Chapter Twenty Five

752 22 0
                                    

"I'm sorry."

Hindi ko na kailangan lingunin ang boses para malaman kung sino ang nagsalita. Hindi ko siya tiningnan. Nanatili akong nakasandal sa hood ng van habang nakahalukipkip at nakatingin sa mga taong dumadaan. Kaunti na lang ang mga tao. Kaninang nag walk out ako ay dumiretso ako palabas ng mall. Pinapark ko si Manong sa labas para pagdating ni Jaki ay aalis na kami. Kinalma ko rin ang sarili ko pero hindi ko pa rin mapigilan mainis.

"Uy sorry na." Narinig kong sabi niya ulit. I look at her.

"Tapos ka na ba maging 'friendly'?" I ask her coldly. Hindi niya ako sinagot.

"Kung oo, tara na." Sabi ko at tumalikod na. I started to walk but stop abruptly when I felt a pair of arms encircled around my waist. I stiffened.

"Sorry." She mumbled.

"I was supposed to be a friend and help you have a good time. Dinala kita dito para kahit papano pagaanin ang loob mo pero mas pinalala ko pa ata ang pakiramdam mo. Sorry na." She whispered softly. My heart soften. Dahan dahan akong umikot paharap sakanya. Her hug loosened but her hands remained on my waist. Tumingala siya sa akin. She's pouting. I sigh. How can I resist her if she's being charming like this?

"Do you think I'll forgive you with that pout?" I ask her. She nod her head and pout more. I chuckle. Then I took a deep breath and exhale it.

"I'm the one who should be sorry. Ako nga itong nagsabi na nakikipaglandian ka eh. I guess I'm just really tired so I'm easily annoyed. I'm sorry." I said, sincerely.

Mabilis na iniling niya ang ulo niya.

"No. You're right. He's flirting with me. Hindi ko lang na-realize nung una. Akala ko he was just really curious and being friendly pero nung umalis ka he became kinda aggresive." My forehead knitted.

"Did he hurt you?" Mabilis na tanong ko. Because if he did, I'm gonna hunt him down and resume what I'm planning to do with him awhile ago. Jaki shook her head.

"No. Hindi naman. Dumating lang kasi siya sa point na tinatanong na niya yung number ko at kung saan ako nakatira para mabisita niya daw ako at matuloy namin yung plano namin sa Boracay. Eh siya lang naman yung nagplano nun. Buti na lang natakasan ko siya. You're right gunggong nga siya."

I chuckle. Tapos ginulo ko ang buhok niya. Sumeryoso ako at tumitig sakanya.

"But seriously Jaki, thank you. I enjoyed this day. Well except the Hans part. Pero all in all I'm thankful na pinilit mo akong lumabas. Gumaan ang pakiramdam ko." I gave her a genuine happy smile.

I really had a good time with her. I'm glad pinilit niya ako lumabas kesa magmukmok ako sa bahay. Her lips curve in a smile.

"Well I'm glad I succeeded with my purpose. I hope I kinda made you happy."

"You did. You make me happy."

Just simply with your presence.

"Mabuti naman. I thought I suck being a friend. Kasi kapag may problema sila ate Mandy I usually don't know how to comfort them."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"You handled my situation pretty well. You don't suck at all." I laugh. Napangiti naman siya sa sagot ko. My right brow lifted when I realized something.

"Jaki may napapansin ako."

Her forehead knitted.

"Ano yun?"

"Nawiwili ka nang yakapin ako ah. Simpleng tsansing ka rin eh." I said with a teasing voice. Mabilis niya namang inalis ang kamay niya sa bewang ko at umatras.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Место, где живут истории. Откройте их для себя