Chapter Twenty

764 21 0
                                    

Tumunog ang phone ko kaya kaagad ko naman itong kinuha at binuksan. Nag-reply na si Jaki. Napangiti ako.

Hindi pa eh.

Sagot niya. Tinatanong ko kasi kung kumain na siya. It's been two weeks since that night happened. At simula nun ay naging constant textmate na kami ni Jaki. Hindi na rin siya nahihiya sa akin. Mas naging close rin kami. Parang normal na magkaibigan kami na nagkakatext and I really enjoy it.

Commercial break kaya kumakain muna kaming hosts ng lunch. Mabilis akong tumipa sa keyboard.

Bakit naman? You shouldn't skip a meal.

Nang maisend ko ito ay pinatay ko na muna ang phone ko at binaba sa mesa.

"Vice kumain ka kaya muna. Mamaya ka na mag-phone." Sabi ni Karylle sa akin. Nasa dining area kaming showtime hosts at kasalukuyang naglulunch. Tiningnan ko si K at nginitian.

"Yes kurba. Importante lang kasi yung inaasikaso ko." Sagot ko sakanya. Itinuloy ko ang pagkain ko habang sinisilip silip kung nagreply na si Jaki sa text ko. Tumayo muna ako at kumuha ng tubig. Pagbalik sa upuan ko ay umilaw ang phone ko kaya mabilis ko itong kinuha.

Oo na. Kaya lang wala kasi akong gana:(

Kumunot ang noo ko.

Bakit naman?

Ayoko nung ulam.

Natawa ako sa reply niya. Napansin ko na napatingin ang mga kasama ko sa akin pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin.

"May bago bang jowa 'yan? Kung makatawa wagas." Narinig kong komento ni Vhong.

"Baka naman nanonood ng funny videos. Ikaw naman Vhong porke tumawa habang nakatingin sa phone may jowa na agad?" Tugon ni Anne.

Hindi ko sila pinansin at nagreply na lang kay Jaki. Natatawa ako habang tina-type ang reply ko sakanya.

Ano bang ulam niyo? Kung gusto mo daan ka dito sa dining area at bibigyan kita. Ang daming natirang panis na pagkain dito

Ang sama! Hindi ko naman magagawa 'yan dahil hindi naman ako pumasok.

Kumunot ang noo ko sa tinext niya. Hindi siya pumasok? Kaya pala hindi ko siya mahagilap kanina sa opening number.

Bakit?

Masakit puson ko huhu

Napaayos ako ng upo sa sinabi niya. Nag-alala ako agad. Naririnig ko ang complaints nila Anne at Karylle kapag masakit ang puson nila. Talagang hindi daw madali sa mga babae kapag time of the month na. Magrereply na sana ako pero bigla kaming pinatawag ni Anne dahil Ms. Q and A na. Napilitan akong tumayo.

Pinilit kong magtrabaho at hindi isipin si Jaki. But I always end up thinking and worrying about her. Naalala ko kasi na nasabi niya noon na mag-isa lang siya sa condo niya. So baka walang nag-aalaga sakanya kaya nag-aalala ako. Parang ang tagal ng oras. Nang matapos ang showtime ay sumabay ako kay Anne sa paglalakad.

"Anne." Tawag ko sakanya.

"Yes sissy?" Sabi niya at tumingin sa akin.

"Anong gamot kapag masakit ang puson?" Tanong ko sakanya. Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako.

"Omygod sissy! Meron ka?!"

Kinatusan ko siya ng mahina.

"Baliw! I wish pero hindi ako.Y-yung..Yung friend ko."

"Ow okay." Sabi niya. Mabuti na lang hindi naman naghinala si Anne at hindi na siya nagtanong pa. Sinabi niya sa akin ang mga kailangan. May sinabi siyang gamot at hot compress.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now