Chapter Fourteen

746 20 0
                                    

Sa mga sumunod na araw ay naging busy na ako. My time and attention was spent on rehearsals and preparations for my upcoming concert abroad. Halos hindi na nga ako pumapasok sa showtime dahil doon eh. Pero ngayon rest day ko sana pero nakiusap si Direk na pumasok ako. Halos two weeks na rin kasi na absent ako. Pumayag ako dahil nababasa ko nga ang mga tweets ng netizens na hinahanap na nila ako. Nasa van na ako at papunta sa studio. I was just staring outside the window. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako na naeexcite. Ang weird.

Nandyan ka na naman
Bat di ko maiwasang
Tumingin sa'yong liwanag
Nadarang na naman sa'yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan

Nakuha ng kantang pinapatugtog sa radyo ang atensyon ko. Nakakunot noo akong lumingon sa harap.

Nandyan ka na naman
Bat di ko maiwasang
Tumingin sa'yong liwanag
Nadarang na naman sa'yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan

Ano ba yan. Ang corny naman ng kanta.

"Manong pakilipat nga ng channel yung radyo." Utos ko. Mabilis naman na sinunod ni Manong ang sinabi ko. Napangiti ako ng marinig ang kanta ni Moira. These days gustong gusto ko talagang naririnig boses niya. Swak rin kasi ang message ng mga kanta niya sa nararamdaman ko. Payapa akong nakarating sa building. Binabati ako ng mga staffs na nadaraanan ko at todo ngiti naman ako sakanila. Habang mine-make up'an ako ay nilalaro ko ang daliri ko. Hindi ako mapakali. Ewan ko ba.

"Anong nangyayare sayo meme? Di ka mapakali dyan." Napansin na rin pala ni Macey ang pagiging balisa ko.

"Wala. Namiss ko lang yung madlang people." Pagdadahilan ko. Pumasok sila Ronnie at Zeus sa dressing room ko pero miski sila ay hindi ako na-distract.

Tumalon talon ako. I took a deep breath then I release it slowly to ease my tenseness. Inulit ko ito ng ilang beses hanggang sa medyo kumalma ako. Naging mainit naman ang pagbati sa akin ng madlang people pagkalabas ko sa side stage. Nagsitayuan sila at naghiyawan kaya napangiti ako. Kahit papano ay na-distract ako. Pagkatapos ng FUNnanghalian ay dumiretso kami sa dining area. Nagtatawanan kami nila Vhong at Anne habang nasa hallway. Pero napatigil ako ng madaanan namin ang dressing room ng mga dancers. Bumilis ang tibok ng puso ko. Agad siyang pumasok sa isip ko. Meron kaya siya?

"Huy anong ginagawa mo? Lika na." Tawag sa akin ni Vhong. Napatingin ako sakanila na nagtatakang nakatingin sa akin. Lumingon ako ulit sa nakasarang pinto. Mamaya na lang. Magkikita naman kami eh. Sumunod na ako kina Vhong. Nang magsimula ang Ms. Q and A ay mas na-excite ako. Hindi ko maintindihan kung bakit. Wala sa sarili na napatingin ako sa pwesto niya. Hindi ko siya maaninag dahil na rin sa ilaw na nakadirekta sa amin. Pero nasilayan ko ang isang babaeng nakaupo kaya napanatag ako at hindi na ulit lumingon.

"Oh sige. Tawagin na natin ang magbibigay ng tanong. Ate girl!" Tawag ko. Nakangiti akong lumingon sa pwesto niya. But my heart sank when the girl who's walking towards us is not Jaki. Napawi ang ngiti ko. Nasaan siya?

"Ay! Wala si Jaki." Sabi ni Anne. Hindi ko pinansin ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Nagpasalamat ako sa dancer at hinarap na ang contestant.

"Bakit kaya wala si Jaki?" Sige Anne ulit ulitin mo pa. Ayoko na ngang isipin tapos inuulit ulit naman niya. Kahit kailan talaga itong si Aning nakakapanggigil rin talaga. Iniwasan ko na maging topic siya hanggang sa matapos ang segment. Pero ng pauwi na ako ay hindi ko na napigilang isipin. Bakit nga kaya wala siya? Dalawang linggo ko din siyang hindi nakita kaya syempre namimiss ko na rin siya. Nasasanay na kasi ako sa banter namin basta Ms. Q and A na. I'm really stressed and exhausted with my hectic schedules and it would be really nice to have a glimpse of her smile. Napapagaan niya kasi ang pakiramdam ko kapag nag-uusap kami. Napabuntong hininga ako. Kung kailan malapit na ako aalis at mawawala ng isang buwan tsaka naman siya hindi papasok. One specific conversation I had with Direk the other day came to my mind.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now