Chapter 15 - Maybe

4.5K 152 3
                                    

Zoey


"Pwedeng kiss mo na lang ako sa lips?"

"Pwedeng kiss mo na lang ako sa lips?"

"Pwedeng kiss mo na lang ako sa lips?"

"Pwedeng kiss mo na lang ako sa lips?"

Ang nagpaulit-ulit sa isipan ko.

"Cat got your tongue?" nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ulit siyang magsalita.

"Itikom mo yang bibig mo Zoey at baka ako ang kumagat diyan sa dila mo." Mabilis kong tinikom ang bibig ko.

Aba! Loko 'tong babaeng to.. Mukhang lasing pa ata at trip ako.

"Matulog ka na nga.. Lasing ka lang! Tutal nakapagbihis ka narin maiwan na kita, kung ano-ano na pinagsasasabi mo." tumalikod narin ako at nagmadaling naglakad papalayo para makaiwas sa kanya.

Pero sadyang pinagtitripan din ako ng tadhana dahil bigla na lang may yumakap sa likod ko dahilan para mahinto ako sa paglalakad.

Napalunok ako ng di oras ng maramdan kong siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Halos ramdam ko narin ang bawat hininga niya na tumatama sa aking leeg. Damn!

Dapat tinutulak ko na siya papalayo pero bakit hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya?

"Thank you sa pagbihis ng damit ko kanina. Isa pa hindi ako lasing 'noh. At bakit aalis ka ng hindi ako kinikiss?"

Biglang nag init ang pakiramdamn ko nang maalala ko yung hubad niyang katawan.

Kaya para maalis yung nararamdaman kong ito ay humarap ako sa kanya at siya na ding bitaw niya sa pagkakayakap sakin at bahala na kung anong magawa ko.

"At bakit kita ikikiss? And FYI, really hindi ka lasing? Kaya naman pala kung makagiling ka kanina dun sa bar at sa babaeng parang tuko kung makakapit sayo eh enjoy na enjoy ka!" Nang-gagalaiti tuloy ulit ako sa naabutan kong iyon ughhhh.

Naputol ang pag-eemote ko ng marinig ko siyang nagpipigil ng tawa.

Binigyan ko siya masamang tingin.
Tawanan ba daw ako.

"Sorry! Ang cute mo kasing magselos." naka-smirk niyang sabi, samantalang ako ay napairap sa kanya.

"Bakit naman ako magseselos? Baka nakakalimutan mo lahat ng sinabi mo sakin kanina habang pasuray-suray kang naglalakad?"

Napansin kong may gumuhit na lungkot sa kanyang mga mata pero saglit lang iyon dahil bigla din siyang ngumiti ng matamis.

"Sa pagkakaalala ko wala naman ako gaanong nasabi sa iyo? Bukod dun sa ikaw na lang lagi ang nasa isip ko kahit anong gawin ko. At bakit ka nga ba nagpunta sa bar? Kala ko ba ayaw mo sa mga ganung lugar?"

Nagseselos ako! Gusto ko sanang isigaw sa harap niya pero wag na lang baka lumaki pa ang ulo. Hmm! Hinding hindi ko aaminin na nagseselos ako! Kahit na anong mangyari.

"Bored ako eh! Masama? At tsaka maiba naman. How about you? Bakit ka naglasing?" Pataray kong tanong sa kanya. Kala niya huh!

"W-wala! Gusto ko lang mag-inom. Masama?" pang-gagaya niya sakin sa word na masama? Pero feeling ko hindi iyon ang dahilan.

"So ikikiss mo na ba ako?" tanong niya ulit.

Muli ay napaarko ako ng isang kilay.

"At talagang hindi mo titigilan yang kiss na gusto mo?"

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now