Finale

6.4K 157 20
                                    

Zoey





ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Iris.

"Di na ko magpapaligoy-ligoy pa, hindi naman siguro iba sayo na ayoko talaga sayo. Pero..." nahinto sa sasabihin niya si Iris at muling binalik ang tingin sa akin.

"Pero tulad nga ng sabi ni Zoey, mas magiging okay ang lahat kung magkakausap tayo at magkakapatawaran. Tama ka rin, mas masaya mabuhay kung alam mong okay ang lahat at walang may galit sayo. So Ken, pinapatawad na kita. Okay na sakin yung hanggang panaginip lang yung nangyari at kabaliktaran lang ang lahat. Akala ko kasi talaga ay magagawa mo kay Zoey yun. Sorry din kasi pinag-isipan kita ng masama, and thank you sa pagtulong mo kay Zoey." inabot ni Iris ang kamay niya Kay Ken at hindi nag dalawang isip na abutin 'to ni Ken.

Yung ngiti sa aking labi ay abot hanggang tenga, sa wakas okay na si Iris at Ken, at least hindi na ako mag-aalala na baka magpang-abot yung dalawa at kung saan mapunta.

"Thank you Iris. Sana maging magkaibigan din tayo." sabi ni Ken.

"Alam mo Ken, welcome ang lahat maging friend ko pero mapili ako, kaya gawin mo ang lahat para mapili ko." sabay tawa ni Iris.

Napailing-iling na lang ako.

"Don't worry I'll try my best this time." sabi ni Ken na natatawa din.

"Hep, siguraduhin niyong hanggang friends lang yan ah" singit ko sa usapan nila.

"Selos agad yung girlfriend mo Iris." sabi ni Ken.

"Hoy hindi ah." Sabi ko na lang.

Nakita ko kasi yung pag smirk ni Iris, malamang lalaki na naman ulo ng isa.

"But guys, I'll be honest with you... Noon naisipan ko talagang gawin kay Zoey yun. Zoey, I'm so sorry. Pero... hanggang sa isip ko lang talaga yun. Hindi kita kayang gawan ng masama." Pangungumbinsi ni Ken.

I can't believe na pinag-isipan niya talaga ako ng masama, pero gaya ng sabi niya ay hindi naman niya kayang gawin.

"Iris..." tawag ko sa kanya.

Bigla kasing natahimik na naman siya, baka mamaya bigla nalang niyang suntukin si Ken.

"You know what Ken, thank you sa pagiging honest, and thank you kasi mas nangibabaw yung pagmamahal mo kay Zoey." Kalmadong sagot ni Iris.

I'm so proud of my girl talaga, akala ko kasi iinit na naman ang ulo niya.

"Wala yun, ganun naman pag nag mahal di ba? Sisiguraduhin mong masaya yung taong mahal mo. At kahit masakit sa akin na hindi ako ang pinili ni Zoey, at least alam kong magiging masaya siya sayo. Kapag masaya si Zoey, masaya na rin ako." sincere na sabi ni Ken.

I'm touch, si Ken ba talaga ang nasa harapan namin?

"Don't worry Ken, makakaasa ka na hindi ko paiiyakin si Zoey. Kung iiyak man siya iyon ay dahil sa tuwa dahil masyado ko siyang mahal. Iingatan ko siya hanggang sa kaya ko." sabay hawak ni Iris sa kamay ko.

And again Iris won my heart.
Alam niya talaga kung paano ako paibigin ng paulit-ulit.

"Okay na'ko, yun lang ang gusto ko makita. Ang makita kayong dalawa na masaya. So paano ba yan? Mauna na ko... Thank you again sa inyong dalawa." paalam niya.

"Thank you din Ken." Yumakap ako sa kanya at ganun din siya sa akin.

Napangiti naman ako ng yumakap din si Iris kay Ken.

"See you, my friend." sabi ni Iris.

Isang matamis na ngiti ang binigay ni Ken.

Finally.

My Favorite GirlWhere stories live. Discover now