Chapter Seventeen

754 21 0
                                    


"Anak sa'yo ba 'to?" I averted my eyes from what I'm doing towards Nanay's direction. She's holding a white balenciaga shirt in her right hand. Napatango ako sakanya.

"Yes Nay." I answered.

Lumapit siya at inabot sa'kin ang damit. Nagpasalamat ako sakanya bago ko isiksik ang damit sa loob ng maleta. Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga gamit ko. After kasi namin maglunch ay diretso uwi na. I mean yung mga kasama ko lang pala kasi magpapaiwan ako ng ilang oras para maglibot kasama si Nanay. Syempre madalang na lang kami magkita ni Nanay so susulitin na namin. Nakisabay na ako sa pag-iimpake dahil wala din naman akong ginagawa tsaka para wala na akong aatupagin mamaya at masulit ko rin ang time ko with my Nanay. Pagkatapos mag-impake ay kumatok si Dianne sa kwarto namin para sabihin na aalis na kami para mag-lunch. Sabay kaming bumaba ni Nanay sa lobby.

After an hour and a half ay nagpaalam na ako sakanila. Bumalik sila sa hotel at kami naman ni Nanay ay nagsimula nang gumala. Nagshopping kami at kumain sa mga madadaanan namin na street vendors. Eto talaga ang madalas bonding namin ni Nanay basta lalabas kami. Kinukuhanan ko ng picture si Nanay at ang mga ginagawa namin at pinopost ko ito sa instagram story ko. Habang naglalakad kami sa sidewalk ay may humarang na babae sa amin. Sa tantya ko ay mga nasa 38 na ang edad niya.

"Ate Vice? Pwede po pa-picture?" Excited na tanong niya. Kung maka-ate naman ito eh mas mukha namang mas matanda sa akin. Hindi sila ang unang nakakilala sa akin dahil kanina pa mang bumibili kami ni Nanay sa gilid ng daan ay may mga nakapansin na sa amin at ang iba ay pasimpleng kumukuha ng litrato at video. May mga nagpapicture at pinagbigyan ko naman sila. Ang iba ay nirespeto ang moment ko with my Nanay at tahimik na lang na pinanood ang ginagawa namin.

"Sure." Sabi ko at inalis ang akbay kay Nanay. Inayos ko ang buhok ko at ngumiti sa camera. Ang ibang pictures ay dalawa lang kami at ang iba ay kasama si Nanay.

"Oh 1,500." Pagbibiro ko sakanya na siya namang ikinatawa niya.

"Thank you po ate Vice!" Malawak ang ngiti na sabi niya. Muntik kong totohanin ang singil ko sakanya dahil inate niya na naman ako. Ngumiti ako pabalik at nagpasalamat rin.

"Hindi niyo po kasama si Jaki? Asan po siya?" Inosenteng tanong niya at palingon lingon pa sa paligid na parang may hinahanap.

I was startled with her sudden question. Akala ko makakalimutan ko pansamantala si Jaki ngayong nasa America ako pero nagkamali ako. Kasi halos lahat bukambibig ng lahat si Jaki sa akin. Hayy.

"Nandun siya sa damit niya." I joke.

"Kinikilig po talaga ako sainyo sa Ms. Q and A. Lagi po akong nakaabang kahit may trabaho ako." Natawa naman ako. Mukhang kami pa ni Jaki ang magiging dahilan para masisante siya.

Nagpasalamat ako sa support niya at sa patuloy na panonood ng it's showtime. Pinaliwanag ko naman na naiwan si Jaki sa Pinas bago kami umalis ni Nanay. Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay nagsalita si Nanay.

"Talagang hinahanap nila si Jaki sayo anak ah. Kahit nung concert mo ay siya ang gusto ng madlang people na makita. Mas gusto ko na tuloy siyang makilala. Kailan mo ba siya ipapakilala sa akin Tutoy?" Napaubo ako sa sinabi ni Nanay.

"Nay naman. Andyan ka na naman eh."

"Oh bakit? Ano na naman bang mali sa sinabi ko? Lagi ko namang sinasabi sa'yo na palagi kong inaabangan ang pag-uusap niyo sa Ms. Q and A. She seems like a good person." Napangiti ako sa sinabi niya.

"She is Nay." Nakangiti kong tugon.

"I wanna meet the girl who's making my Tutoy smile."

"You don't have to meet her because you're the girl who's making me smile." I said and give her a side hug. Tinapik niya ang braso ko ng mahina.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now