Chapter Fifteen

736 17 0
                                    

"Thank you Kapamilya!!! I love you all so much! Goodnight!!" I shouted and gestured a flying kiss over the crowd while waving my hands in the air.

Seeing the crowd is too overwhelming. I can feel the love and support from my fans and from everyone who came to watch my concert. Punong puno ang venue at lahat ay maingay. They're waving their banners at me while shouting I love yous. Inakbayan ko si Ronnie sa tabi ko at sabay kaming nag bow sa madlang people. Nag-exit kami at rinig ko naman kaagad ang saya ng team at staffs na nagprepara para sa concert ko. It was a successful first leg. Masaya ang lahat kaya napangiti ako habang pinapanood sila. Nagbihis ako at binitbit ang handbag ko. Mabilis kaming sumakay sa van at dumiretso sa hotel namin. Maingay sila sa loob ng van pero ako nakasandal lang sa upuan at pinapakinggan sila. I open my phone and focus my camera at them. In-upload ko ito sa ig story ko. Napapangiti na lang ako habang pinapanood silang magkulitan.

Pagkarating sa hotel ay binaba lang namin ang mga gamit namin sa sari sarili naming kwarto at bumaba rin kaagad para mag-dinner sa labas. Pumunta kami sa isang Italian Restaurant at um-order ng pagkain. Katabi ko si Ronnie sa left side ko at si Macey naman sa right side ko. May plus one kasi sa concert ko kaya sinama ko si Ronnie. Sinuggest siya ng manager ko dahil maraming fans si Ronnie at talagang magaling siyang performer. May naging concert na rin kasi siya dati kaya alam kong perfect siyang maging plus one sa concert ko. Hindi naman pwede si Anne dahil may papalapit din siyang concert tsaka ang dami niyang ganap these days. Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain. After kumain ay umuwi rin kami kaagad. Kailangan na kasi naming magpahinga dahil maaga ang magiging byahe namin kinabukasan. We have to be on our next destination tomorrow morning para hindi masira ang schedule namin.

Pagkadating ko sa kwarto ko ay nag-shower ako kaagad at nagpalit. Tumawag ako kay Nanay nang makapwesto na ako sa higaan ko.

"Nay! Kamusta?" I greeted cheerily over the phone.

"Okay naman anak. Ikaw kamusta ang first night ng concert mo?" Napangiti ako ng malawak ng maisip ang mga nangyari kanina.

"Maayos naman Nay. Successful!"

Kinuwento ko sakanya ang mga nangyari. Mula sa mainit na pag welcome ng madlang people sa akin hanggang sa matapos ang performance ko. Naalala ko ang mga hiyawan at ngiti ng mga fans kanina. Halata sa boses ko ang labis na kasiyahan habang nagkukwento kay Nanay. Nakikinig siya at paminsan minsan ay tumatawa sa mga kalokohan na ginawa ko kanina.

"Sayang nga lang wala ka kanina." Napasimangot ako at napabuntong hininga.

"It's okay. Nandyan naman na ako bukas. Mabuti naman at naging maayos ang concert mo anak. Magpahinga ka na dahil alam kong pagod ka." She stated. Bumalik ang ngiti ko ng marinig ang pag-aalala sa boses niya.

"Okay Nay. Ikaw din. I'll pick you up tomorrow noon, okay?"

"Yes nak. Goodnight Tutoy."

"Goodnight Nanay. I love you." Tugon ko bago ibaba ang tawag.

Napagkasunduan kasi namin na dadalawin niya ako at manonood siya ng concert ko. Dapat kanina ay kasama ko na siya pero nagkaproblema sa restaurant namin kaya kinailangan niyang i-cancel ang flight niya. Bukas ay didiretso siya sa next place ng concert ko at susunduin ko siya sa airport. Excited na ako na makita siya. It's been two months since I last saw her.

Naalala ko na maaga kami aalis bukas kaya kailangan magpahinga na ako. Umayos na ako ng higa at pumikit. Pero hindi ko makuha ang tulog ko. Mukhang gising na gising pa rin ang diwa ko dahil sa mga naganap kanina. Kinuha ko ang phone ko at sinalpak ang earphones sa tenga ko. I randomly play a song without looking at it. Napapikit ako at inantay na mag-play ang kanta. Wala akong marinig kaya nilakasan ko ang volume. Sakto namang intro ng first line ng kanta.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now