Chapter Ten

653 15 2
                                    

"Uy may fafa dun oh!"

"Ha?!" Sigaw ko kay Ken. Maingay ang paligid dahil nasa bar kami kaya hindi ko siya marinig. Kasama ko ang glam team ko/team vice. May lima pa kaming kasama pero kami lang ni Ken ang naiwan. Nagsisisayawan kasi yung iba sa dancefloor. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at sumigaw.

"Sabi ko may fafa dun oh!" Lumayo siya at tumuro kung saan. Sinundan ko ang itinuturo niya. My eyes landed on a guy. Foreigner ito base sa features ng mukha niya. Ang gwapo shet. Napakagat labi ako. Matagal tagal na rin akong walang kaharutan. Namiss ko tuloy bigla.

Napatili si Ken ng mapatingin yung lalake sa pwesto namin. Nasa may bar siya mag-isa. Now why would a guy who look like that would be alone. He smirk when he saw us staring at him. Itinaas niya ang basong hawak niya habang nakatingin sa amin. It's time to make landi na. I tuck my hair behind my ears and lifted my own glass.

"Ay ang arte!" Pagrereact ni Ken sa tabi ko.

I crossed my legs and sip on my glass. Kahit hindi ako nakatingin ay alam kong nakatingin siya sa akin. Maya maya pa ay may baritonong boses na ang nagsalita.

"Hi."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Yung lalaking nasa bar. Shet mas yummy siya sa malapitan. Napangiti ako sa isip ko. They can't just resist my charm. I giggle at the thought. Nakangiti siya sa amin ni Ken. Ang gwapo talaga shet. Okay okay kalma Vice. Huwag mo naman masyadong ipahalata na type mo siya. Pero I doubt it. Sa titig pa lang namin ni Ken para na namin siyang hinuhubaran eh.

"Hi!" Sabay na sabi namin ni Ken. He offered his hand at us.

"I'm Ivan. And what's the name of these beautiful ladies?"

"I'm Ken." Nagkamayan sila. Sunod akong tiningan ni Ivan.

"My name's Vice." Inabot ko ang kamay ko sakanya. Shocks ang lambot ng kamay.

"I should've lied about my name." Sabi niya bigla na kinalito naman namin.

"Huh?"

"I should have said my name is President so that we're match Vice." He flashed his killer smile. Wow. Smooth. Napangiti na lang ako. Si Ken naman humahagikgik sa tabi ko. Baklang to mas kinilig pa sa akin.

"Can I invite you to dance with me?" Nakatingin siya sa akin so malamang ako ang iniimbita niya.

"Meme huwag ka nang pakipot. Kundi susunggaban ko yan!" Bulong ni Ken sa akin. Aba subukan niya! Walang sulutan ng boylet uy! Kahit siya ang unang nakakita, ako pa rin ang type ni Ivan kaya wala na siyang magagawa. That's our rule.

Hindi na ako nagpakipot katulad ng sinabi ni Ken. Syempre gwapo na 'to tatanggi pa ba ako?

Pumunta kami sa gitna at sumabay sa beat ng tugtog. Ang daming tao kaya medyo siksikan. I was enjoying Ivan's company when my eyes suddenly caught a very familiar figure. Napatigil ako kaagad sa pagsasayaw. Nawala ang ngiti ko. Sa hindi kalayuan ay nagsasayaw siya with his girlfriend. Sumikip ang dibdib ko.

"What's the matter?" Tanong ni Ivan pero hindi ko siya pinansin. Nawala ako sa mood kaya bumalik na ako sa table namin. Narinig ko pang kinausap ako ni Ivan pero hindi ko na siya nilingon. Dinampot ko ang baso ng alak at ininom ito ng diretso. Napangiwi ako sa pait. Umupo ako sa dati kong pwesto.

"Huy. Anyare?" Concerned na tanong ni Ken.

Tumingin ako kung saan ko sila nakita kanina. Kaaalis lang nila sa dancefloor and I saw him making his way towards the restroom. I didn't think twice and stood to follow him. Ken called after me but I continue striding towards where he went.

Naabutan ko siya ng saktong kapapasok niya pa lang sa restroom. Hinawakan ko siya sa braso. Nilingon niya ako. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.

"Vice?!" Gulat na sambit niya. Tumingin siya sa likuran ko bago ako hilain papasok. He closed the door and locked it.

"What are you doing here?"

"The last time I checked, this is a public place and anyone who can pay can enter here."

Napabuntong hininga siya sa pilosopo kong sagot. What? I'm right, right?

"Seryoso ako."

"Seryoso din ako." Nakipagsukatan ako ng tingin sakanya. Then I sigh. Katulad ng palaging nangyayari, nanlalambot ako kapag kaharap ko na siya.

"I missed you. Can we talk?"

Napabuntong hininga ulit siya.

"You know we can't Vice. I'm with my girlfriend. Masaya kami. Huwag mo na kaming guluhin pa."

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. I scoffed. Is he being serious? Wow. I can't believe this guy.

"Wow. Sinabi ko lang naman na gusto kong makipag-usap tapos ang iniisip mo manggugulo ako kaagad?"

"Ano pa ba ang ibang gagawin mo? Do you expect me to think that you just want to talk as a friend? Stop it, Vice. I loved you and I don't want to see you this pathetic. Quit forcing yourself to me."

He's right but I just can't take those words coming from him. It's true that I'm forcing myself to him. Pero anong magagawa ko? Ako ba ang nang-iwan? Ako ba ang nanakit? Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin yung mga yun. Ginusto ko ba 'to? Putangina sino ba ang may gustong magmahal pagkatapos iiwan?! Kung pwede ko lang turuan ang puso ko na huwag na siyang mahalin ginawa ko na. Pero wala eh. Siya pa rin ang pinipili ng puso ko na mahalin. Tangina!

"Well putangina! Sorry ha if you find me pathetic. I'm sorry if I keep hoping that you'll stay true to your words that you'll never leave me. I'm sorry if I love you. Tinuruan mo akong mahalin ka pero hindi mo ako tinuruan kung paano kapag wala ka na. Kaya huwag mo sana akong sisihin kung ganito ako ngayon, patuloy na umaasa sayong gago ka!"

Naramdaman kong tutulo na ang luha ko kaya tumalikod na ako. Pero bago ako makalayo ay hinarap ko siya ulit. I slap him.

"That's for breaking my heart. Kulang pa yan. Maniningil ako Law mag-antay ka." I promised him before leaving him behind.

As I walk away from him, I realize some things. I have choices. Bakit ko pipiliin na maging miserable? Oo mahal ko siya. Oo iniwan niya ako. Pero kailangan bang habang buhay na lang akong aasa na babalik siya? Binigyan ko na nga siya ng permiso sa pagwasak ng puso ko tapos hanggang dito ba naman hahayaan ko siyang kontrolin ako? Huwag Vice.

Na-realize ko sobrang pathetic ko na pala talaga. You're so much smarter than this Vice. Marami ka nang pinagdaanan, sa lalaki ka pa talaga papalya? Nope. Tama na. Tama siya. I should stop.

Maybe I should thank him for his words awhile ago. He motivated me to move forward. Akalain mo yun may kwenta pala mga sinasabi niya. Hindi man niya natupad ang pangako niya na hindi niya ako iiwan sisiguraduhin ko naman na matutupad ko ang akin. Maniningil ako.
Hindi ng pera kundi sa ibang paraan ako maniningil kapalit ng lahat ng mga pananakit niya sa akin. Antayin niya lang.

I held my head high as I leave the toxic behind.

(A/N: Sorry for the lousy update. Ang sabaw ng utak ko these days huhu)

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now