Chapter 1 - Denial Queen

13.4K 235 7
                                    

Zoey De Villa



HABANG naglalakad kami ng kaibigan kong si Sab patungo sa garden ng school at kagagaling lang namin sa Canteen kung saan may nakita kaming di kanais-nais na eksena. Dapat pala ay hindi na muna kami kumain bakit kasi nagutom pa ako. Tsk!


"Uggggghhhh, ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yun akala mo kung sino ANG YABANG!"


Kapag naaalala ko talaga ang ginawa ni ---- ughhhh!!! kahit name niya ay isinusumpa ko.

Maganda sana kaso BABAERO! Ang hilig manakit ng kapwa niya babae nakakahiya naman sa pagiging babae niya rin.

"Oh ito tubig uminom ka muna. Masyadong mainit yang ulo mo kay Iris."

Sinamaan ko ng tinggin ang kaibigan kong si Sabrina, Sab for short.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo Sab? Hindi mo ba nakita kung anong ginawa niya kanina?"

Pero nag roll eyes lang ito sa'kin.
At talaga namang...

"So?" bored na sagot niya.

"Anong So? Nakita mo ba kung anong ginawa niya sa babae kanina? Ipinahiya niya sa harap ng maraming tao. Kawawa naman!"

"Kung maka-react ka naman kasi Sis 'kala mo ikaw itong sinaktan. At tsaka alam mo naman ba kung ano ang puno't dulo ng nangyari kanina? Malay naman natin di ba na nasaktan din si Iris kaya niya iyon nagawa?"

Natahimik ako bigla at napaisip.
Bakit naman masasaktan si Iris? Eh kilala nga siyang casanova dito sa school. Walang nagtatagal sa kanyang girlfriend.

GIRLFRIEND! Tsk! sayang ang ganda pa naman niya. Goddess level na nga siya kung tutuusin kaso Goddess level din ang gusto.

Wait! Goddess level? So pwede ding maging kami? Goddess level din kaya ang beauty ko.

Sa naisip kong yun ay napailing-iling ako. Ano ba itong pinag-iisip ko? Kung magkakagusto man sakin si Iris, na pwede ngang mangyari kasi Hello? Ang ganda ko kaya. Pero duh, straight ako! Kaya hindi ko siya magugustuhan!

Sobrang hate ko pa siya dahil sinasaktan niya ang Dyosang tulad namin.

Wait! Namin? BA'T NAMAN AKO MASASAKTAN? Ughhh Iris!!!!

"Ouch!!!!" napahawak ako sa ulo ko. At sinamaan ng tingin ang katabi kong ngingisi-ngisi.

"Bakit mo ko binatukan?" singhal ko kay Sab.

"Nang mabalik ka sa kasalukuyan! Para kang timang na kinakausap ang sarili mo diyan."

"Hindi ko kinakausap ang sarili ko 'no!" Mariing pagtanggi ko.

"Wushu Denial Queen! Diyan ka na nga, magkita na lang tayo mamaya kapag uuwi na, maiwan na muna kita."

At lumarga na ito pagkatapos mag beso sakin.

Napailing-iling na lang ako. I'm pretty sure na lalandi lang ang lokang iyon.

Napatingin naman ako sa paligid ko. Nandito kasi ako ngayon sa garden ng school at hilig ko talaga ditong tumambay.

Napakapayapa, madalas naman ay sa rooftop pero ngayon dito na ako dumaretso dahil mas malapit ito.

Nilibot ko ulit ang aking mga mata sa paligid at nandun na naman yung pakiramdam na parang may nagmamasid sakin.

Pero instead na matakot ako ay hinayaan ko na lang dahil sa totoo lang, feel ko na safe ako at siya ang tagapagbantay ko.

Simula ng tumuntong ako dito sa school na'to ay iyon na ang naramdaman ko. Kahit nga magkasama kami ni Sab nararamdaman ko parin iyon.

At kahit anong gawin kong hanap sa taong nagmamasid, kung tao man siya ay hindi ko makita. Minsan nga naiisip ko baka nga guni-guni ko lang tulad ng sabi ni Sab. Nang mabanggit ko nga sa kanya yung about dito ay mabilis siyang nagsabi na baka nga guni-guni ko lang.

Nakakapagtaka pa nga yung reaction niya kasi parang may tinatago siya pero pinagbalewala ko na lang. Wala naman sigurong ililihim sa'kin si Sab.




MADILIM na ang paligid nang ako'y makauwi sa aming bahay.
Kahit mayaman kami ay hindi naman ito ganoon kalaki. Sakto lang~ pero kapansin-pansin ang karangyaan.

"Oh Hija, nandiyan ka na pala kumain ka na ba?"

Isang matamis na ngiti ang sinalubong ko kay Nay Ayda.

Si Nay Ayda ay ang aking Yaya simula pa nung aking pagkabata at para ko narin siyang pangalawang ina.

"Hindi pa nga po Nay eh, si Sab po kasi kung saan-saan ako inaya. Kayo po ba kumain na kayo?" tanong ko kay Nay Ayda at kinuha ang dala kong bag.

"Kanina pa Hija kasama ng ibang kasambahay at ng iyong Tay Eddie." Tumango-tango ako.

Si Tay Eddie ang asawa ni Nay Ayda na siya namang aming family driver.

Pumunta na kami sa kusina at hinandaan ako ng makakain.

Habang kumikilos sa kusina si Nay Ayda ay pinagmasdan ko ito. Simula pa ng ako'y musmos siya na ang nag alaga sakin, minsan nga napagkakamalang siya pa ang Mama ko.

Walang anak si Nay Ayda at Tay Eddie kaya naman parang tunay na anak ang itinuring nila sa'kin. At sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanila dahil sa pagiging pangalawang magulang nila sa'kin.

Sa mga tunay ko namang magulang, kahit na madalas silang wala sa tabi ko ay hindi ko naramdamang mag-isa ako.
Kahit nasa malayo sila ay halos oras-oras na tumatawag sakin, maliban lang kapag nasa klase ako.

Biglang tumunog ang phone ko.
Speaking of tunay na magulang.

"Hi Mama!" pag bati ko.

"Kamusta ang anak ko? Nakauwi ka naman ba ng maayos? Si Sab? Kamusta? At sina Nay Ayda, yung mga kasama mo diyan sa bahay kamusta?"

Napailing-iling na lang ako. Daig pa ni Mama yung tatakbo sa halalan dahil sa pagkamusta sa lahat.

"Okay lang po kaming lahat Ma, kayo nga pala ni Papa kamusta?"

"Okay naman ako anak! Malakas pa yata 'to gwapo pa." napahalakhak ako ng marinig ang sigaw ni Papa, kahit si Mama ay narinig kong napahagikgik sa kabilang linya.

"Ito na hija, kumain ka na muna." napatingin ako kay Nay Ayda na inaayos ang pagkain sa harap ko.

"Si Nay Ayda ba iyan?" tanong ni Mama sa kabilang linya.

"Huh Opo Ma." sagot ko.

"Pakibigay nga muna yung phone mo at kakausapin ko. At ikaw kumain ka na muna."

"Okay po Ma, sige po. I love you. Pakisabi din po kay Papa I love you."

"I love you din anak." sigaw ulit ni Papa.

Natawa ulit ako dahil kay Papa, ang kulit talaga hahaha... I'm sure na nakaharap na naman ito sa laptop kaya sigaw lang ng sigaw. Lagi itong busy pero ni minsan hindi siya nakakalimot.

"Ang Papa mo talaga, sige na Anak, pakibigay na lang muna kay Nay Ayda, matulog ng maaga okay? At wag magpasaway. I love you din anak."

Ang bait talaga ng mga magulang at ang sweet pa, kaya mahal na mahal ko sila eh.

"Okay po Ma. Sige po bigay ko na po kay Nay Ayda."

Iniabot ko na yung phone ko kay Nay Ayda.

"Si Mama po gusto po kayo makausap."

"Huh ganun ba, wala ka naman sigurong ginawang kalokohan hija?"

"Si Nay Ayda talaga oh, wala po good girl po kaya ako."

Napahagikgik si Nay Ayda sa tinuran ko.

"Biro lang. Oh sige na kumain ka muna at kakausapin ko lang ang Mama mo."

"Salamat po sa pagkain Nay Ayda." Pahabol kong sigaw ng makatalikod si Nay Ayda patungo sa balkonahe.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now