Chapter Thirty One

617 22 1
                                    

Iiwasan ko siya. 'Yan ang nasa isip ko the whole weekend but now that it's Monday, parang ayoko ng pumasok. Gusto ko na lang magkulong sa bahay at hindi na lumabas. Pero I have a contract at hindi ko ito pwedeng pabayaan kung hindi makakasuhan ako at malaking gastos pa iyon. So ang naisip ko na lang na solusyon for now ay ang iwasan siya.

Siguro kaya ako nahulog kay Jaki dahil masyado akong nasasanay sa presensiya niya. These past months, we're always together at sobrang naging close kami sa isa't isa. I have many girl friends pero hindi ko sila madalas makasama katulad ng nangyayari sa amin ni Jaki. Dati gusto ko lang naman siya eh pero simula ng ipakita niya yung concern and care niya sa akin nung mga panahong wasak ang puso ko kay Law, I think that's when I started to fall for her. She sticked by my side kahit pinagpipilitan ko na gusto kong mapag-isa. She cheered me up and put my smile back on my face.

Tapos nandoon rin ako lagi para sakanya, gumagabay sa career niya. Ako ang tinatawagan niya kapag kinakabahan siya sa mga guestings niya. I feel comfortable with her. I always feel like I can be who I am whenever I am with her. She makes me feel safe and when I am with her, I never felt alone. Kaya siguro ako nahulog sakanya.

In my whole life, ang alam ko lang ay ang magmahal ng lalaki. Pero ngayong nahulog ako sa isang babae, hindi ko alam kung paano ito i-handle. Ibang iba ito kumpara sa mga minahal ko dati. Ibang iba si Jaki. This feeling scared me.

I was anxious the whole ride. Paano ko siya haharapin? Kahit na nagkasalubong kami kagabi iba pa rin ngayon. Ever since I arrived I felt on edge. Distracted ako at lutang. Hindi ko pa siya nakikita at mas gusto ko nga iyon eh. I don't know how I will react around her now that I learned that I am inlove with her.

Tapos absent pa si Vhong. Tado yun walang kakalma sa akin. Bakit pa kasi siya nag-absent. Ngayon pa na kailangan ko siya. Hindi ko naman masabi kina Anne dahil kay Vhong lang talaga ako nakakapag-open up tungkol sa usapang pag-ibig.

"Vice."

Nagpa-late na nga rin ako para maiwasan si Jaki sa hallway eh. Nakatingin ako sa phone ko pero hindi naman nandoon ang isip ko.

"Vice!" Napapitlag ako sa kinauupuan ko bago ako mag-angat ng tingin. I found Ate Pats frowning at me. Napaayos ako ng upo.

"Ano yun Ate Pats?" Tanong ko sakanya.

"Kanina pa kita tinatawag hindi mo ako naririnig. May problema ba?" Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Sorry Ate Pats. May iniisip lang." I told her. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago bumuntong hininga.

"Kung ano man 'yan huwag mo na munang isipin. Focus on your work. Dali na umayos ka na Ms. Q and A na."

My heart pound when I heard what Ate Pats said. Shit. Makikita ko na si Jaki. Bakit nga ba hindi ko naisip na magkikita kami sa Ms. Q and A? Hindi pa ako handa. Damn what will I do? I started making use of my acting skills and started to act.

"Ouch." Sabi ko at humawak sa tiyan ko.

"Hey what's wrong?" Nag-alala naman kaagad si Ate Pats ng makita ang ginawa ko. Lumapit siya sa akin.

"Masakit yung tiyan ko Ate Pats."

"Ha? Hala. Yung naopera ba sa'yo?" Nagpapanic na tanong niya.

"Teka. At tatawagan ko ang ate mo." Sabi niya at aalis na sana pero pinigilan ko siya sa braso.

"Hindi na Ate Pats. Kanina pa masakit ito at sinabi ko na rin kay ate. Binigyan niya na ako ng gamot at sinabihan niya ako na ganito ang epekto niya. Siguro kailangan ko lang ito ipahinga." Pag-iinarte ko habang ngumingiwi pa na parang may kumikirot.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon