas kasi yung stage tapos nakaheels pa siya.

"Hindi naman ako nag-aalala eh."

My brows furrowed.

"So okay lang sayo kung maaksidente ka tapos mapilayan ka?"

Sumabay ang madlang people sa pagtawa niya.

"Hindi. Hindi naman ako nag-aalala na mahulog ako." She look at my eyes.

"Kasi sigurado naman akong sasaluhin mo ako."

Kumislot ang kung ano sa tiyan ko. I felt my smile widening.

"Ikaw talaga." Yun na lang ang nasabi ko habang ang madla naman ay nagtitilian na.

"Hindi ba tama naman ako?" Sabi niya pa. I gave her a genuine smile.

"Oo naman Jaki. Alam mo namang hindi kita papabayaan."

Tinitigan ko siya. Kinurot ko ang pisngi niya at nilapit ko ang mukha ko sakanya. Umamba akong hahalikan siya. Nakangiti lang naman siya habang pinapanood ang ginagawa ko sakanya. Rinig na rinig ang kilig ng audience.

"Halikan mo na kasi!" Narinig kong sabi ng kung sino sa crowd. Umayos ako ng tayo at tumingin sa parte kung saan narinig ko yung sumigaw.

"Oh sis daw halikan mo na daw." Sabi ni Aning. Pilit kong inaninag kung sino yung sumigaw.

"Sino yun?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa madlang people. May mga nakita akong grupo ng lalaki na tinuturo ang isa sa mga kasamahan nila. Nilapitan ni Dumbo yung lakaking sumigaw.

"Anong sabi mo kuya?" Tanong ko. Nakita kong tumayo siya at inabutan siya ni Dumbo ng mic.

"Sabi ko halikan mo na si Jaki ate Vice."

I place my free hand on my hips.

"So ano tinuturuan mo na ako kung anong gagawin?"

Pambabara ko sakanya. Nagtawanan naman ang mga kasama niya.

"Hindi naman Vice. Pero syempre maganda si ate girl so baka kung hindi ka pa kikilos maunahan ka. Dami naming nakapila oh." Nakangisi niyang sabi sabay nakipag apir pa sa katabi niya.

Aba. Ang lakas ng apog ng lalaking ito. As if naman papatulan siya ni Jaki.

Umayos ako ng tayo at tumingin kay Jaki. Masyado ng maraming nagkakagusto sakanya and I don't like the idea of it. Huwag ko na kaya siya bigyan ng exposure? Charot.

"Gusto mo ba 'yon Jaki?" Tanong ko kay Jaki. Mabilis namang umiling si Jaki.

"Hinde." Sagot niya. Ngumisi ako bago tumingin kay kuyang audience.

"Rinig mo 'yon? Hanggang pangarap ka na lang kuya." Mayabang na sabi ko. Tiningnan ko si Jaki.

"Hanggang tingin na lang kayo sakanya." Sabi ko habang nakatingin sa mata ni Jaki. Nakatingin lang din sa akin si Jaki habang nakangiti. Walang sabi sabi na hinapit ko siya sa bewang at inilapit sa akin. I watch how Jaki's eyes widen with what I did. I smirk. Hinarap ko siya sa audience.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now