Chapter 22 - Honesty is the best policy.

3.8K 116 6
                                    

Iris



"Oh well kamusta naman ang lover princess natin?" bungad sa akin ni Harold pagkapasok ko sa practice room namin.

"Ano pa ba? Malamang masayang-masaya." sagot ko with matching kumikinang-kinang na ngiti.

"Yun naman ang importante ang masaya ka." biglang singit ni Arkin.

Napangiti agad ako dahil seryoso yung pagkakasabi ni Arkin nun, pero ang dating sa amin ay parang bumabanat siya.

"Ooooohhh, wala na may nanalo na." sabi ni Harold na lalong ikinatawa namin, kahit si Henry at Chuck ay hindi napigilang tumawa.

Dahil nakita namin kung paano biglang napakunot noo si Arkin.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" takang tanong niya.

Lalong natawa tuloy yung tatlo dahil sobrang cute ng expression niya. Pero ako pinilit ko na magsalita para naman makabawi ako sa best friend ko.

"Wala Arkin trip ka lang nitong si Harold. Para ka kasing bumabanat diyan." sabay ngiti ko sa kanya at yumakap sa braso niya.

Pagdating kasi talaga dito kay Arkin ay nagiging babaeng-babae ako HAHAHA 'la eh, gwapo kaya ng best friend ko.

Pinaningkitan ng mata ni Arkin si Harold.

"Peace Bro!" sabi na lang ni Harold.

"Loko ka kasi talaga eh noh? Si Arkin pa talaga?" Sabi naman ni Henry.

"Okay enough na yan guys, practice na ulit tayo." pag putol na lang ni Chuck pero nandun parin yung ngiti sa kanyang mga labi.

Trip na naman po nila yung best friend ko. Oo takot sila kay Arkin minsan pero kapag gumana talaga ang kalokohan nila ay walang makakapigil. At tsaka sobrang cute din kasi talaga minsan ng expression ni Arkin kahit gaano siya ka-cool kung tingnan pero kapag nakilala mo siya ng husto malalaman mong may pagka isip bata din. Pwera na lang kung nandiyan si Shey, dahil ang gagana diyan ay ang pagka lover prince niya, yung sweetness overload niya at pagka gentleman.
























AFTER ng practice namin ay dumiretso agad ako sa classroom nila Zoey, pero nabigo akong makita ang Baby ko kaya bumalik na lang ako sa practice room para dito ko na lang hintayin si Zoey. Sana lang mabasa niya yung txt ko dahil kung hindi maghihintay na naman ako sa wala.

Nakarinig agad ako ng tunog ng piano pagbukas ko sa unang pinto ng practice room namin.

Mukhang nagpaiwan na naman si Chuck.

"Miss mo?" agaw pansin ko sa attention ni Chuck.

Himinto siya sa pagtugtog at tumingin sa kin.

"Always." sabay ngiti niya pero kahit nakangiti siya, kita mo parin yung lungkot sa mga mata niya.

Nag bigay na lang din ako ng isang sincere na ngiti.

"Babalik din yun. Basta tibayan mo pa ang loob mo." Pampalakas ko ng loob niya.

"Yeah, babalik siya." pag-sang ayon naman niya. "Nga pala ba't di mo kasama si Zoey?" tanong naman niya.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now