Chapter Thirty Four

620 25 0
                                    

"Break na sila?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Vhong sa akin ng ikwento ko sakanya ang tungkol kay Jaki at Tom. Tumingin ako sa mga kasamahan namin kung may napatingin pero mabuti na lang busy rin sila sa sarili nilang phone. Tiningnan ko si Vhong at sinamaan ng tingin.

"Kailangan isigaw?" Inis na sabi ko sakanya.

"Hehe sorry. Nadala lang." He said at nag peace sign pa.

"Oo nga. Sinabi ni Jaki sa akin kagabi."

Nanlaki ang mata ni Vhong sa sinabi ko.

"Magkasama kayo kagabi?!"

Binatukan ko siya. Nagreklamo naman siya kaagad.

"Sige isigaw mo pa para malaman ng lahat."

Hinimas niya ang ulo niya kung saan ko siya binatukan.

"Eh nakakagulat naman kasi eh. Parang last week ayaw mong makita si Jaki tapos malalaman ko kagabi magkasama kayo." Sabi niya.

"Long story."

"So break na talaga sila?" Buti naman mahinahon na ng konti yung pagkakatanong ni Vhong. Tumango ako. Unti unting lumabas ang ngisi sa labi niya.

"So wala ng hadlang? Nice. It's your time to shine brad."

"I'm still not sure about this Vhong. Natatakot pa rin akong subukan. What if it didn't work?"

"What if it work?" Balik tanong niya.

"What if she didn't like me back?"

"Then we'll make her fall. I'll help you." He blurted out. Tiningnan ko siya.

"Gusto mo talagang subukan ko, huh?"

"Yes Vice. Wala akong ibang hiling para sayo kundi ang maging masaya ka. And Jaki makes you happy. Iba ang ngiti mo kapag kasama mo si Jaki."

My heart warms with what he said. Support na support talaga siya sa akin. Swerte ko dahil may kaibigan akong katulad niya. I sigh. Nakakatakot subukan pero tama siya. Paano ko malalaman kung hindi ako susugal? Paano kung si Jaki na pala talaga yung taong makakapagbigay ng saya sa akin na hindi nagawang ibigay ng iba? I have to take risks. For my happiness. Kahit maaari akong masaktan sa huli.

Someone knocks on the door pero hindi ko ito pinansin. Tumayo si Macey at binuksan ang pintuan ng dressing room ko.

"Oh Jaki." Narinig kong sabi ni Macey. Automatic na napatayo ako at napalingon sa pinto ng marinig ko ang pangalan. I found Jaki standing outside my dressing room. Nakita kong suot niya pa rin ang damit na gamit nila kanina sa opening prod nila. Maaga talaga akong pumasok para mapanood siya.

"Si Vice Ate Mace?" Tanong ni Jaki.

"Ayun oh. Meme daw andito girlfriend mo oh." Nginuso ako ni Macey. Tawag ko kasi minsan kay Jaki ay girlfriend kaya nasanay na rin sila Macey na tawagin siyang ganun.

Tiningnan ako ni Jaki at nginitian.

"Tara na?" She ask softly. Sabay sabay na napatingin sa akin ang mga kasama ko sa dressing room. Pinagpawisan ako bigla sa mga klase ng tingin nila. Ang mga tingin nila ay nang-iintriga at nagtatanong.

"A-Ah! P-Pinapatawag na ako ni d-direk? Sige punta na ako." Pagpapalusot ko para hindi mag isip ng kung ano ang mga kasama ko. Hinablot ko ang purse at phone ko sa vanity table at dali daling tinungo ang kinatatayuan ni Jaki. Naramdaman ko pang tinapik ni Vhong ang balikat ko. Nagtataka akong tiningnan ni Jaki. Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita at hinila na siya palayo. Mabuti na lang din at hindi na siya nagtanong about dun.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now