Chapter 9 - Liar Zoey

4.7K 165 4
                                    

Zoey





"Hindi mo ba talaga sisiputin si Iris?" pangungulit ni Sab.

Kanina pa niya kasi ako tinatanong about sa note na nakaipit sa mga flowers.

May note kasi sa bulaklak na binigay sakin ni Iris, address ng isang place.

Hmm! Pagkatapos ng ginawa niya kanina? Asa pa siyang sisiputin ko siya.

Hindi na nga natahimik ang buhay ko ng manligaw sakin si Ken dahil sa mga fan girls niya, ngayon tuloy mapababae at mapalalaki ay naging usap-usapan na'ko.

"Ano ba sayo kung sisiputin ko siya o hindi? Kung gusto mo ikaw na lang ang pumunta." madiin na sabi ko.

Ngumiti naman ito ng nakakaloko.

"Really? Okay ako na lang pupunta tapos isasama ko si Kelly or si Shey? I'm sure may pupuntahan kayo ni Iris pero dahil hindi ka makakapunta kaya kami nalang mag-aaya na mag bar."

Naningkit ang mata ko at tiningnan ng masama si Sab.

Hilig niya talaga mag bar kabaliktaran ko dahil ayaw ko talaga sa mga lugar na maiingay.

Minsan niya lang ako mapilit na sumama sa kanya mag bar.

"Bakit kailangang kasama pa yung Kelly at Shey?" tanong ko.

"Uhm para mas masaya?" painosenting sagot ni Sab.

"Okay fine sisiputin ko na si Iris." Pagsuko ko.

Nakita kong napangiti ito ng wagas.

"Masaya ka na?" Dagdag ko pa.

"Of course! Sige mag enjoy kayo ni Iris mamaya huh?" niyakap niya ako at umalis narin.

Napailing-iling na lang ako.
Sorry Sab, pero sinabi ko lang na sisiputin ko si Iris para magtigil na ang pangungulit mo.

Dapat nga papayag na lang ako na yayain mo si Iris na mag bar, pero nung sinabi mo na isasama mo si Kelly or si Shey nag-init bigla ang ulo ko. Okay lang kung kayong dalawa ang magkasama pero kung may iba pa, NO! hindi ako makakapayag.






GINAWA ko ang lahat para makaiwas kay Iris at nauna akong umuwi para hindi niya maabutan.

Pag-uwi ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto para maligo.

Habang naliligo ako ay naalala ko yung nangyari nung isang araw. Mukhang sumubra ata ako ng mga sinabi dahil ramdam ko yung sakit. Gusto ko nga sana siyang sundan nung umalis siya at iniwan niya kami sa dining area pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

Tapos ngayon madadagdagan na naman yung sakit na ibinibigay ko sa kanya.

Bakit ko nga ba ginagawa kay Iris 'to? Napapikit na lang ako at hinayaang dumaloy ang tubig sa buong katawan ko.

After ko maligo dali-dali akong nagpatuyo ng buhok at humiga sa kama. Bigla kasing bumuhos ang ulan kaya masarap matulog.








NAGISING na lang ako sa tawag ni Nay Ayda.

"Opo Nay bababa na po" sagot ko dito.

Tumingin ako sa cellphone ko at tumingin ako sa oras 7:30pm na pala.

Nakita ko rin na may text mula kay Sab at kinakamusta kung anong nangyari sa lakad namin ni Iris.

Napakagat ako ng labi, anong sasabihin ko kay Sab?

Napabuntong hininga ako at lumabas na lang ng kwarto. Saka ko na iisipin kung anong sasabihing kong palusot kay Sab.

Napatingin ako sa room ni Iris, nakauwi na kaya siya?

My Favorite GirlOn viuen les histories. Descobreix ara