Chapter Thirteen

691 20 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Saturday ngayon. Katatapos lang ng showtime and I'm on my way at Ian's birthday party. Tumigil ang van at pinagbuksan ako ni Manong ng pinto. Nagpasalamat ako sakanya bago bumaba. I look around and then glance at my wrist watch. 20 minutes late na pala ako. Marami na ring tao. Nagsimula akong maglakad at napansin ko na napansin na ako ng ibang guests. They're following my every steps with curious gazes. I heard others gasps and then sumunod ang mga bulong bulungan. Maybe they already recognizes me.

"Vice!" Narinig ko ang boses ni Rachel kaya sinundan ko ng tingin kung saan ito nanggaling. She made her way towards me with a wide smile plastered on her lips.

"You made it! Akala ko di ka pupunta." Sabi niya. Nagbeso kami.

"Syempre naman. Alam ko namang magtatampo ka kung hindi ako sisipot." Sabi ko sakanya. Napatawa siya.

"Talaga." Tugon niya. Napatingin ako sa paligid. May hinahanap.

"Huwag kang mag-alala mga close relatives and friends ko lang ang invited at na informed ko na rin sila na no taking pictures with you." Tinaasan ko siya ng kilay. Aba advance mag-isip. Akala ko ba hindi niya inexpect na sisipot ako pero nasabihan na pala niya yung mga guests. Itong babae talaga na ito. I roam my eyes around. Halata mo kaagad na children's party ito dahil sa mga balloons na nakakalat sa paligid. My malaking tarpaulin nang mukha ni Ian sa harap with a big Happy 4th Birthday written on it. Nagsimula na ang party at mga palaro sa mga bata. May emcee na nagsasalita at nag-iinstruct ng laro sa mga bata.

"Halika. Ipapakilala kita sa mga kumare ko." Hinila niya ako patungo sa mga grupo ng mga babae. Mas matutuwa sana ako kung sa grupo ng mga lalaki niya ako dinala eh. Ngumiti ako sakanila ng ipakilala ako ni Rachel. Kilala naman na nila ako. They stared at me for 5 minutes before they finally snapped out of their starstruck moment. They were all laughing at my jokes. At hindi sila tahimik sa pagtawa nila ha. Alam niyo naman ang mga tita kapag tumatawa, wagas. Kaya tuloy napapatingin ang ibang guests sa amin. Hinanap ng mata ko si Ian pero hindi ko siya mahagilap sa mga naglalaro.

"Nasaan si Ian?" Kita mo naman nakichika muna ako bago hanapin at naisipang batiin ang birthday celebrant. Ang gara diba.

"Sandale. Hahanapin ko."

Pumasok siya at pagbalik niya ay kasama na niya ang anak niya. Nakasimangot ito kaya nagtaka naman ako.

"Hi little guy. Happy Birthday!" Masayang bati ko sakanya. He look up and grin upon seeing me.

"Kuya Pogi!" Binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Pogi ka na pala ngayon." Natatawang komento ni Rachel. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.

"Bakit sad ka?" Tanong ko sakanya.

"Hinahanap niya kasi ang tita Jaki niya." Napatingin ako kaagad kay Rachel ng banggitin niya si Jaki.

"Asan ba siya?" I cleared my throat because I sounded so eager.

"Birthday din kasi ng pinsan niya kaya pumunta muna sila dun. Susunod na lang sila nila mama." Napatango ako. Nilingon ko ulit si Ian.

"Where's my gift Kuya Pogi?" Nakatitig na tanong niya sa akin.

"Nasa van."

"Did you get me a real sports car?" Excited na sabi niya. Umiling ako.

"Nope baby. Hindi mo pa naman kayang magdrive." Napasimangot siya.

"Maybe when you get older I'll buy you one."

"You heard that baby? Tandaan mo yang sinabi ni Tita Vice mo. Singilin mo siya paglaki mo." Nakangisi na sabi ni Rachel sa anak niya.

"But I really want one today." Nakalabi na sabi ni Ian.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon