Chapter Thirty Six

712 26 3
                                    

Jaki's Pov

"Bebe mauna na ako ah." Napatingin ako kay Ate Mandy.

"Sige Ate. Ingat ka." I said with a smile. She walk towards me and kiss me on my cheek.

"Ayaw mo ba sumabay?" Tanong niya sa akin. Umiling ako.

"Hindi na ate. Mag-aayos pa ako ng gamit tsaka alam kong susunduin mo pa si Bullet." Ayoko namang pag-antayin pa siya kasi hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko.

"Oh sige. Sabi mo eh. Ingat ka sa pag-uwi ha. Bye." Tumango ako. Kumaway siya sa akin bago lumabas ng dressing room.

Itinuon ko ang atensyon ko sa pagliligpit ng gamit ko. Katatapos lang ng showtime at eto nga pauwi na ako. Wednesday ngayon kaya wala kaming rehearsal at maaga kaming uuwi. Tuwing tuesday at thursday lang kasi kami may rehearsal hanggang gabi. Madalas sa umaga na lang kami nagprapractice ng mga sayaw at prod namin. Nakapalit na ako ng boyfriend jeans at crop top. Nag sneakers na rin ako para di ako mahirapan pauwi.

"Jaki una na kami ah." Nginitian ko sila Karen at Daphne.

"Ingat kayo." Sabi ko at kumaway. Bago pa makalabas ng pinto si Daph ay napatigil siya.

"Baka ayaw mo rin niyan ah. Sabihin mo lang." Pasimpleng sabi ni Daph sabay nguso sa likuran ko. Tiningnan ko ang nginuso niya. Natawa naman ako.

"Sira! Binigay ko na nga yung flowers at chocolates sa'yo eh. Pati ba naman ito?" Sabi ko sakanya. Kumibit balikat siya.

"Malay mo lang. Allergic ka din diyan." Natatawa niyang sabi.

"Nope." Sabi ko sabay belat. Ngumuso siya.

"Hmp. Sige na nga alis na kami. Bye ingat ka ha. Baka kidnap'in ka ng secret admirer mo sa labas." Sabi niya sabay tawa. Binato ko siya ng kung anong nahawakan ko pero nakalabas na siya kaya hindi siya natamaan. Baliw talaga 'yun.

Napapailing na lang ako habang inisa isa kong ilagay sa maliit kong bag ang mga ginamit kong suklay at make up. Dumako ang tingin ko sa cupcakes na naka-tupperware na nakapatong sa vanity table. Iniisip ko tuloy kung pina-bake nung nagbigay sa akin sa mama niya yung cupcakes. Si mama kasi mahilig mag-tupperware eh. After naming kumain sa baba kanina ay naabutan na naman itong cupcakes pagbalik namin. Tinukso ako agad ng mga kasama ko kasi alam na nilang para sa akin 'yon. Ilang araw na kasing may nagpapadala sa akin ng mga kung ano ano. Nung unang araw nga ay bulaklak. Pero dahil allergic ako sa bulaklak, binigay ko na lang ito kay Daphne. Sa sumunod na araw ay puro pagkain na ang binibigay niya.

Nung una umasa pa ako na si Tom ang nagbibigay pero JM ang nakalagay na pangalan sa card. It looks like wala na talagang balak makipagbalikan ni Tom sa akin. I want to fight for us pero ang hirap kasi siya mismo sumuko na. I hope one of these days ma-realize niya na mali ang desisyon niyang makipaghiwalay. And if that happens, I'm just here waiting for him.

Muli akong napatingin sa cupcakes. Kinuha ko ang card na naka-aattach sa tupperware. Binasa ko ito.

Alam mo okay lang na mahilo ako. Basta sa'yo lang iikot ang mundo ko.

Bigla akong natawa sa nabasa ko. Wow. Nag iba siya ng tactic ha. Dati kasi ang mga nakasulat eh mga quotes. Binasa ko ang nasa pinakababa. JM. Mas nacucurious ako everyday kung sino si JM. Marami akong kilala na mga staffs pero wala akong kilala na JM. Ang dami naman kasing staffs ng showtime kaya hindi ko rin kilala lahat. Meron yung mga nasa loob lang nag-ooperate kaya hindi ko naeencounter lahat. Tsaka pwede rin namang hindi siya staff ng showtime.

Naalala ko yung sinabi ni Ate Mandy nung nakita niya yung pangalan nung secret admirer ko.

"JM? Jose Marie?"

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon