Chapter 27 - Chill

4.2K 115 1
                                    

Zoey



"Beach party huh?" sabi ko kay Iris na  ngayon ay ngiting-ngiti na nakatitig sakin.

Naisipan kasi namin na mag beach, actually si Iris lang yung may gusto nung una pero sinang-ayunan ni Arkin. Best friend forever yang dalawa eh.

"What? Hindi ba't sabi mo mag enjoy tayo? So ito na yun." sabi niya pa.

"Talaga lang huh? Eh mukhang ikaw lang nag eenjoy? Gusto mo lang akong makita na nakabikini eh, kunwari ka pa." pang-aalaska ko sa kanya.

"Hindi ah, mas gusto ko kaya yung look mo kapag naka-underwear ka lang tapos suot mo yung shirt ko." Sabi niya sabay kindat pa.

"Manahimik ka Iris!" suway ko sa kanya.

Sabay tawa niya lang ng malakas pero bumawi din at ni-backhug ako. Syempre kilig na naman ako.

"Namiss lang kita, pwede bang sa bahay niyo na lang ulit ako tumira? Para naman lagi kitang nakikita." malambing na sabi niya habang naka-backhug sa akin.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Bakit di mo sabihin kina Mama? Malakas ka sa parents ko diba?" sabi ko.

"Right. Sasabihin kong  magsama na tayo sa iisang bahay, yung tayong dalawa lang para magagawa natin yung mga gusto nating gawin." sabay halik niya sa balikat ko.

Napailing-iling na lang ako, umandar na naman pagka-blank ni Iris, pero syempre sanay na ako.

Isang linggo na pala ang lumipas mula nung hinarana ko si Iris, so far so good naman.

Actually mas lalong naging maganda ang pagsasama namin, mas naging sobrang sweet siya sa akin pero mas naging double din ang pagka-abnormal niya. I mean napakakulit na tao pero sobrang saya kasama.

Kahit na inaasar niya ako lagi, kaya minsan para talaga kaming aso't-pusa ay hindi niya nakakalimutang bumawi sa akin.

Mas gusto ko nga kapag inaasar niya ako tapos kapag alam na niyang asar na ako ay aamuin niya akong bigla at ituturing na baby. Nag eenjoy talaga ako kapag binibaby niya ako, sinong hindi di ba? Iris na yun.

"Guys get a room." Putol ni Sab sa lambingan namin ni Iris.

"Tsk, Sab naman eh." angal ni Iris.

Natawa na lang ako sa naging reaction ni Iris. Para talagang bata.

"Nandiyan na sina Arkin, hinatid ko kanina sa room nila." sabi ni Sab.

"Pati yung kambal nandiyan narin?" tanong ni Iris.

"Yup, pati si Chuck. Kaya kayong dalawa tama na yan, kumain na muna tayo.. GUTOM NA'KO!" sabi ni Sab.

"Wait, wala pa si Ken." sabi ko.

"Ken? Kasama si Ken?" gulat na tanong ni Iris.

Nagkatinginan naman kami ni Sab. Hindi kasi talaga namin pinaalam na kasama si Ken, dahil alam kong hindi papayag si Iris.

Gusto kasi maka-usap ni Ken si Iris, pero itong si Iris ay ayaw ng harapin pa kahit kailanman si Ken.

Nalaman ko rin kasi yung napanaginipan niya noon, sinabi sa akin nina Shey kung paano namutla at nag-alala ng sobra sa akin si Iris.

Pero kabaliktaran ang lahat ng nangyari. Walang ginawang masama sa akin si Ken, actually siya pa ang tumulong sa akin upang makaisip ng gagawing surprise para kay Iris.

"Thank you nga pala at pumayag kang makipag-usap sa akin." sabi ni Ken.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now