Chapter 11 - Cuddle weather

5K 160 0
                                    

Zoey



NAGISING ako sa ingay na nanggagaling sa phone ko?

Pagdilat ng mga mata ko ay literal na nanlaki ang mga ito dahil nagdako ang mga mata ko sa leeg?

Hanggang sa naalala ko ang mga pangyayari kanina.. Shems nakatulog nga pala ako kasama itong si Iris.

Napalunok na lang ako dahil sa nang-aakit na leeg ni Iris. Tapos ang bango-bango niya pa.

Patuloy lang sa pagtunog ang phone ko, halos di ako makagalaw dahil sobrang higpit ng yakap sakin ni Iris, feeling ko rin namumula ako ngayon dahil ngayon ko lang narealized na nakayakap din pala ako sa kanya.

Dahan-dahan akong gumalaw para hindi siya magising at kinuha ang phone na nilapag ko kanina sa table malapit sakin.

Si Nay Ayda pala ang tumatawag.

"Yes Nay Ayda? Huh Opo uuwi narin po kami hinihintay ko lang magising si Iris.
Okay po. Sige po."

At binaba ko na ang phone.
Tumungin ako sa oras, 6:29PM na pala.

Nagbaling ang tingin ko kay Iris na mahimbing na natutulog.

Sa sobrang higpit nang yakap niya kanina halos ayaw na niya akong pakawalan.

Dahan-dahan ulit akong lumapit kay Iris, pinagmasdan ang kanyang maamong mukha. Pero nagkamali ata ako ng ginawa dahil muli ay naakit na naman ako ng kanyang mga mapupulang labi.

Shit! Ughh ang tanga mo talaga Zoey, halos kastiguhin ko na ang sarili ko.

Pero damn! Napangiti na lang ako ng matamis! Kinilig pa ata ako at yung puso ko ang bilis ng tibok. 

Pero mali parin itong nararamdaman ko kaya naman ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko.

Napadilat naman ako ng biglang naramdaman ko ang paghila sakin ni Iris at muling niyakap ako ng mahigpit.

Lalong lumalala ang tibok ng puso ko.

"I-Iris"

"ssshhh let's sleep" mahinang usal nito.

Napaangat ako ng isang kilay, ipagsasawalang-bahala ko na muna itong nararamdaman ko.

Dali-dali akong humiwalay kay Iris.

"Zoeyyyyy" parang bata na angal niya.

"Kanina pa tayo hinihintay ni Nay Ayda, kelangan na nating umuwi."

"P-pero antok pa'ko." napangiti na lang ako sa itsura niya, nakapikit pa kasi ang mga mata nito at parang batang nag-iingit. Ang cute lang!

"Bumangon ka na diyan, sa bahay ka na matulog." hinila ko na siya, medyo maiinit pa siya pero hindi na katulad kanina na sobrang init.

Nagdilat na ito ng mga mata, pupungay-pungay pa nga kaya naman sobrang cute lang tingnan.

"P-pero mas gusto ko dito kasi katabi kita." Seryoso itong nakatingin sakin.

Natameme naman ako sa sinabi niya, naalala ko kasi yung nangyaring yakapan namin kanina habang natutulog. Feeling ko tuloy namumula na naman ako.

"Okay fine! Pwede kang matulog sa room ko. Kaya bumangon ka na diyan."

Parehong nanlaki yung mata namin ni Iris. Siguro siya dahil sa narinig at ako naman ay ng ma-realized ko kung ano yung sinabi ko.

What the? Did I really just say that? Pumayag akong matulog siya sa kwarto ko?

"Really? Walang ng bawian!" mabilis na tumayo si Iris at nakita ko na lang ito na inaayos ang sarili.

Napanganga na lang ako. Damn!




MABILIS na bumaba ng sasakyan si Iris, habang ako ay napailing-iling na lang...

Nakita ko pa itong masayang sinalubong si Nay Ayda at mabilis ulit na naglakad paakyat kung saan malamang ay sa kwarto ko.

Habang nasa sasakyan kasi kami ay sinabi niya sa akin na dederetso na siya sa kwarto ko at matutulog ulit.

"Anong nangyari sa batang 'yun? Akala ko ba ay masama ang pakiramdam niya? Aba'y parang hindi naman? Kahit na medyo mainit pa nga siya." nagtatakang tanong ni Nay Ayda.

Napangiti na lang ako kay Nay Ayda.

"Excited lang pong matulog ulit yun." ang nasabi ko na lang.

"Ay ganun ba? Ay teka nga kakain pa ba kayo?"

"Huh Nay, kumain na po kami bago umuwi, may natira kasi kanina sa mga binili ko kaya inubos na namin."

"Eh nakainom na naman ba ng gamot si Iris?"

"Opo Nay, ako na po bahala sa babaeng yun. Sige po mauna na po ako."

"Oh siya, mabuti nga at magpahinga ka narin. Tawagin niyo nalang ako kapag may kailangan kayo."

"Salamat po Nay, Good Night po."








NAGTUNGO agad ako sa kwarto ko at nakita ko si Iris na prenteng nakahiga sa kama.

Ay wow feel na feel agad ang kama ko.

"Can I hug you na? Come!" malambing na pagkakasabi ni Iris.

Ako naman ay napanganga na naman sa kinikilos niya.

My god papatayin ba ako ni Iris sa pinag-gagagawa niya?

"Namumuro ka na huh?" lumapit ako sa kanya at naka-crossed arms sa harapan niya.

Bumangon ito at muli ay niyakap niya ulit ako sa bewang.

"Please? Baby!" malambing na sabi niya.

Nanigas na ata ako sa kinatatayuan ko.
Di ba dapat ay tinutulak ko na siya? Pero, napakagat na lang ako ng labi dahil inaamin kong nagugustuhan ko rin ang yakap niya.

"F-fine" nauutal kong sagot.

Bumitaw ito sa pagkayakap sakin at masayang tumingala sakin at nagulat na lang ako ng bigla itong tumayo at hinalikan ako sa noo.

"Thank you Baby." nakangiti parin niyang usal sa'kin. "Let's sleep na ulit?" tanong niya pa.

"Baby! Are you okay?" Nabalik na lang ako sa kasalukuyan ng marinig ko na naman yung Baby na yan.

Di ko alam na nawala pala ako sa sarili kanina. Seriously, Iris? Anong ginagawa mo sakin?

Napatingin ako sa mga mata ni Iris, what the? Nahuli ko kasi siyang nakatingin sa labi ko.

Pero bigla lang siyang nag-iwas ng tingin at humiga na lang ulit.

"Huh, Kung ayaw mo pang matulog okay lang mauuna na lang ako." Sabay talikod niya sakin.

"Huh, Y-Yeah shower muna ko. Night!" ang nasabi ko na lang at mabilis na tumakbo patungong bathroom. Agad akong napasandal sa pintuan pagkasarado ng pinto.

Aish! Nakita ko kasi siyang napakagat labi kanina bago niya pa ako talikuran, at grabe lang yung nararamdaman ko ngayon. Damn! That was HOT!

My Favorite Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن