Chapter 7 - Iris doesn't care

5.4K 178 5
                                    

Iris


"Good morning guys" bungad ni Sab.

"Morning" sabay-sabay naming sagot.

Nandito kami ngayon sa dining room kasama yung mga kabandmates ko. Kumakain ng breakfast at syempre ako ulit nagluto.

Hindi sila nakauwi kagabi dahil sa sobrang lakas ng ulan.

Gusto ko sang dalhan ng food si Zoey pero baka hindi niya kainin sayang naman.

"Si Zoey di parin bumababa?" Tanong ni Sab.

"Nope." malungkot na saad ko.

"Mabuti pa gigisingin ko na yun, na sayo susi ng room niya diba? Hiningi mo kagabi kay Nay Ayda?"

Umiling ako. "Binalik ko na kay Nay Ayda kanina."

"Ganun ba? Mamaya na lang ako kakain sasabayan ko na lang si Zoey."

"Huh? What about me? Ayaw mo ba kong kasabay kumain? I thought we're best friend na?" singit ni Kelly sa usapan.

Narinig kong naghagikhikan yung mga kaibigan ko.

Kagabi kasi nung malaman ni Sab na kapatid ni Chuck si Kelly ay parang naging ibang tao itong si Sab sa harap ni Kelly.

Naglaho ang lahat ng inis nito at naging parang maamong tupa ito.

Naging instant BFF din sila nung nagkasundo sila sa naisip na plano ni Kelly na gawin para mapasakin si Zoey.

Nakita kasi ni Kelly kagabi kung paano ako nalungkot ng makitang lumayo si Zoey, wala rin akong nagawa nung tanungin niya ako kung anong meron kami ni Zoey.

Sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat, nasabi ko sa kanyang galit sakin si Zoey. At yung ginagawa kong panliligaw dito.

Akala ko pa kahapon ay magiging okay ang lahat sa'min ni Zoey dahil kitang-kita ng dalawang mata ko na ngumiti din siya sakin. Pero mukhang imagination ko lang ang lahat. Ako ngingitian niya? Mukhang kahit sa panaginip ay impossible.

"Huh? Syempre we're best friend narin pero nag-aalala lang ako kay Zoey kagabi pa yung nagkukulong sa room niya. Di ko pa siya nakakausap about sa date nila ni Ken."

"Ohhhhhh so nakipag date pala yung nililigawan mo kahapon?" Tanong ni Harold.

"Dude you better shut up." sita ni Henry.

"Oh sorry." si Harold.

Ngumiti na lang ako ng pilit.

"It's okay guys." sagot ko.
Pero sa totoo lang nasasaktan ako.

Gusto ko ring maranansan na bigyan siya ng isang date na hindi makakalimutan. Pero may pag-asa pa ba ako para gawin yun?

"Ouch! Shey what?" Daing ni Arkin.

"Yung kamay mo ang likot-likot." pag-amin ni Shey na ikinapula pa ng mukha nito.

"What the heck dude, ang aga-aga pa para diyan." sabi ni Henry na hindi na napigilang matawa ng malakas.

Natawa na lang din ako ng maalala ko yung nagyari kagabi. Maybe pati mga kaibigan ko ay naalala rin yung kagabi dahil kahit sila ay natawa narin.

Kagabi kasi ay nahuli namin si Shey at Arkin na may ginagawang kababalaghan sa rest room na malapit sa music room.

Pero wag masyadong green minded dahil naghahalikan lang naman sila pero siguro kung hindi namin sila hinanap baka nga may nangyari na sa kanila.

Actually naiinggit nga ako kay Arkin dahil siya nagagawa niya na ang lahat sa taong mahal niya. Kahit na may mga pagsubok silang hinarap noon ay nalagpasan nila.

My Favorite GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang