Chapter Twenty Four

701 18 3
                                    

Ang confident nang pagkakasabi ni Jaki nang, "I'll drive" yun pala hindi siya marunong magmaneho. Ayaw naman ni Jaki na ako ang magdrive dahil nga nakainom ako kaya pinatawag ko si Manong Roger para siya na ang magdrive sa amin kung saan man ako balak dalhin ng singkit na kasama ko.

Napatingin ako sa labas. Nangunot ang noo ko. Nasa tapat kami ng mall. Seriously? Magmo-mall kami ni Jaki?

"Thank you Manong!" Jaki said cheerfully before sliding the door open. Pinigilan ko siya bago pa siya makalabas. Napalingon siya sa akin matapos niyang isara ulit ang pinto.

"Baliw ka ba? Dinala mo ako sa mall tapos ganyan suot mo?" Tanong ko sakanya.

Napatingin siya sa suot niya. Then she look at me, confused.

"Bakit, anong mali sa suot ko?"

"Gusto mo bang makilala ka ng mga tao at ma-issue? They'll take pictures and post it in the internet. Malamang madadamay rin ako kasi kasama mo ako." Sabi ko sakanya. Hindi pa rin pala niya alam ang mga kailangang i-consider sa pagiging artista. Siguro hindi pa talaga siya nakaka-adjust sa sitwasyon niya ngayon.

Sa tagal ko na sa showbiz ay alam na alam ko na ang takbo ng utak ng mga tao. Once na may makita silang artista na may kasamang iba, they'll immediately conclude na may relasyon sila. In our case, makakasama ito sa image ni Jaki kasi may boyfriend siya. Kahit naman loveteam kami, iba pa rin ang personal life. Tsaka kahit bakla ako may mga fans kami ni Jaki at paniguradong aasa sila kung sakali. Ayoko naman silang paasahin. Tsaka may ibang fans din ako dahil hindi lang naman si Jaki ang ka-loveteam ko. Baka pag simulan pa ng fanwars kung sakali. Just to make it short, ayoko ng issue.

I reach at the back of my van and pull out a white hoodie. Buti na lang may mga damit ako na naka-stock sa van ko. Inabot ko sakanya ang hoodie.

She took it without a protest. Sinuot niya ito at tumingin sa akin. She gave me a look saying, "okay na?"

Kumuha ako ng extra shades ko at binigay sakanya. Tinanggap niya ito at sinuot niya naman ito kaagad.

"Oh okay na 'to ah. Tara na." Sabi niya at nauna nang lumabas. Napailing na lang ako bago sumunod sakanya. Hinila niya na naman ako papasok sa mall. Sinuot ko ang shades ko habang nagpapahila kay Jaki kung saan niya gustong pumunta.

Paano ba ako napunta sa sitwasyon ko ngayon? Ugh.

I just wanna lay in my bed all day and sleep. Buti na lang din naligo ako kanina at pinainom ako ni Jaki ng gamot kasi ngayon medyo hindi na masakit ulo ko. Kung hindi ko lang gusto si Jaki hindi ko naman siya sasamahan sa trip niya eh. Yayain ba naman kasi ako sa mall. I groaned. Buti na lang din wala masyadong tao.

"Jaki. Slow down." Sabi ko sakanya kasi masyado siyang mabilis maglakad. Nahihilo ako.

Tumigil ako kaya napatigil rin siya. Tiningnan niya ako.

"Bakit mo ba kasi ako hinihila?" Tanong ko sakanya.

"Bakit ka rin nagpapahila?"

Oo nga no.

"Oh di sige uuwi na ako." I said and turn around. Nagsimula akong maglakad palayo sakanya.

"Sige umuwi ka na. Mag-isa na lang akong maglilibot sa mall." Narinig kong sabi niya na nakapagpatigil sa akin. Nilingon ko siya. Her arms are crossed over her chest and she's pouting. She's not looking at me. Gusto kong tumawa sa sobrang cute niya. Tiningnan niya ako. When she saw me still standing and staring at her, she lift her eyebrow at me.

"Oh akala ko ba aalis ka na? Go. Shoo." She gestured for me to go. Shoo? Ano ako manok? Tuwang tuwa naman ako habang pinapanood siyang mag-inarte. Para siyang bata. She turned around and walk away. Bakit ba kasi ang cute niya? Kung ibang babae siya at ganito ang inasta sa akin panigurado maaasar ako pero bakit pag si Jaki naaamuse pa ako? Tangina. No doubt gusto ko talaga siya kasi natotolerate ko pagka isip bata niya. I chuckle and shook my head. I stride towards her. Hinawakan ko ang kamay niya at ako na ang humila sakanya.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon