Chapter 12 - 3rd Kiss

5.2K 158 1
                                    

Iris


NAKANGITI kong pinagmamasdan ang natutulog na si Zoey. She's really cute.

Hindi ko mapigilan na titigan ang kanyang mapupulang labi. Bigla kasing pumasok sa isipan ko yung nangyari kahapon bago kami umuwi dito sa bahay nila.

Kahit nung bago kami ulit matulog ay gustong-gusto ko itanong sa kanya yung about dun pero napatitig na lang talaga ako kanyang labi at muntik na akong mawala sa control.

Pero hindi ko talaga alam kung panaginip ba iyon o totoong nangyari na hinalikan daw ako ni Zoey kaya naman mas pinili ko na lang matulog.

Kung halikan ko kaya ngayon si Zoey? Tulog naman siya kaya hindi niya malalaman, isa pa matagal ko ng gustong halikan siya.

Dahan-dahan kong nilapat ang aking labi sa kanyang labi. Damn! Sobrang lambot ng kanyang labi at tila may kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao ko. Kagaya ng nangyari kagabi.

Hindi kaya totoong nangyari yung kagabi? What if hinalikan ako ni Zoey habang natutulog ako?

"I-Iris?" laking gulat ni Zoey.

Oww mukhang nagising siya sa halik ko. Napa-smirk ako sa naging itsura ni Zoey, pulang-pula na kasi ang magkabilaang pisngi nito.

"A-Anong ginagawa mo? Lumayo ka nga!" Halata sa mukha ni Zoey ang iritasyon at bago niya pa ako itulak ay nahawakan ko ang kanyang dalawang kamay at inilagay sa kanyang ulunan.

Mas nilapat ko ang katawan ko sa katawan niya..

"I'm not done with you." cold kong sabi. Napasinghap pa ito ng isiniksik ko ang ulo ko sa kanyang leeg.

Inamoy-amoy ko siya. Shems sobrang bango niya talaga. Hindi ko tuloy napigilang bigyan ng mumunting halik ang kanyang leeg.

"S-Stop! Geez! Iris let me go" muli ay nagpumiglas si Zoey pero dahil mas matangkad ako sa kanya kaya nahirapan siyang makawala sa'kin.

"Wag kang makulit! Or I'll fucking take you here!" Nahinto siya sa pagpupumiglas. "You choose". Dagdag ko pa habang nakatitig sa kanya.

Lalo naman siyang namula ng hinalikan ko siya ng mabilis sa labi.

Sorry na, di ko mapigilan eh

"H-How dare you kiss me?!!!! IT'S MY FIRST KISS! ughhhh! Wala na! I REALLY HATE YOU!" may pahampas-hampas pa siya sa dibdib ko, hindi naman masakit dahil hindi gaanong malakas yung paghampas niya.

Natawa na lang ako sa kanya dahil sobrang cute niyang tingnan.

"What? May nakakatawa ba?!" mataray niyang tanong.

"You! Ang cute mo kasi." umalis na'ko sa pagkakapatong sa kanya at umayos na ng upo sa kama.

"At isa pa, second kiss mo na yun dahil---" naputol ako sa pagsasalita ng biglang magsalita si Iris.

"OMG! Nakakahiya sabi na nga ba eh dapat pinigilan ko ang sarili ko na halikan ka kagabi.. Ughhh gising ka nun noh? At nag panggap ka lang na tulog? Aish! I hate you!" napasambunot pa siya sa kanyang ulo habang ako ay amaze na amaze na pinapanood siya.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now