Chapter Seven

895 19 0
                                    

Nagmulat ako ng mata at unang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Hindi ko ito kwarto pero alam na alam ko kung nasaan ako dahil suki na rin ako sa lugar na ito. Nagsalubong ang kilay ko. Ano bang nangyari? Ang naalala ko lang pauwi na dapat ako tapos yun lang.

"Hay buti naman gising ka na." Napatingin ako sa kung saan nanggaling ang boses. Tumayo si Macey mula sa sofa.

"Pinag-alala mo na naman kami meme. Kamusta pakiramdam mo?" Lumapit siya at tumigil sa tabi ng hinihigaan ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Ayos naman ako. Kaya lang ang dry ng throat ko.

"T-tubig," Garalgal ang boses na sabi ko. Lumingon siya sa likuran niya.

"Ate Clara pahingi naman ako ng tubig," Utos niya. Dahan dahan akong umupo. Inabot niya sa akin ang baso na may tubig. Ininom ko ito. Binalik ko sakanya ang baso at tiningnan siya.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Ano pa ba eh di nahimatay ka na naman dahil sa sobrang stress at pagod." Kuwento niya.

Inalala ko ang mga nangyari. Sunod sunod ang shooting ko kagabi kaya umabot na kami ng madaling araw. Pauwi na dapat kami pero nang papasok na sana ako sa sasakyan ay natumba ako then everything went black. Napabuntong hininga ako. Nung isang buwan nangyari na naman sa akin ito.

"Anong sabi ng doktor?"

"Huwag ka daw masyadong magpapagod dahil nakakasama ito sa health mo."

Wala namang bago. Ganun pa rin ang payo ng doktor ko sa akin. Pero hindi ko rin naman nasusunod. Kung artista ka, mahirap i-maintain ang healthy habit. Halos wala nang pahinga. In my case, Monday to Saturday may Showtime. Kung may bagong endorsements maisisingit siya sa sched ko. May taping rin ng Ggv. Tapos minsan shooting rin for new movie. Oh diba wala na talagang pahinga. Pero kahit ganun nagpapasalamat pa rin ako dahil sa mga blessings at opportunities na dumarating sa akin. Bibihira lang ang mga taong katulad ko na nabibiyayaan ng ganito.

Sa tagal ko nang nasa showbiz ay sanay na ako sa mga puyatan at hectic na schedules. Tsaka before pa naman ako naging artista pang gabi na talaga ang buhay ko. Nagsimula ako sa comedy bars so noon pa man nocturnal na talaga ako.

Kapag nabigyan naman ako ng pahinga, kahit gusto ko man matulog hindi ko rin naman magawa. Nasanay na talaga ang katawan ko na gising sa gabi kaya madalas lumalabas na lang ako with my friends at nagba-bar. Swerte ko na lang talaga kapag nakapagpahinga ako ng isang araw.

Lagi kong nakakasama si Macey sa mga shoots at sa showtime so alam niya ang mga pinagdaanan ko at ang mga ganap ko sa buhay. Kung artista ka hindi pwede yung pa chill chill lang. Lahat pinagpapaguran. Lahat pinagpupuyatan. Kaya mahirap talagang maging healthy.

"Kailan daw ako makakalabas?"

"Bukas daw."

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Okay naman na ako. Gusto ko nang lumabas. I don't like being in the hospital. Ayoko kasi yung nakahilata lang ako. I don't wanna feel weak and sick kaya hangga't maaari gusto ko makalabas ako kaagad kapag ganitong mga pagkakataon na naoospital ako.

"Nasaan ang phone ko?" Tanong ko. Panigurado maraming texts ang mga kaibigan ko. Pero isa lang naman ang gusto kong i-check. Binigay sa akin ni Clara ang phone ko.

I unlock it immediately and check my notifications. Tama nga ako. Ang daming nagtext sa akin. Hindi ko pinansin ang iba. Hinanap ko ang pangalan niya sa mga nag-text. Kumirot ang puso ko nang makitang wala ang pangalan niya sa mga may pake sa akin. Bakit pa ba kasi ako nag-expect? Nagawa niya nga akong sukuan eh so bakit naman siya magkakaroon ng pake sa akin ngayon?

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now