Chapter 17 - Is this love?

5K 171 4
                                    

Zoey




"Nay Ayda wala parin po ba si Iris?" Pagkauwi ko kasi ng bahay ay dumiretso agad ako sa room niya kaso wala akong Iris na naabutan.

"Hindi pala siya nakapag paalam sayo?" sagot ni Nay Ayda.

Napakunot noo ako sa sinabi niya. "About saan po?" takang tanong ko.

"Umuwi na siya sa bahay nila, nagpakain pa nga siya kanina at nagpasalamat sa sandaling nakasama niya yung mga tao dito. Sinabi ko nga na hintayin ka pero ang sabi niya alam mo na daw na aalis siya."

Biglang pumasok sa isipan ko yung huling naging usapan namin.

"Zoey, mahal kita. At sigurado ako sa kung anong nararamdaman ko sayo. Kung anong gusto mo ay gagawin ko. Ngayon kung gusto mong tigilan kita at kahit masakit gagawin ko para lang sayo."

"Hija anak, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Nay Ayda.

"Huh? Ah Opo.. Naalala ko na nga po.. Nabanggit niya nga po sa akin. Sige po Nay Ayda.. Hindi narin po pala ako kakain dahil kumain na po kami ni Sab sa labas." ngumiti na lang ako ng pilit dahil ayoko namang mag-alala pa si Nay Ayda.

Uugod-ugod akong naglakad patungo sa kwarto ni Iris.

Guest what? Naiwan yung amoy niya dito sa kwarto kaya lalo akong nalungkot.

Nangyari na yung kinakatakutan ko na baka nga sukuan na ako ni Iris.

Baka? Eh Iniwan ka na nga kasi masyado kang pabebe.

Ito namang si brain nakikisali pa. Hays! Nababaliw na ata ako, kung kelan gusto kong yakapin si Iris, ngayon pa niya naisipang sumuko? Babawiin ko na nga yung sinabi kong I hate you sa kanya eh. Pero paano ko pa gagawin yun?

Eh di puntahan mo sa kanila.

Tama! Siguro mas okay kung ako naman ang susuyo sa kanya?









































KINABUKASAN ay pinuntahan ko sa bahay nila si Iris.

At hindi ko alam na may maganda palang maid itong si Iris. Na ikinatas agad ng isang kilay ko. Siya kasi itong sumalubong sa akin.

"Where's Iris?" Pagsusungit ko sa kanya, di ko naman gusto na sungitan siya pero naiinis talaga ako at hindi ko alam kung bakit, samantalang mas maganda parin naman ako.

"Huh? Ah eh n-nasa taas po, t-tulog pa po." mautal-utal niyang sagot.

Yan tama yan mautal ka, malaman ko lang na nilalandi mo si Iris malalagot ka sa akin!

Pero wait bakit ko naman naisip na lalandiin niya si Iris? Ano bang nangyayari sa akin? Paka-judgemental ko naman!

"Thanks!" sabi ko na lang, kahit naman nagsungit ako mabuti akong tao 'no! At nilayasan na siya. Kakahiya kasi sinungitan ko siya eh ngayon ko nga lang siya nakita. Wala naman siyang ginawa sa aking masama!

Mukhang bata pa naman yung isa, tsk! Pinagselosan ko pa.

Wait! Selos? No way!!!

Pailing-iling pa ako habang umaakyat sa hagdan! Jusme nababaliw na ata ako.

Dahan-dahan kong pinihit yung doorknob and yes hindi naka-lock!

Kaya ngiting-ngiti akong nakapasok sa room niya, pero may halong inis dahil paano na lang kung may ibang pumasok dito at pagsamantalahan siya habang tulog?

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now