Chapter 14 - Hustisya

4.8K 156 4
                                    

Zoey



"Ano magtititigan na lang ba tayong dalawa dito?" putol ni Sab sa katahimikan namin.

Nandito kasi kami ngayong dalawa sa loob ng sasakyan ni Sab at kanina niya pa ko tinatanong nung about kay Iris pero nakatingin lang ako sa kanya at di nagsasalita.

Eh sa wala naman akong sasabihin bakit ba?

"Ano ba kasing dapat kong sabihin?" sabay irap ko sa kanya.

"Tsk tsk! Denial Queen ka talaga." At umiling-iling pa ito.

"Hoy hindi huh, wala naman talaga eh."

"Eh ano yung kanina? Hindi ako bingi 'noh alam ko kung ano yung narinig ko. Alam kong meron ka ng nararamdaman kay Iris, kaya bakit mo pinipigilan pa yang sarili mo?"

Napalunok ulit ako, ano ba kasi 'tong si Sab, deretsahan talaga? Hindi ako ready di ba?

"Hindi mo kasi naiintindihan Sab, dahil kahit ako hindi ko maintindihan ang sarili ko."

Natahimik na lang kami ulit at tanging buntong hininga ko ang maririnig sa loob ng sasakyan.

"Ang hirap kaya ng buong buhay mo akala mo straight ka tapos bigla mo na lang mararamdaman yung pagbilis ng tibok ng puso mo sa kapwa mo babae at hindi lang siya basta babae dahil kinaiinisan ko siya. Alam mo yung feeling na gulong-gulo na ako? Hindi ko rin alam kung bakit naiinis ako kay Iris pero minsan kinikilig ako sa kanya. Sa totoo lang Sab natatakot ako at hindi ko alam ang dahilan." Nakatungo lang ako habang sinasabi yung mga saloobin ko.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na niyakap na pala ako ni Sab.

"I'm sorry. Hindi ko alam na nahihirapan ka rin, akala ko kasi si Iris lang ang nahihirapan lalo na kung sinusungitan mo siya. Grabe kaya yung ginagawa mo sa kanya kaya naman tinutulungan ko siya. Pero kanina di ko sinabi kay Iris yung about diyan sa nararamdaman mo para sa kanya dahil ang gusto ko ikaw mismo ang magsabi sa kanya."

"Thank you Sissy! Akala ko talaga mabubuking na'ko kanina, kinabahan kaya ako ng malala dun."

Narinig ko na lang na tumawa si Sab.

"Kahit naman na tinutulungan ko si Iris, sayo parin ang loyalty ko 'noh.. Hindi kita ilalaglag. Basta siguraduhin mong masasabi mo yang nararamdaman mo bago pa mahuli ang lahat. Sige ka ikaw rin."

"Ughhmm aamin din naman ako. Kelangan ko lang talaga ng lakas ng loob. Hindi kasi ako ready ano ba!"

"Good! So ano tara na? May next subject pa tayo." Aya ni Sab.

"Wait mag-ayos muna tayo, baka umagaw eksena na naman tayo eh." At sabay kaming natawa ni Sab.

Nitong mga araw kasi, agaw eksena na kami.









PAGTUNGTONG ko sa bahay namin ay dumiretso agad ako sa kwarto ni Iris pero wala akong Iris na naabutan.

Sakto naman at nakita ko si Nay Ayda ng bumaba ako papuntang kusina.

"Nay Ayda hindi pa po ba nakakauwi si Iris?"

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now