Chapter Eight

729 17 0
                                    

"Direk?" Tawag ko bago ako kumatok sa pinto.

"I'm here. Pasok pasok." Narinig kong response niya sa kabilang pinto.

Pinihit ko ang doorknob bago tuluyang pumasok. Natagpuan ko siya na inaayos ang mga kung anong papel sa mahabang mesa. Katatapos lang ng showtime at sinabihan nga ako ni Dianne na puntahan ko daw si Direk bago ako umuwi. Nasa conference room kami kung saan nagmemeeting kaming mga hosts at managements.

"Umupo ka Vice." Utos niya at itinuro ang upuan sa kanan niya. Sinara ko ang pinto at sinunod ang utos niya.

"What is it about Direk?" Diretsahang tanong ko. Ipinatong ni Direk ang kamay niya sa mesa at tumingin sa akin.

"Sandali lang. May inaantay pa tayong isa."

Nagsalubong ang mga kilay ko. Magtatanong pa lang sana ako nang biglang may kumatok.

"Come in."

Bumukas ang pinto. Pareho kaming nakatingin ni Direk sa direksyon ng pinto. The person behind the door poke her head in. Nanlaki ang mata ko. Anong ginagawa ni Jaki dito?

"Hi po Direk. Pinapatawag niyo daw po ako?"

Tumingin siya kay Direk pagkatapos ay sa akin. Katulad ng reaksyon ko ay mukhang nagulat rin siya na makita ako.

"Yes Jaki. Come sit here."

Direk tap the chair on his left side. Pumasok siya ng tuluyan and then she closes the door and headed towards us. Umupo siya sa tapat ko. Sinusundan ko siya ng tingin pero siya nakayuko lang. Mahiyain talaga. Hindi siya makatingin sa akin. She was just looking at Direk, waiting for his next words.

"Okay so dahil nandito na kayong dalawa simulan na natin. Maybe you two are confuse why I called the both of you here."

Actually may hula na ako kung bakit kami pinatawag ni Direk. I think this is about our banter at Ms. Q and A. Wala naman kaming ibang encounters ni Jaki kung hindi doon lang eh. So malamang tungkol ito doon.

Pinili ko na lang na tumahimik at antayin magsalita si Direk. Ayaw niya kasi na inuunahan siya sa sasabihin niya. Close kami ni Direk pero I know my limitations. Mahilig akong mambara ng mga tao pero iba kapag si Direk na ang kausap ko. I have to control my tongue. We're friends but still he's on a different level and I know my place naman.

"Napansin ko na nagugustuhan ng madlang people ang banter niyo kapag Ms. Q and A. Alam ko na alam niyo na talaga namang natutuwa sila. You two have undeniable chemistry. Gusto ko sana na pahabain niyo ang pag-uusap niyo at batuhan niyo ng banat."

Naks naman. 'Undeniable chemistry' daw.

"Aayusin ko ang oras. Magdadagdag ako at maglalaan ng time para sa banter niyo. Vice you have to last your banter for at least 15 minutes. Alam ko kaya mo yun. But first of all syempre gusto ko munang malaman ang opinyon niyo about this. Gusto niyo bang dalawa?"

He wants to know our decision if it's a Yes or a No. Pero parang hindi naman kami pwedeng humindi sakanya. I know him too well. As much as possible gusto niya lahat ng gusto niya ay masunod. Naiintindihan ko naman siya. He's just doing what he thinks is best for the show. Malaking responsibilidad sakanya ang pagiging Director. He's a brilliant Director and I've been working for him for 8 years now. He always have unique and brilliant ideas. I always look up to him. May tiwala ako sakanya. Tsaka hindi naman option sa akin ang Hindi. Ako nga ang nagsimula neto eh so bakit naman ako aayaw? I'm enjoying our banter pero syempre mahalaga ang desisyon ni Jaki.

"I'm okay with it Direk. But of course this should be a mutual decision."

I transfer my gaze at Jaki. She blush. I can see the pressure in her facial expression.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon