Chapter 20 - Mother Knows Best

4.1K 137 0
                                    

Zoey




PAG uwi namin ni Iris galing sa date namin ay naabutan na lang namin si Mama at Papa sa bahay.

"Ma! Pa!" sambit ko at sabay takbo palapit sa kanila.

"My Princess" Sabi ni Papa at yinakap ako ganun din si Mama.

"Hi Tita.. And hello po Tito." singit ni Iris.

"Ohhh! Andito ka pala Iris? Pero akala ko ba umuwi ka na sa bahay niyo? Kaya dumiretso agad ang parents mo sa bahay niyo." sabi ni Mama.

Napakunot noo ako sa usapan nila.
Close sila ng Mama ko?

"Po? Umuwi narin sina Mama?" takang tanong nito.

"Uhmm, tutulungan ka sana namin.. Pero mukhang hindi naman na kailangan. Halika nga dito.. Payakap sa daughter in law ko."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama.

"MA?" kunot noong reaction ko parin dahil naguguluhan ako. At tsaka Daughter in law? WHAT THE? MAY ALAM SILA?

"So ikaw pala ang tinutukoy ng asawa ko? Not bad.. At magaling pumili itong prinsesa ko. I'm gonna talk to you later." sabi ni Papa kay Iris.

Nakita kong napalunok bigla si Iris pero pinilit parin ngumiti.. Mukhang biglang kinabahan kay Papa.

Tila nagugulahan parin ako kaya hinarap ko si Iris.

Binigyan ko siya ng what's happening look!

"Ah ano kasi pano ba? Tita help me naman oh.. Tinatanong na ako ng anak niyo kung ano ang nangyayari." hinging tulong ni Iris kay Mama.

Samantalang natawa na lang si Mama at Papa sa inasta niya.

"Oh siya sige na ako na lang magpapaliwanag." sabay baling ni Mama sa'kin.

"Ganito kasi iyon anak, bago pa tumira si Iris dito sa atin ay wala talaga akong kaalam-alam na may gusto pala itong si Iris sayo. Pero humanga kasi agad ako sa kanya ng bigla siyang umamin ng totoong feelings niya para sa'yo. Nakausap ko siya that day kasama ang Mama niya at nag paalam siya ng maayos na gusto ka niyang ligawan. So sino ba ako para pigilan siya di ba? Pero ang sabi ko naman sa kanya ay kung ano ang magiging decision mo ay respetuhin niya. At mukhang hindi naman ako binigo ni Iris dahil napaamo niya ang isang tulad mo. Gustong-gusto ko siya para sa'yo dahil alam kung mahal na mahal ka niya." Hinawakan pa ni Mama ang aking mga kamay at nakita kong inakbayan naman ni Papa si Iris.

"Pasadong-pasado." sabi naman ni Papa kay Iris.

Si Iris naman ay biglang nahiya sa sinabi ni Papa, samantalang ako ay speechless at matamang nakatingin lang kay Iris.

Hindi ko akalaing nagawa ni Iris yun. Kaya pala malakas ang loob na guluhin ako dahil may basbas na pala ng mga magulang ko.

"O siya maiwan na muna namin kayo, at mukhang may pag-uusapan pa kayo." Humalik sa noo ko si Mama at si Papa naman ay tinapik sa balikat si Iris.

"Be a good girl Okay? Nasa taas lang kami." sabi ni Papa kay Iris na tila pinasungit pa ang itsura.

"O-Opo." nauutal pang sabi ni Iris.

Si Papa naman ay natawa na lang at napailing-iling sa kalokohan niya, ganun din si Mama. Tinatakot pa kasi si Iris, hindi naman bagay.

Bago umalis si Mama at Papa ay may binulong pa sakin si Mama, na ikinapula pa ata ng mga pisngi ko.

































My Favorite GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon