Chapter Thirty Three

711 24 2
                                    

It was Sunday and I just stayed home for the whole day. I talked to Nanay through skype for an hour. After that I cooked dinner and ate alone. Well, not really alone because Chip In's beside me the whole time. Pagkatapos kumain at mailigpit ang pinagkainan ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko sa taas. Umuwi yung dalawa kong katulong sa probinsiya nila kaya naiwan akong mag-isa sa bahay.

Nagshower ako and then nagpalit ng pantulog. I switched on the television before slumping my ass on my bed. My phone which is place on my side table caught my attention. Oo nga pala naiwan ko ito. I forgot about it. Baka pala I missed some important calls or emails na.

I quickly snatched my phone from the bedside table and unlock it. There were dozen of missed calls and I was shocked to see who it was from. Bakit ako tinawagan ni Jaki? I was about to ignore it but a text from her stop me. Two hours ago pa yung mga tawag niya. The message was sent right after the calls. Tiningnan ko ang oras ngayon. 11:45 pm. Binuksan ko ang text niya.

Where are you? I need you Vice.

It felt like something dropped inside me. I felt my heart beat quickening. Walang pag-aalinlangan na bumangon ako mula sa kama. Hindi ko na inintindi na naka-pajama at sando lang ako na lumabas ng bahay. I put my slippers on and went to my car. I maneuvered the car out of the garage. I can sense that her text is an emergency. I grip the steering wheel, hard.

I tried to calm myself. I use my other hand to hold the steering wheel while my other hand is busy tapping on my phone to call her.

The subcribers cannot be reach. Please try again later...

Her phone is off. Fuck. Sinubukan ko ulit pero ang operator pa rin ang narinig ko. Nakailang ulit pa ako bago ko tigilan. Saan ko siya hahanapin ngayon? Nagsimulang mabuhay ang takot sa dibdib ko. Paano kung may nangyari sakanya? Shit bakit ba kasi iniwan ko pa yung phone ko sa taas. Eh di sana hindi ko na namiss yung tawag niya.

Jaki nasaan ka ba?

Una ko siyang pinuntahan sa condo niya. Walang sumasagot sa pinto kaya naisip ko na baka wala siya doon. I was so tempted to go to their house in Antipolo pero naisip ko na kung nandun siya bakit pa niya ako kailangan? So isang tao lang ang naisip ko na pwedeng may alam kung nasaan siya.

I stopped the car and scroll through my contacts. I stopped scrolling when I reached his name. Tinitigan ko ito ng matagal. Should I call him? Kung alam niya kung nasaan si Jaki, shouldn't he be the one to help her kung sakali mang may kailangan si Jaki?

Hindi ko na itinuloy na tawagan siya. I stared in front of me. Kanina pa tumawag si Jaki. Surely, nung hindi naman ako sumagot eh tumawag na siya sa iba diba? O kaya bakit sa akin siya tumawag at nagtext? Bakit hindi sa boyfriend niya? Baka nga ngayon habang nag-aalala ako, magkasama pala sila ni Tom at masaya. Ano bang ginagawa ko? Napailing ako sa sarili ko. Nagmumukha na naman akong tanga.

I started the car pero bago ko pa ito mapasibad ay tumunog ang phone ko. Nilingon ko ito. Si Mandy ang tumatawag. Nagtataka man ay sinagot ko ito agad.

"Mandy." Bati ko ng sagutin ko ang tawag.

"Ate Vice! Sorry sa istorbo pero magtatanong lang sana ako kung magkasama kayo ni Jaki?" Lumalim ang kunot ng noo ko dahil sa tanong niya. Bakit niya naman hinahanap si Jaki sa akin?

"Hindi. Bakit?"

"Totoo?"

"Oo nga."

"Hala. Nasaan den siya?"

Bumalik ang kaba sa dibdib ko. So nawawala si Jaki?

"Bakit? Is she missing?" Tanong ko at rinig na rinig ang panic sa boses ko.

Taking Risks (Book 1) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon