Chapter Two

1.2K 35 0
                                    

"Ikaw sis ha late ka na naman," sita ni Anne sa akin nang marating namin ang longue area. Katatapos lang ng cash-ya kaya magpapahinga muna kami.

"Kailan ba hindi?" Dagdag ni Vhong. Hinampas ko siya sa braso.

"Aray!" Reklamo niya ng nakangiwi.

"Tama lang yan sayo. Dimunyu ka!" Pang-aasar ko pabalik.

"Kung ako dimunyu ano ka pa kaya?"

Hahambalusin ko na sana siya ulit pero mabilis siyang lumayo sa akin.

"Tyang oh si Vice!" Pagsusumbong niya. Sakto namang kapapasok ni Tyang. Napatingin siya kaagad kay Vhong tapos sa akin.

"Kayo talagang dalawa nag-aasaran na naman," natatawang banggit ni Tyang. Inirapan ko na lang si Vhong nang belatan niya ako.

"Tyang si Billy at K?" Tanong ni Anne.

"Pumunta sila kay direk. Manghihingi ata ng vacation."

Aba at sabay pa talaga silang magbabakasyon ah. Ang hirap na naman mag-adjust lalo na kapag kulang kaming hosts.

Naiintindihan ko naman si Billy kasi kailangan na niyang mag prepare para sa kasal nila ni Coleen. Si Jhong nasa dressing room niya siguro. Si Jugs at Teddy nasa labas. May mga spills pa yung dalawa. Every day naman basta after ng FUNnanghalian eh. Si Ryan ayun absent na naman. May bagong movie eh. Proud ako sa anak kong iyon. Kaya kami lang nila Aning, Tyang Amy at Vhong ang nasa longue area.

Umupo kami ni Anne sa sofa. Si Vhong umupo sa kabila para safe mula sa hampas ko. Biglang tumunog ang phone ni Tyang kaya nag-excuse muna siya at lumabas.

"So bakit nga late ka?" Pang-iintriga ni Aning. Hindi ko namalayan na napatunganga na pala ako sa kawalan.

"Ha?" Tiningnan ko si Anne. Nakataas ang isang kilay niya sa akin.

"Lutang ka girl. Anong meron?"

Pilit kong iniwasan isipin ang breakdown moment ko kanina. Tumawa ako.

"Wala. Ang waley kasi ng make up ko kanina so I had to do it myself. You know."

Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi siya kumbinsido sa sagot ko.

"Alam mo namang ayoko ng basta basta na lang make up ko." Dagdag ko para hindi na siya tumitig pa sa akin. Kumibit balikat na lang siya at tinutukan ang phone niya. Biglang pumasok si Carl kaya napatingin ako sakanya.

"May Ms. Q and A ngayon. Be ready Vice and Anne. 15 minutes commercial break." Bilin niya sa amin. Narinig kong humagikgik si Vhong na nasa tapat ko. Nakita ko kung paano siya magpigil tumawa. Palibhasa na makakapagpahinga na naman siya nang halos isang oras. Sinamaan ko siya ng tingin. Napansin kong wala na si Carl sa pintuan.

"Sis tara kain na. Habang break pa," tawag ko kay Anne. Tumango naman siya.

"Ako hindi niyo tatawagin?" Sabat ni Vhong. Ngumiti ako ng matamis sakanya.

"Vhong gusto mo kumain?" Tumayo siya ng may malawak na ngiti.

"Oo naman. Tara!" Bago pa siya makalakad ay inapakan ko na ang paa niya. Mahina lang iyon. Sapat para masaktan siya pero hindi naman mapipilay. Umaray siya ng pagkalakas lakas. Tumawa ako. Narinig kong tumawa rin si Anne sa tabi ko.

"Grabe ka sis!" Sabi ni Aning.

"Tara na sis. Hayaan mo yan." Sabay kaming naglakad ni Anne paalis. Nakakawit braso namin sa isa't isa habang naglalakad. Kulang pa yun sa pambubully ni Vhong sa akin. Dadagdagan ko pa yun mamaya kapag Tawag ng Tanggalan na.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon