Chapter Twelve

754 20 0
                                    

After ng Ms. Q and A ay bumalik kami ni Aning sa lounge area. Inaasar niya ako tungkol kay Jaki habang naglalakad kami sa hallway. Muntik na daw kasi siyang maniwala sa actingan namin. Ayoko sanang pag-usapan dahil ayokong isipin ang mga nangyari kanina at ang mga naramdaman ko pero hindi ko naman mapigil si Anne kakadada. Akala ko matitigil na ang pang-aasar sakin pero mas lumala pa pala pagbalik namin sa mga kasama namin.

"Aray! Parang ang sama bigla ng pakiramdam ko!"

Napatigil ako sa bungad ng lounge area dahil sa biglaang pag-iinarte ni Vhong. Humawak pa siya sa ulo niya para dagdag effect.

"Hala. Okay ka lang ba?" Nagsalubong ang kilay ko ng pati si Jhong ay sumali sa actingan. Nagboses babae pa siya. Ano naman bang trip ng dalawang unggoy na 'to?

"Hindi eh. Pero ang rinig ko para gumaling daw ako dapat yakapin ako."

Nawala ang kunot ng noo ko. Na-gets ko na kung anong inaarte nila. Yun yung eksena namin ni Jaki kanina at yun yung linya ko. Punyeta ang kupal talaga netong dalawa na 'to kahit kailan.

"Sige hug kita!" Maarteng sabi ni Jhong bago yakapin si Vhong. Lumapit ako sakanila at binatukan silang dalawa.

"Aray!" Sabay na sigaw nila.

"Nakakatawa yan? Ha? Nakakatawa?"

"Bakit? Anong masama sa ginagawa namin? Nag-uusap lang naman kami ah!" Pagdedepensa ni Vhong. Painosente pa bwisit talaga 'tong pango na 'to.

"Bawal na ba magyakapan ngayon?" Dagdag pa ni Jhong. Inirapan ko silang dalawa bago ako umupo sa couch.

"Hay nako. Tigilan niyo nga si Vice." Natatawang sabi ni Tyang.

"Kailan pa nakinig yang dalawang yan sayo Tyang?" Sabi ni Anne at tumabi sa akin.

"Kayong dalawa namangha lang siguro kayo kasi mas lalake pa si Vice kesa sainyo." Komento ni Karylle.

Humagalpak ng tawa yung dalawa.

"So lalake ka na ba talaga Vice? Iba din ang actingan niyo ni Jaki kanina ah! Halos maniwala na kaming lahat dito habang nanonood sainyo!" Sabi ni Jhong.

"Kinilig tumbong ko habang pinapanood kayo kanina."

Kahit kailan talaga napaka-balahura ni Vhong.

"What's tumbong?" Maarteng singit ni Anne.

"Puso yun Anne." Mabilis na sagot ni Vhong.

"Huwag kang maniwala dyan. Ass hole ibig sabihin nun."

Umasim ang mukha ni Anne.

"Yuck Vhong!"

"Pero sa totoo lang nakakakilig talaga kayo ni Jaki anak. Mukhang tuwang tuwa rin ang audience habang pinapanood kayo kanina. Talagang nagcli-click ang tambalan niyo." Nakangiting sabi ni Tyang Amy.

"Yun naman po talaga ang purpose namin. Ang pakiligin ang mga manonood." I said to her.

"Pero baka kakapakilig mo sa madla hindi mo mamalayan kinikilig ka na rin pala." Sabi bigla ni Jugs na kanina pa tahimik. Sabagay ang usapan kasi ay tungkol samin ni Jaki eh president yan ng vicerylle kaya siguro wala siyang masabi kanina.

"Hindi ah! Isipin ko pa lang na kinikilig ako sa babae kinikilabutan na ako!" Mabilis na depensa ko.

"Sus! Huwag kang magsalita ng tapos. Baka bukas makalawa na-fall ka na pala kay Jaki."

"Haven't you heard? Bakla ako diba? So hindi mangyayari yun. Kilabutan ka nga." Inirapan ko si Vhong.

"Walang pinipili ang love brad. Kung tinamaan ka, tinamaan ka. Kahit bakla ka pa."

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now