Chapter Sixteen

700 22 0
                                    

"Halika dito dali!" I gestured for the girl in a yellow off shoulder top to come up on stage.

Katatapos ko lang kantahin at sayawin ang isa sa mga kanta ni Ariana Grande kaya time for chika moment na. Tinanong ko ang madlang people kung sino ang gustong humingi ng advice mula sa akin and the girl caught my attention.

Nang mapagtanto niya na siya ang napili ko ay nagtitili siya. Kumilos siya agad at tumakbo paakyat sa stage. Natakot pa ako kasi mukha siyang madadapa dahil sa pagmamadali niya. Walang sabi sabi na yumapos siya sa akin nang makalapit siya. Napangiwi ako. Hindi naman kasi ako nakapag-prepare sa ginawa niya.

"Oh okay na girl. Huwag mo namang gawing horror itong concert ko."

Nagtawanan ang crowd. Ngiting ngiti na lumayo si girl sa akin.

"Sorry po nadala lang." Sabi niya sa akin.

"So anong pangalan mo?" Pagsisimula ko.

"Jessa po." Sagot niya sa mic ko.

"Anong pinagkakaabalahan mo ngayon Jessa?" I ask her.

"I'm a student po." She answered.

"At sino naman ang nag-udyok sa'yo na mag off shoulder ngayong gabi?"

Muling napuno nang tawanan ang arena. Natawa rin si Jessa. Itatapat ko na sana sa kanya ang mic nang may mapagatanto ako. Napatingin ako sa mga staffs sa gilid.

"Bigyan niyo kaya siya ng mic no? Para hindi kami nahihirapan maghiraman dito. Ano tipid tipid tayo sa mic?" I said sarcastically habang nakapamewang.

Habang inaantay na bigyan kami ng isa pang mic ay itinuloy ko ang pag-iinterview kay Jessa. Titig na titig siya sa akin kaya pinuna ko ito.

"Gandang ganda ka sa akin no? Kung makatitig ka dyan." I stated. Sakto namang inabot na ang isang mic sakanya.

"Ang gwapo niyo po kasi." Nakangiti niyang sagot. Nagreact naman ako agad.

"Ay nako huwag ganyan. Magkakaproblema tayo dyan. Pigilan niyo ako majojombag ko 'to." Pagbibiro ko.

Tumawa si Jessa kasabay ng madlang people.

"Huwag mo naman saktan yung bisita natin meme." Biglang singit nang baklang kasama ko na stand up comedian na nasa likod ko.

"I'm sure namali lang siya ng sinabi." Dugtong ni Honey.

"Maganda ka po. Sobrang ganda." Pagbawi ni Jessa kaya napangiti naman ako agad.

"Ganyan dapat." I told her. Sunod ay tinanong ko na siya kung ano ang gusto niyang hingan ng advice sa akin.

"May gusto po kasi akong lalaki."

"Jusko love na naman. Mag-aral ka muna hija." I said to her. The crowd laugh loudly. Natawa naman si Jessa sa sinabi ko.

"Oh ano tapos?" I said, waiting for her next words.

"Eh my girlfriend po kasi siya. Dapat po bang itigil ko na yung nararamdaman ko sa kanya Ate Vice?" She ask. I place my left arm across my stomach. Pinatong ko dito ang siko ko na may hawak na mic.

"Eh kung paghanga lang naman there's nothing wrong with that. Having crush is supposed to be fun. Enjoy'in mo lang muna basta ba alalay lang sa feelings. Kasi kapag nafall ka naku ikaw rin ang kawawa girl." Advice ko sakanya. Mukha namang natuwa siya sa sinabi ko dahil napangiti siya.

"Gwapo ba?" Curious na tanong ko. May itsura naman si Jessa so siguro naman may taste siya sa mga lalaki. Namula siya at hula ko naimagine niya yung mukha ng crush niya. Hala kilig na kilig. Landot!

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now