Chapter Thirty Five

644 25 2
                                    

"Teka nga lang kasi!" Pabulong na sigaw ko kay Vhong. Oo si Vhong na naman kasama ko. Kupal din talaga gusto sa lahat ng eksena meron siya. Pinapamadali niya kasi ako sa paglagay ng bulaklak sa dressing room ng mga showtime dancers.

Yes. It's for Jaki. Idea ni Vhong na mag make move na ako kay Jaki. It's my way of showing my love daw kay Jaki. Gusto niya nung una umamin na ako pero tumanggi ako. Gosh hindi ko kayang umamin. Baka himatayin ako sa harap ni Jaki habang nagco-confess ng feelings ko sakanya. Natatakot rin kasi ako. Paano kung hindi niya ako gusto diba? Mapahiya pa ako tsaka she's the first girl I ever love so I can't take a rejection from her. Parang worst than break up ata kapag binusted ako ni Jaki eh.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit kami pang dalawa ni Vhong ang maglalagay ng flowers eh pwede namang mag-utos na lang ako. I'm Vice Ganda and in some circumstances like now, I don't do things myself. Pero ayaw ni Vhong. Baka daw mabuko kami agad agad. Eh mas mukhang mabubuko nga kami sa ginagawa namin eh. Ewan ko ba kay Vhong. Magpapaka-admirer muna ang peg ko ngayon.

"Diyan na diyan na." He said urgently and look on his left side then to the right. Siya kasi ang lookout habang pinupwesto ko yung bulaklak. Kung ano ano kasing pakulo ni Vhong but for some reason, naeexcite ako sa ginagawa namin. I wonder what will be Jaki's reaction once she saw the flowers. Matutuwa kaya siya? First time kong magbigay ng bulaklak sa babae. Well, except for Nanay of course. Unang beses kong nagbigay ng bulaklak sa babaeng gusto ko.

Matapos kong ilagay ang bulaklak ay lumabas na ako. Sinara ko ang pinto at nagsimula na kaming umalis ni Vhong. Nag-uusap pa rin kami sa ginawa namin kaya hindi namin napansin na may tao sa harapan namin. Pareho kaming napatigil ng makita namin ang nasa harapan namin. Namutla ako. Si Chloe, isa sa mga dancer. She's frowning at us and she looks confuse. Patay! Nahuli niya kaya kami?

"Ate Vice, Kuya Vhong. Anong ginagawa niyo sa dressing room namin?" Nagtataka niyang tanong. Napalunok ako. Hindi naman mapakali si Vhong sa tabi ko.

"Ah eh.." Pagsisimula ni Vhong.

Nakatingin lang si Chloe sa amin at inaantay ang sagot namin. Pareho naman kaming natameme ni Vhong at hindi alam ang isasagot. Mas lumalalim ang kunot ng noo ni Chloe habang patagal ng patagal kaming walang imik ni Vhong. Mabilis kong pinagana ang utak ko. Then I said the first thing that came to my mind.

"Gusto ka ni Vhong." I blurted out.

Vhong turned his head abruptly. Nanlalaki ang mga mata niya sa akin. Kahit si Chloe ay gulat na gulat sa sinabi ko.

"H-Hoy hin—"

Sinikuhan ko si Vhong bago pa siya makatanggi. Napalitan ng pamumula ng pisngi ang naguguluhan na ekspresyon ni Chloe kanina.

"G-Gusto m-mo ako K-Kuya Vhong?" Namumula na tanong ni Chloe kay Vhong.

"Oo gusto ka niya. Huwag mong ipagsasabi ah." Mabilis na sabi ko bago pa man din makapagsalita si Vhong. Pulang pula ang mukha ni Chloe. Ewan ko kung nahihiya siya o kinikilig. I continue backing up my lie.

"Actually kaya kami galing sa dressing room niyo kasi nilagay namin yung flowers na ibibigay ni Vhong para sayo."

This time si Vhong na ang sumiko sa akin. Tiningnan ko siya. His eyes are wide like saucers. Nginitian ko siya tapos inakbayan.

"Pagpasensiyahan mo na itong kaibigan ko. Natotorpe kasi eh." Sabi ko kay Chloe.

"Sumakay ka na lang." Bulong ko kay Vhong sa boses na kami lang ang nakakarinig habang nakangiti pa rin kay Chloe. Tiningnan ko si Vhong. Sinamaan niya ako ng tingin before I saw him took a deep breath. Unti unti siyang lumingon kay Chloe.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now